Chapter 3

3 0 1
                                    

This chapter is dedicated to my schoolmate na lowkey lang na bumabasa sa stories ko🫶✨

Hallo Shera Mae Lagura ng ABM Sy. Lahams na lahams kita🫰🏻❤️🎀 Salamat sa support mo!

Chapter 3.

Special Kubo.


"Ano'ng nangyari sa 'yo kanina? Bad mood ka ata?" tanong ko nang nakasakay na kami sa elevator.


"Wala lang. Trip ko lang," tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi siya. "Na-miss kasi kita kaya bad mood ako habang nagtatrabaho. Akala ko ikaw magdadala ng papeles sa opisina ko. Hindi pala,"


Oh. Si Shane ang pumunta doon kanina.


"Alam mo bang umiyak 'yung babaeng naghatid ng papeles sa opisina mo? Ano ginawa mo?"


He looked up as if he is thinking of something. "Ah... Iyon? Sinaway ko lang naman siya sa suot niya. Hindi ba sila nag-require rito na dapat formal attire ang dapat suotin araw-araw?" nagulat ako sa naging sagot niya.


Akala ko nilandi siya ni Shane at nagalit siya. Wow... This is a bit unexpecting.


"Oh... Okay. Akala ko ano na sinabi mo,"


The elevator stopped and we went out. Napatingin ang lahat sa amin kaya napairap ako. Chismis na naman 'to, panigurado.


May sinabi pa si Jeremiah pero hindi ko ito pinansin, tuloy-tuloy lang ang paglalakad papunta sa sariling cubicle. Pagsulyap ko sa kaniya ay nakanguso na siya at wala akong pakialam.


That day went smoothly. Umuwi akong hindi na naman kumain ng hapunan. Good thing hindi kami nagkita ni Jeremiah habang papauwi ako. Nag-offer pa naman iyon na ihahatid ako pauwi.


Wala sa sarili akong natawa. For sure ngumunguso na naman iyon.


Natulog ako nang maaga at nagising rin nang maaga. I still have 1 hour before going to work kaya napagpasyahan kong magpahangin at abangan ang pagtaas ng haring araw. Tumawag si Mommy para kamustahin ako. That was just a short call and that made me a bit happy. Tuwang-tuwa ang kapatid ko dahil nakatanggap na naman ng pera.


"Good morning!" nanlaki saglit ang mata ko sa pagsalubong ni Jeremiah sa ibaba ng apartment. May dala siyang supot na may lamang iba't ibang containers.


"Ang aga pa pero nandito ka na?"


"'Di kita nahatid kahapon eh kaya pambawi ko 'to," siya pa talaga ang babawi? May saltik yata talaga 'tong isang ito.


Napabuga na lamang ako ng hangin at tinitigan siya. "Ano naman ang pambawi mo?"


Bahagya niyang tinaas ang supot na dala. "Sabay tayong kumain ng agahan. Nagpaluto ako sa pinsan ko,"


"Hmmm..." libreng pagkain na naman. "Sa seaside na tayo kumain. Gusto ko makita ang haring araw,"


"Sige ba." ngumiti siya.


Nagsimula kaming maglakad at nang marating namin ang seaside ay saktong sumisilip na ang araw. It gave an orange-like color in the sky and it made me smile. I really love sunrises but I more love to watch sunsets.


"Gusto mo kunan kita ng picture?" masama kong tiningnan ang umepal at natawa siya. "Smile ka na. Ang ganda mo,"


"Alam ko," tamad na sabi ko.


He really took a picture of me while I was staring at the rising sun. Nasulyapan ko din ang pagsi-selfie niya kaya napailing ako. We shared breakfast together. May balak pa siyang suboan ako pero hindi ko pinansin.


Peter JeremiahWhere stories live. Discover now