Chapter 2

458 39 16
                                    

I just landed a few hours ago. Sinundo kami ng driver ni Mommy sa airport. Honestly, I missed my old life here. Mula kasi ng umalis ako ay never akong umuwi, si Mommy lang ang dumadalaw sa'kin doon, Dad never dared to visit me.

Finally, graduate na ako. May maipag mamalaki na ako sa family ko somehow. I expected a welcome party or at least my Parents are present to welcome me, but I guess everybody's busy. Pati sa mismong graduation ko eh hindi sila nakarating, hanggang dito ba naman? Tanging mga kasambahay ang naabutan ko kanina
at buti pa sila naghanda ng welcome banner for me.

Bumangon na ako at inayos ang higaan ko, hindi din naman ako makapag pahinga dahil sa jetlag. I went to check kung ano ang pagkain sa baba. As usual, our Cook prepare meals for us and sometimes, nauumay na ako nakikita ko pa lang ang nakahain.

I remember, I would often sneak outside to try new food, street foods to be exact after classes noon kasama ang mga kaibigan ko. Madalas nga akong asarin ng mga kaklase ko noon kasi hindi daw ako nauusukan man lang kaya sinubukan kong kumain sa labas one time at nagustuhan ko naman. Mejo nasira nga lang ang tiyan ko that day but the rest after was fine. Minsan mas masarap pa nga ang pagkain sa labas kesa sa mga restuarants or luto ng Chef sa bahay.

Natatawa ako whenever I reminisce those days na pasaway ako dahil ayaw ni Mommy na kumakain ako ng street foods.

Kumuha ako ng pagkain at agad na dumiretso sa kwarto ko. Dito na lang ako kakain sa veranda, malayo sa mga tao sa bahay. Mas tahimik, walang nakabantay sa bawat subo o nguya mo ng pagkain.

I often feel na iba ako sakanila. Hindi ako mahilig sa magarbong sosyalan. Although magastos ako sa vices like bars, drinks, smoke, women, barkada. Dito ako madalas nagpupunta ang allowance ko.

Can you blame me? I was born with a silver spoon. Money is our toy kaya balewala sa'kin ang gumastos.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Tumayo ako para pagbuksan ito. "Dee, I just want to remind you on our company ball tonight. Make sure to be there." Kuya niya pala ang kumatok. Inirapan niya ito at tinalikuran.

Wow ah! Kararating lang niya pero wala man lang  pagbati? Ano, aattend ako agad ng party na hindi naman sa'kin?

"Hey. Look at me when I'm talking to you!" Sigaw nito. Hindi ko siya pinakinggan at lumabas ulit sa veranda. Pinagpatuloy niya ang pagkain, Ignoring his presence. Ganito naman kami palagi, aso't pusa.

Padabog niyang binaba ang kubyertos at humarap kay Tyler. "What do you want from me ba Kuya? Kababalik ko lang diba?" Singhal niya sa kapatid.

"Stop f*cking your life and start fixing yourself." Singhal nito pabalik. 'Anong problema nito? Pupunta lang ba siya dito para pagalitan ako? Hindi ba pwedeng kumain ng tahimik? Tsk.' Sabi ng isip niya. Nananahinik ako eh!

"F*cking what? Daming sinabi. You have our company to look after, stop minding my business Kuya!" Pagalit na sigaw niya sa kapatid. "And besides graduate na ako, you don't have anything against me anymore." Dagdag niya at inirapan ito.

Agad namang nag iba ang expression ng mukha ng Kuya "Basta be there! Mamaya tatakas ka na namam. Finish the whole program!" Singhal nitong muli. Umalis na din ito pagkatapos siyang pagalitan.

Whatever! Two years lang naman ang tanda nito sa'kin, akala mo magulang ko na kung makapag salita. Tss. Di man lang siya binati ng congratulations!?

I called my two Best friends, Riri and Cal for a three-way videocall. I have a very small circle of friends and I don't let anyone in. We've been each other's Bros from another Mom since kindergarten days so we really know each other from head to foot. They also know my deepest secret that my family have kept for years. Well, it's not a secret anymore when I bedded countless of women since puberty hits. Since I learned how to shave.

Taciturn LoveWhere stories live. Discover now