Chapter 5

540 50 12
                                    

Riiing! Riiing!

Halos sabay na nag ring ang alarm niya sa cellphone at ang binili niyang alarm clock kahapon. Yes, I had to make sure na hindi na ako late this time kaya bago umuwi ay dumaan muna ako sa store para bumili ng alarm clock, just in case.

Nag muni-muni siya ng ilang minuto bago bumaba sa kusina para magluto ng breakfast nila. Ito talaga ang usual na gising niya para may time pa siya para kumain sa umaga.

Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagbihis na. Simple lang ang pinili niyang suot. Black na trouser at white na sleeveless blouse at old rose na coat.

Pagkatapos niyang tignan ang mga gamit ay umalis na siya ng bahay. Maaga siyang nag abang ng masasakyan at luckily ay hindi na siya nahirapang sumakay. Minalas lang talaga siya kahapon kaya siya na late.

Kumaway si Cait sakaniya ng marating niya ang lobby ng floor nila. Nag 'Good Morning' pa ito sakaniya. Kumaway at tumango siya dito bilang tugon.

"Anjan na si Ma'am Dee." Bulong nito ng makalapit siya. Kumunot ang noo niya at napa tingin sa relo na suot niya. 'Ang aga naman niya.' Sabi niya sa isip niya. Akala niya ay maaga na siya sa lagay na yun, mas maaga pa pala ito. "Sinabi lang din sa'kin ng guard kanina." Dagdag pa nito.

Tumango lang siya dito bilang tugon. Dumiretso siya sa washroom at nag ayos ng sarili. Nag lagay siya ng konting lipstick na hindi naman niya ugaling maglayag noong andito pa si Tyler.

Ni-ready niya sa tablet ang sasabihin dito. Kumatok siya ng pintuan at agad na binuksan ng wala siyang marinig na tugon mula kay Dee. Nagulat siya ng makita niya na nakaawang ang pinto ng bedroom sa loob ng opisina ni Tyler. Meron kasi itong nilaan na kwarto kapag gusto nitong magpahinga o umidlip kapag puyat ito sa trabaho or kapag galing ito ng overseas trip at sa office dumidiretso.

Hindi pa man siya nakakalapit ay may marinig siyang ingay mula sa loob. "Uuhhm. Oh f*ck!" Singhal ng boses sa loob. Kumunot ang noo niya. Dahan dahan siyang lumapit at tinignan kung sino ang nandoon dahil ang alam niya ay off limits ang kwartong iyon. Tanging si Tyler lang ang may access dito.

Nanlaki ang mata niya ng makita niya si Dee na nakahiga sa kama at may nakapatong dito na babae. Sa sobrang gulat ay napa tili siya ng hindi sinasadya. Natutop niya ang sariling bibig dahil ngayon na lang niya ulit narinig ang sarili niyang boses. Gusto niyang maglakad pero tila napako ang mga paa niya pati ang mga mata niya at napako sa dalawang nasa kama.

Nilingon naman siya ng mga ito. Bakas ang gulat sa mga mukha nila. Naghilahan pa sila ng kumot dahilan para malaglag ang babae sa kama at tumambad sakaniya ang hubad na katawan ni Dee. Ngumisi pa nga ito ng nakakaloko ng makita siya na tila proud pang naka bunyag ang katawan nito.

Umatras siya at dali daling lumabas ng opisina ni Tyler ng matauhan siya. Dumiretso siya sa washroom upang pakalmahin ang sarili dahil sa totoo lang ay ang lakas ng tibok ng puso niya.
Nakita nga siya ni Cait na tumatakbo pero hindi niya ito pinansin at dali daling pumasok sa washroom at ini-lock ito.

'Sh*t! Sh*t! Sh*t!' Sigaw niya sa isip niya. Gulong gulo siya sa nakita niya dahil bakit merong 'ano' si...ano.. si...oh sh*t!' Napahawak siya sa noo niya. Hindi siya pala mura pero hindi niya maiwasan dahil sa nasaksihan niyang eksena. Hindi niya maalis ang tingin kanina dito dahil nakatitig din si Dee sakaniya.

Sa kabilang banda ay namiss niya ang sariling boses. Sa tagal tagal na niyang mute ay nakalimutan na niya pati sarili niyang tono. Mejo na dry pa ang lalamunan niya dahil kanina pa siya lunok ng lunok.

'Bakit ang...?' Sabi niya sa isip niya. Hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin. Napapikit at napa iling siya para makalimutan ang itsura nito ng bumalik sa isip niya ang tagpo kanina. Kung gaano siya titigan ni Dee at kung gaanong galit na galit yung 'ano' niya.

Taciturn LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz