Chapter 3

457 45 3
                                    

"Jessy, can I have a minute with you?" Narinig niyang tinawag siya ni Tyler mula sa intercom. Kararating lang nito mula sa meeting kasama ang mga Executives. Agad naman niyang inayos ang damit at saka pumasok sa office nito.

"Yes Sir, may kailangan ka?" Bati niya dito mula sa tablet niya. 'Sir' kasi ang tawag niya dito ko kapag nasa opisina sila, hindi dahil sa gusto ni Tyler pero gusto niya. Ayaw niyang abuhusin ang kabaitan ni Tyler, dahil kung ito ang masusunod ay gusto nito na Tyler lang ang itawag sakaniya.

"Take a sit Jessy." Utos nito at seryoso ang mukha nito. Agad naman siyang umupo sa silya na katapat ng table nito. "Jessy, I have a proposition with you." Panimula nito. Tinignan ko naman siya at tahimik na ang abang sa sasabihin nito.

"Will you come with me to New York? We have acquired few hotels there and the Boards wants me to lead the team. What can you say?" Masayang balita ni Tyler. Pinaka titigan siya nito at tila nag puppy dog eyes pa.

Nag iwas siya ng tingin dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. 'Ano ba Tyler! Wag mo akong tignan ng ganyan!' Sigaw ng isip niya.

"New York?" Nagsulat siya sa tablet niya at inulit ang sinabi ng kaibigan.

"Yes New York!" Tumango tango si Tyler. "Come with me please?" Nagmamaka awa ang mukha nito. Nag type siyang muli. Nilingon niya si Tyler na matyagang naghihintay ng sagot niya.

"Hindi naman ako nababagay doon Ty. I'm sure may makukuha kang ibang secretary doon. And besides, maiiwan ko ang kapatid ko." Paliwanag niya dito. Agad namang nalungkot ang expression ng mukh ni Tyler.

"But we're partners right? Ikaw lang ang nakaka intindi sa'kin Jessy. Please consider, please?" Pagmamaka awa nito. "We'll leave in a week. Think of the opportunity Jessy!" Pangungumbinsi nito. "Let me know in two days. Ha? Please?"

Huminga siya ng malalim bago muling nagtype sa tablet. Ano nga bang kinakatakot niya? Ang maiwan niya si Xander or ang makasama niya Tyler sa malayong lugar? "Sige, I'll think about it Ty." Maiksi niyang tugon.

Hinayaan naman siya ni Tyler na makapag isip at hindi na kinulit pa. After niya sa office nito ay bumalik na siya sa station niya.

Buong hapon siyang halos tulala kakaisip sa offer ni Tyler sakaniya. Come to think of it, mas matutulungan niya si Xander sa schooling nito kung mas malaki ang income niya. Pero on the other side, dalawa na nga lang silang magkasama, iiwan pa ba niya ang kapatid? Parang hindi niya kayang iwan ito lalo na sa pinagdaanan nilang dalawa. A part of her ay against sa decision ngayon pa lang kung sakaling aalis siya.

May dalawang araw pa naman siya para mag-isip. Might as well think about it thoroughly.






"Bro anong plano mo?" Tanong ni Riri sakaniya. Nasa coffee shop sila ngayon at nagpapakatino, malayo sa alak na kadalasan ay kaharap nila. Nagtatatanggal ng hangover mula sa paginom nila kagabi. Nakwento na niya sa dalawa ang sitwasyon niya at positive naman ang feedback nila. Finally daw ay makakasama na nila ako sa mundo nila.

"I honestly don't know Ri." Huminga siya ng malalim. Sinabi na kasi niya sa dalawa ang plano ng Mommy niya na pag take over ng business nila. "Hindi ko alam if kaya kong magtino or kung mapapanindigan ko ang corporate life."

Two years na silang graduate kaya naman ako na lang ang napag iwanan. May kanya kanyang positions na ang mga ito sa kumpanya ng mga magulang nila kaya heto's hihingi sana siya ng tips.

Taciturn LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon