Ang Aswang Sa Bayan Ng Erzila Kabanata 2

223 4 0
                                    

Kabanata 2

"Hindi nakapag salita ang matandang aswang sa tinuran ng kanyang apo.

Bakit nagiging matigas na ang iyong ulo mela! nakalimutan mo nabang pinatay ng mga tao ang mga magulang mo! Ang galit niyang sabi sa kanyang apo.

"Hindi mo pwedeng malaman na ang kapatid ng ina mo ang dahilan ng pagkamatay ng mga taong iyon!!
Ang sabi ng matandang aswang sa kanyang isip.

Kung totoong inusente ang mga magulang ko! sana may patayan paring nagaganap hanggang ngayon sa bayanng ito!

Pero lola Pagmasdan mong mabuti o pakiramdaman mong mabuti!! simula nong nawala ang mga magulang ko!
Naglaho at natahimik na ang lugar na ito!!
Paano ako maniniwala sa inyo ngayon?

Na ang mga magulang ko ay walang kinalaman sa pagkamatay ng maraming tao sa bayang ito noon!

Ang padabog niyang sabi sa kanyang lola. sabay alis na ito sa kanyang kinatatayuan.
Ayaw na niyang madagdagan pa ang kanilang pagtatalo ng kanyang lola.

Mukang lumalambot ang puso ng batang iyon!
kaylangan ko na atang ipakita sa kanya ang lagim sa bayang ito!

Upang siya na mismo ang pumatay sa mga taong narito sa erzila.
Ang Galit na galit na sabi ng matandang aswang na si rosa.

Kaylangan ko na atang magtungo sa aking mga alaga upang utusan na ang mga aswang na ipagpatuloy ang gawaing nasimulan na noon!

Ang pabulong niyang sabi habang pinagmamasdan niya si mela na papa akyat ng hagdan.

Lumipas ang ilang mga araw.

Sa di kalayuan sa bayan ng erzila may mga naninirahang aswang kung saan liblib na lugar. Parti ng bayan ng erzila na kung tawagin.

Naku! ernan mag-gagabi na ngunit malayo layo pa tayo sa erzila?
Pagod na akong maglakad.
Dito kaba talaga nakatira?
Napakalayo masiyado ng bahay mo!
Lagpas na tayo sa kabahayan.

Ngunit hindi iyon pinansin ni ernan.

Si ernan ay ang panganay na kapatid ni amanda.
At ang babaeng kasama niya patungo sa erzila ay ang kanyang kasintahan kamakaylan lang.

Dahil sa taglay niyang kagwapuhan at taglay niyang kakisigan. Marami ang naaakit na mga babae rito kung kaya't iyon ang ginawa niyang dahilan para hindi sapilitang kalagkarin ang babaeng magiging pagkain nito.

Nang makita na ni ernan na papalubog na ang araw agad niyang sinunggaban ang babae. Sabay kagat sa kanyang liig.

Anong- ginagawa mo ernan! ang nanginginig niyang sabi)
"Ngunit iyon na ang huling nasabi ng kawawang babae.
"Pagkatapos niyang patayin ang babae ay kaagad niya itong hinila sa madamong lugar at doon niya kinain ang mga laman loob nito ng walang alinlangan.

(Kinabukasan)
Ang aga aga pa para utusan ako ni ina sa bukid! nakakaasar naman ang saad ni renato sa kanyang sarili.

Habang naglalakad ito pakanta kanta pa ito hanggang sa napansin niyang may mga kalat kalat na mga damit sa daan na may bahid ng dugo. Nang marating niya ang bangkay ng isang di kilalang babae na halos wala nang laman loob!wakwak ang katawan at hindi mo na nanaisin pang kumain kapag nakita mo ang bagay na ito.

(Napatakbo sa takot si renato na may halong takot kaba na nararamdaman sa kanyang nakita.at sabay sigaw ang katagang)

May aswang nanaman sa bayang ito! May aswang nanaman sa bayang ito!! ang pa ulit ulit na sigaw ni renato.
Habang tumatakbo ito patungo sa bayan ng erzila.

Agad naglabasan ang mga tao sa erzila. At narinig ang masamang balita na dala ni renato.

Ano sa palagay mo ang ginagawa mo!!
Ang sigaw ni jasmine sa kanya!
Wag ka ngang patawa! wala na ang mga aswang ngayon!

Agad napatigil si renato sa kanyang pagsisigaw ni hindi na niya namalayang nakarating na pala siya sa kabahayan. Ni hindi rin niya narinig ang sinabi ni jasmine sa kanya.

"Agad nagsilapitan ang mga tao kasama na sina mela at ang matandang si rosa.

Hinihingal na sinabi ni renato ang kanyang nakita sa kabukiran. At agad na nagtungo ang mga tao roon upang makita ang masamang balitang nakita ng binata.

Nagulat ang lahat sa kanilang nakita! mas malala pa ito sa mga sina una kung nakita noon! ang sindak na sindak na sabi ng mga tao sa bayan ng erzila.

Agad kumalat ang masamang balita sa buong bayan ng erzila.kaya tuwing sasapit na ang alas 5 ng hapon ay nagsasarado na ang lahat ng kani kanilang mga pintuan mga bintana at pati narin sa mga daanang pwedeng madaanan ng sino man. para sa kanilang kaligtasan.

Habang papauwi na ang maglola.
Tahimik lang si mela at nakikiramdam naman ang matandang si rosa sa kanyang apo. Kung ano ang magiging reaksiyon nito.

Ngunit wala siyang mahintay na salita mula sa bibig ni mela kaya siya na ang naglakas loob na mag salita.

Naniniwala kanaba ngayon sa akin mela?
Hindi ang mga magulang mo ang pumapatay sa bayang ito.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaWhere stories live. Discover now