kabanata 14

105 4 0
                                    

Nakakainis! Bakit kung kaylan malapit nang maisakatuparan ang aking kagustuhan saka naman dumating ang pangyayaring ito!

Ang inis na inis na Saad ng mangkukulam na ina ni jasmine.

Pero Hindi Bali,sa tindi ng kanyang saksak siguradong maglalaho na ang lahat ng lahing aswang sa oras na mamatay si mela.Ang nakakapagtaka lang
Sino kaya ang lalaking iyon na naglakas loob na patayin ang anak ng aswang.

Samantala
Buhat buhat ni ernan si mela patungo sa kinaroroonan ng matandang aswang mabilis itong nagtungo roon habang humihinga pa si mela.

"Ngunit tanging paghinga nalang ni mela ang nagsisilbing buhay pa ito.
Wala kanang mapapansin na kahit kaunting kilos sa katawan ni mela,lupaypay na ito habang buhat buhat ng kanyang Tito ernan.

Mela,Pakiusap lumaban ka,Kaarawan mo na kinabukasan,Wag ka munang mamatay Ngayon Pakiusap lang mela,Kayanin mong mabuhay Hanggang sa iyong Kaarawan.

Pagdating ni ernan sa kinaroroonan ng matandang mangkukulam,kung saan itinago ni ernan ang kanyang ina sa mag-asawa na muntik nang pumatay sa kanila.

"Anong nangyari kay mela ernan?
Buhay paba siya?
Bakit parang wala na siyang buhay?
Wala na ba tayong pag-asa?
Ang naguguluhang tanong ng matandang aswang.

Kaya ko siya dinala rito upang magamot ninyo ina!
Pakiusap pagalingin natin si mela.
"Agad na nanlumo ang matandang aswang sa kanyang narinig.

"Wala na tayong magagawa sa nangyari sa kanya,Ang tangi nalang nating magagawa ay maghintay ng himala na baka sakaling mabuhay pa siya at manatili pa tayong buhay.

"Nanlumo si ernan sa kanyang narinig,Sabay tulo ng mga luha nito,Wala na ba talagang pag-asa?
Bakit ngayon pa,kaarawan na niya kinabukasan.

Paano na tayo ngayon ina,tiyak kong tutugisin nila tayo rito,lalo pa at alam na ng mga kumukontrol sa mga magulang ni mela ang ating kinaroroonan.

"Hintayin nalang natin ang muling pagbabalik ni mela,Baka sakaling mabuhay pa siya.

Tumahimik na ang mag-ina,at inayos ang kasuotan ni mela,lupaypay na ang buong katawan ni mela,at parang wala na-rin utong buhay kung titignan mo.
"Habang ginagawa ng matandang aswang ang ayos ni mela,dumadaloy ang mga luha nito sa kanyang pisngi,Dahil wala na si mela wala na-ring pag-asang dumami pa ang lahing aswang at lalong hindi na-rin sila magtatagal.

Pagsapit at pagkatapos ng kanyang kaarawan,maglalaho na silang lahat sa bayan ng erzila,Ang saad ng matandang aswang habang pinagmamasdan ang nahihimlay na katawan ni mela.

Samantala abala naman ang mga tao sa bayan ng erzila upang lusubin ang kinaroroonan ng mga lahing aswang,kung saan sila dating namumugad sa bayan ng erzila.

Handa naba ang lahat!
Sa ating pagtugis sa lahing aswang,Kaylangan na nilang mawala sa bayan ng erzila!
Upang tayo na ang mamayani sa bayang ito!
(ang sigaw ng matandang mangkukulam)

Dahil sa ginawa ng mangkukulam,sa mga tao sa bayan ng erzila,tanging siya na  lang ang sinusunod ng mga tao sa bayan ng erzila,kahit hindi nila kagustuhan ang kanilang ginagawa.
Ay wala silang magawa kundi sundin ang nais ng mangkukulam.
sa kagustuhan ng mangkukulam na siya lang ang magreynareyanahan sa bayan ng erzila kung kaya pati sarili niyang anak ay hindi na masaya sa kanyang mga ginagawa sa mga tao sa bayan ng erzila.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant