Aswang Sa Bayan ng Erzila Kabanata 3

164 5 0
                                    

ANG ASWANG SA BAYAN NG ERZILA

Ngunit hindi pa-rin pinansin iyon ni mela.
Bagkus ay nagtungo ito sa bahay nila renato upang magtanong sa kanyang nakita.

Mela! saan ka nanaman pupunta?
Kinakausap pa kita!
Ang galit na galit na sigaw ng matandang si rosa.

Pagkarating ni mela sa bahay nila renato.
Napansin niyang nasa isang tabi si renato halata ang takot sa kanyang itsura.

Nagpanggap nalang si mela na parang walang nangyari.

Hoy! renato anong ginagawa mo jan?
Halika lumabas tayo kasama si jasmine.

Ngunit tila ba walang naririnig si renato kundi ang naririnig o nakikita lang niya ay ang bangkay ng kawawang babae na nakita niya kani kanina lang.

Kanina pa ganyan yan,,mula nung makita niya ang bangkay ng babae. Natatakot na nga ako ee!
Ang saad ng babae na nasa likuran ni mela. Ang ina ni renato.

Magandang tanghali po sa inyo aling maria.
Ganun din sayo! halika tumuloy ka.
Lapitan mo siya baka sakaling makausap mo siya.

Oyyyy! renato! ayos kalang ba?
Tumingin si renato kay mela ng nakakasakit na tingin at sinabi.

"Mamamatay tayong lahat!
Nakikita kung narito na ang anak ng pamilyang aswang na pinatay ng sanlibutan ng bayan na ito!

Ang nanginginig niyang sabi habang tingin dito tingin doon ang kanyang ginagawa.

Ang kamay mo renato!
dumudugo na!!
Ang sigaw ni mela sa kanya.
Dahil kagat kagat rin ni renato ang kanyang dalari.

Aling maria! aling maria! si renato!

Naalarma naman si aling maria kaya kaagad itong nagtungo sa kanila.

Nakita niyang kagat kagat pa-rin ni renato ang kanyang mga daliri!

Agad hinawakan ni aling maria ang bunganga ni renato at sapilitan itong ibinula upang maalis ang mga daliri nito sa kanyang bunganga!

Ano bang nangyayari sayo anak?
Kasalanan ko ito!!
Kung hindi ko sana siya inutusan ng ganun kaaga hindi mangyayari ang bagay na ito!

Wag niyo pong sisihin ang sarili niyo aling maria.
Baka nabigla lang po si renato.

Nang biglang magsalita ulit si renato.
"Habang hawak hawak ng kanyang ina ang duguang kamay nito.

Mamamatay tayong lahat sa bayang ito!
mamamatay tayong lahat sa bayang ito!!

Ang paulit ulit na sinasabi ni renato kahit sino man ang kanyang makita ay laging ganun ang kanyang sinasabi.

Kaya minabuti nalang ng kanyang ina na ikulong ito sa kanyang kwarto at wag palalabasin hanggat hindi pa ito nakaka move on sa kanyang nakita.

Hindi magawang makausap ni mela si renato kaya nagtungo nalang ito sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng babae.

Nang makita niya roon ang hindi kilalang lalaki at isang babae na nakatayo mismo sa pinangyarihan ng krimin.

Sino ang mga ito!
Nakadamit ng itim na kasuotan?
At nakasumbrero ng itim?

Nang biglang lumingon ang dalawa s kinaroroonan ni mela. Na kaagad namang nakapagkubli si mela sa kanyang kinaruruonan.

kitang kita ni mela na kuyay pula ang kanilang mga mata.

Sino ang mga taong iyon?
kalahi ba namin sila?
Pero hindi maaari! normal lang ang aming mga mata! pero sa kanila!
kasiyahan ang nagpapapula sa mga mata ng mga ito?

Kasiyahang pumatay at kumain ng tao?
Ang agad pumasok sa kanyang isipan!

Sila kaya ang pumapatay sa bayang ito noon?
Kaylangan ko itong ipaalam kay lola rosa!

Nagmadali itong tumakbo papalayo sa lugar na iyon.
Nang hindi niya namamalayang nakatingin na pala ang dalawa sa kanya at sinabi)

Hahahah! ito na ang ating pinakahihintay!
Maghihiganti na siya!
ang saad ng babaeng aswang.

Magagalit sa atin ang matandang aswang pagnagkataon!

Kabilin bilinan niya sa akin na huwag tayong magpapakita sa kanya!

Takot ka pa-rin ba sa matandang iyon!
ang galit na sabi ng babae!

Mas malakas siya kisa sa atin!
baka nakakalimutan mong siya ang ina ko!

Oo na sige na!
umalis na tayo rito baka makita pa tayo ng matandang iyon!

Mabuti pa nga.

"Habang papalapit na si mela sa kanila.
Nakita niyang nakaupo ang kanyang lola sa di kalayuan sa kanilang bahay.

kaya dumiretso nalang ito sa kanya.

Lola! lola! lola!! ang paulit ulit niyang sigaw habang patakbong patungo sa kanyang lola rosa.

Anong nangyayari? bakit kaba tumatakbo?
may nakita karin bang aswang??

Lola! may nakita akong dalawang tao,,ayy hindi pala sila tao! mga aswang sila lola.

Kitang kita ng dalawang mata ko!
kulay pula ang kanilang mga mata.

Agad na nagulat ang matandang si rosa. nang sabihin nitong kulay pula ang mga mata ng mga dayuhan sa bayan ng erzila.

Kulay pulang mga mata!!
Ang titigas ng mga ulo nila!

Sinabi kong wag na wag silang magpapakita sa apo ko!!
Ang nagagalit na niyang sabi sa kanyang sarili.

"Bakit lola?
may problema kaba?
tara na lola baka umalis na sila roon!
anong iniisip mo lola?
Kaylangan niyo silang makita!

Wag na apo! ako na ang maghahanap sa dalawang iyon! pero lola kaylangan mo ng kasama! Masmalakas pa ako sa kalabaw apo! kaya wag mo akong isipin.

Akoy aalis na upang hanapin ang dalawang taong iyon
Alam niyo ba kung nasaan ang dalawang iyon lola?
Paano niyo sila hahanapin kung hindi niyo pa sila nakikita?

Kulay pula ang mata kamo diba apo??
Ahh sa mata niyo po makikilala ang dalawang iyon?

Humanda kayo sa akin!!
Ang galit na sabi ng matandang aswang sa kanyang sarili habang papaalis na ito sa kanila.

Aswang Sa Bayan Ng Erzilaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن