Erzila Kabanata 11

104 2 0
                                    

Wag kang ma-niwala sa kanya mela! lumayo kana sa kanya habang may pagkakataon ka-pang tumakas!
BILISAN mo mela!!! ang nanghihinang sigaw ng kanyang tito ernan.

Dahil don na alarma si mela kung kaya't dali dali na itong umalis,pa-takbo itong umalis sa kinaroroonan ng kanyang mga minamahal sa buhay.
Dahil alam nitong wala pa siyang magagawa kundi ang sundin ang sinasabi ng kanyang tito ernan.

"Patakbong tinahak ni mela ang bundok ng erzila,Habang tumutulo ang kanyang mga luha masakit para sa kanya na makita ang kanyang mga magulang na sila sila lang din ang nag aaway away.

"Habang tumatakbo si mela naiisip niya ang mga salitang.
"Akala ko sa pelikula lang ito nangyayari! hindi ko lubos akalaing pati pala sa sarili kung buhay ay mangyayari ang ganito,,Ang umiiyak niyang saad habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Babalik ako! mama,papa,lola at tito ernan ipagtatanggol ko kayo sa mga tao sa bayan ng  erzila!
akala ko mababait ang mga tao sa bayan ng erzila!
nagkamali pala ako!Lalong lalo na sa go-mambala sa aking mga magulang na sila rin ang dahilan ng matagal nilang pamamahinga!! magbabayad sila sa ginawa nilang iyon!

Hinihingal na si mela sa katatakbo ngunit parang walang katapusan ang bundok ng erzila,pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng kagubatan.
Malayo layo na siya sa bayan ng erzila.
Ngunit hindi niya alam kung saan siya ngayon hahantung.

Bukod kay tito ernan at lola rosa wala na akong ibang malalapitan pa.
Ang tanging malalapitan ko nalang ay ang aking kaibigang si jasmine.

"Pero paano ako pupunta roon kung lahat ng tao sa bayan ng erzila ay tinutugis ako!
Baka pa-ti ang aking kaibigang matalik ay kasabwat na-rin!

Nang hindi niya napansin ang batong nakaharang sa kanyang dadaanan dahilan para matapilok ito at bumagsak bumagsak sa lupa.
"Sa sobrang sakit ng kanyang nadarama naghalo halo na ang sakit na tinamo nito sa pagkakadapa.
At tuluyan na siyang umiyak ng umiyak na may halong pagsisisi,,Sana nakinig nalang ako kay lola!Hindi sana mangyayari ang bagay na ito! kasalanan ko ito kung bakit nangyayari sa pamilya namin ang ganitong pangyayari!!

Sabay sampal nito sa magkabilaan niyang pisngi,,nang sasampalin nanaman niya ulit ang kanyang sarili biglang may pumigil sa kanyang mga kamay.Napaangat ng tingin ang dalaga dahil sa takot nito napaatras ito.

Isang lalaking nababalot ng itim na kasuutan,natatakpan din ng itim na mask ang kanyang mukha ang biglang dumating sa harapan ng dalaga.

"Si-sino ka?

Wag kang matakot sa akin hindi ako masamang tao! kaibigan ako.
Ang saad ng lalaki kay mela)

"Nang bigla nalang marinig ni mela sa di kalayuan ang boses ng mga tao.
Pakiramdam nito ay malapit na ang mga tao sa kanilang kinaroroonan sa lakas ng kanyang naririnig.

Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit malakas na ang kanyang pandinig dalawang araw nalang at magiging ganap ng aswang si mela.
Nangyayari na ang pagbabago sa kanyang pangangatawan at kilos.

Ano na miss?
sasama kaba sa akin o hihintayin mong maabutan ka rito ng mga humahabol sayo!

"Paano mo nalaman ang bagay na yan?
Sino kabang talaga?

Hindi mo na dapat iyon malaman ang mahalaga ay makatakas ka sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat.

Walang nagawa si mela kundi sumunod sa lalaki dahil dinig na dinig na niya ang mga boses ng mga tao sa bayan ng erzila.

Lumipas ang mga oras na sa kanilang paglalakad napansin ni mela na parang may mali sa kanilang pinupuntahan.

Saan ba tayo pupunta?
Bakit parang may mali rito!
ang tanong ni mela.

Samantala abala naman sa pagtakas si ernan habang inaamoy amoy ang kinaruruonan ni mela upang tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamangkin alang alang sa kanilang angkan.

Part 4

Nasaan na kaya si mela? hindi siya pwedeng mahanap ng kanyang mga magulang!
kaylangan ko silang maunahan bago mahuli ang lahat.

Malapit na-ring magdilim,, dalawang araw nalang ang nalalapit kaarawan na ni mela.ang saad ni ernan)

Sa pagsasalitang iyon ni ernan,ay  narinig ni mela ang mga salitang iyon.kung kaya naman sinabi nito sa kanyang sarili na malapit lang sa kanila ang kanyang tito ernan.

Habang naglalakad sila ng lalaki,naghanap ng paraan si mela para makatakas sa lalaki,,pakiramdam kasi nito ay may mali sa lalaking kasama nito.

hindi rin siya nagsasalita?Tahimik lang siya at hindi niya sinasagot ang mga tanong ko sa kanya.
at sinabi)
"Pwede ba tayong magpahinga sandali?
Ang saad ni mela na agad nagpatigil sa paglalakad ng misteryosong lalaki.

"Bakit?
Baka maabutan nila tayo rito.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon