Erzila Kabanata 8

116 4 0
                                    

Habang papauwi na sina mela at ang matandang si rosa,,Biglang nagsilabasan ang mga taga baryo Erzila at hinarangan sina mela at aling Rosa.

Anong meron!
Bakit kayo narito?

alam na namin ang lahat! na kayo ang may kagagawan ng lahat ng patayan sa bayang ito!

Ang galit na sigaw ng taong bayan ng erzila)
Patayin silang lahat!
Patayin silang lahat!

Dahil sa sigawang iyon ng mga tao! sumigaw ng malakas si Rosa at dali daling nagpalit anyo ang matandang si rosa.
Anyong katatakutan ng lahat ng mga taong naroon.

Lusubin silang lahat!
Ang utos ng nakatataas sa kanilang bayan.
Sinugod nila ang matandang aswang na ngayon ay sumugod narin sa mga tao.

Dahil magisa lang si Rosa,,sa pakikipaglaban sa mga tao.
sugatan itong bumagsak sa lupa.
kasama na ang ibang mga taong nabiktima ng matandang si rosa.

Habang abala ang mga tao sa pagtugis sa aswang.
Dali dali namang iniligtas ni ernan si mela sa mga tao.

Nasaan na ang anak ni amanda!
Hanapin niyo siya! hindi siya pwedeng makatakas sa bayang ito!

Ang sigaw ng nakatataas sa kanilang lahat sa bayan ng erzila.

Agad namang kumilos ang mga tao sa bayan ng erzila upang hanapin ang anak ni amanda na si mela.

Samantala sa di kalayuan sa bayan ng erzila kung saan sinunug sina amanda at arman.
Biglang gumalaw ang lupa na kanilang pinaglibingan sa kanilang magasawa.

Nakita iyon ng karamihan dahil nakarating na ang mga tao kung saan nila sinunug noon ang mag anak na tinatawag nilang aswang.

Anong nangyayari! Bakit gumagalaw ang lupa!!!
Ang sigawan ng lahat ng mga taong naroon habang sinasaksihan nila ang pagbuka ng lupa! hanggang sa tuluyan nang bumukas ang lupa na maykasamang pagusok sa bukana ng butas na gawa ng pagbukas ng lupa.

Nagulat at natakot ang mga tao nang makita nila kung sino ang lumabas sa butas na iyon!

Si amanda at si arman magkahawak kamay silang bumangon ng biglaan habang namumula ang kanilang mga mata,,,

Parang nagsasabing ang mapupulannilang mata ay naghahanap ng katarungan sa pagpaslang sa kanilang mag anak.

Dahil sa muling pagbabalik ni amanda at arman.
nagulantang ang lahat ng taong nakakita sa kanila.
Habang ang iba naman ay nagsitakbuhan na papalayo sa mga ito.

Nang bigla nalang sunggaban ni amanda ang pa-palayong lalaki at agaran niya itong pinatay.

Na hindi naman nila ginagawa noong sila ay nabubuhay pa-lamang.

Galit at poot ang namamayani sa puso ng mag asawa.
Hinahanap nila ang kanilang anak na si mela na hindi nila alam kung narito paba siya sa bayan ng erzila o pinatay na-rin nila noon.

Wag mo akong patayin! wala akong kasalanan!Ang pagmamakaawa ng lalaki.Ngunit iyon na ang huling pagmamakaawa na nagawa ng lalaki kay amanda,,bingi sa galit at poot si amanda kung kaya't ang pagmamakaawang iyon ng lalaki ay hindi na naramdaman ni amanda.

Wala na itong pakialam sa mga susunod pang mangyayari ang tanging nais lang nito ay makita ang nawawala niyang anak.At lumayo na sa bayan ng Erzila.

Kasalanan niyo rin naman ang lahat ng ito!Kung hindi kayo nam-bintang noon at pinaniwalaan niyo ang mga sinabi namin wala sanang ganitong mangyayari!

hindi kami magiging ganito kasama kung hindi niyo kami tinuruang maging masama.Ang Galit na sabi ni amanda habang patuloy ito sa pagpaslang sa mga taong kanyang nahahagilap.

Nang maubos na ni amanda at arman ang mga taong kanina lang ay nagtatakbuhan,,kaagad na silang nagtungo sa bahay ng kanyang inang si rosa.

Samantala abala naman sina ernan at mela sa pagtakbo ng mabilis patungo sa pinagkukublian nila noon ng kanyang asawang namatay na.

Ano ba! tito ernan nasasaktan ako!
Bakit natin iniwan si lola sa mga tao!
Paano na si lola rosa!
Baka napatay na siya ng mga tao!
Wag kanang magkunwaring nasasaktan ka,,dahil wala ka namang pakialam kahit mamatay ang lahi nating mga aswang!

Ang galit na sabi ni ernan sa kanyang pamangkin.

"Anong dapat kung gawin?
Ang tanong ni mela.

Kaylangan mo lang hintayin ang kaarawan mo!
pagnangyari iyon,,tiyak na ma mabubuhay muli ang mga namatay nang mga aswang sa ating angkan,,kasama na ang mga magulang mo mela!!

Totoo ba yan??
ang hindi makapaniwala niyang tanong sa kanyang tito ernan.

Tatlong araw nalang mela,,,tatlong araw nalang!
at mabubuhay na ang mga magulang mo!

Ang saad ni ernan na may halong sabik at galak,,dahil pagnangyari iyon,,tiyak niyang mabubuhay rin ang kanyang asawa at anak.

Aswang Sa Bayan Ng ErzilaWhere stories live. Discover now