Prologue

38 18 0
                                    

     _____________________________________

I was sitting on the bench, reading a book. It's my vacant time kaya dumiretso na ako dito sa likod ng school. Napaka relaxing ng lugar na ito kaya dito ako palaging tumatambay. Para itong park, may fountain at maraming mga bulaklak.

Tumunog ang phone ko kaya ibinaba ko muna ang librong binabasa ko. Nag chat si Gab, boyfriend ko sa rpw. Di ko nalang ito pinansin at kinuha ulit ang libro upang magpatuloy sa pagbasa.

May tampo ako sa kaniya. Eh pano ba naman kase di nag reply kagabi, yun naman pala nasa inoman. Hmp bahala siya sa buhay niya!

I know it's just a fake world. But I never fake my feelings for him, ewan ko nalang sa kaniya.

I sighed, ibinalik ko sa bag ang libro. Nakatulala lang ako sa fountain ng ilang minuto ng makarinig ako ng yabag papunta sa direksiyon ko kaya agad akong napalingon. At kung minamalas ka nga naman!

Naglakad papunta sa direksiyon ko si Nick, habang nagta-type sa phone niya. Hindi siguro ako nito napansin dahil nasa phone ang atensiyon nito, dire-diretso itong umupo sa tabi ko.

Tumunog ulit ang phone ko kaya napalingon ito sa'kin. Napa iwas ako ng tingin at tinignan ang phone ko, nag chat ulit si Gab. Ramdam ko ang titig ni Nick sa aking tabi kaya lumingon ulit ako sa kaniya. Hindi pala siya sa'kin nakatingin, assumera lang.

Nagtaka ako dahil nakatitig ito sa phone ko, salubong ang kilay. Problema neto?

Nagulat ako ng biglang hablutin nito ang phone ko at binasa ang chat ng boyfriend ko.

"H-hoy! Akin na nga yan! You're invading someone's privacy!" Sigaw ko rito at hinablot sa kaniya ang phone ko.

Nanlaki ang mga mata niyang lumingon sa akin. Dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo paalis. Narinig ko pang tinatawag ako nito ngunit di ko na siya nilingon pa.

Bumalik na ako sa room at saktong sunod na pumasok ang Math teacher namin.

Umupo ako at nabaling ang tingin sa bintana at nakita kong tulalang naglalakad si Nick.

May sayad yata sa utak yung lalaking yun! Bigla bigla nalang nanghahablot ng phone at binasa pa ang chat ng boyfriend ko.

Ibinalik ko nalang ang tingin kay Teacher Kath at nakinig na.

Mr. NeighborWhere stories live. Discover now