CHAPTER FIVE

12 3 0
                                    

Chapter Five: What?!

***

Asteria's Point of View



"Come on, I'll buy it for you...Ria."

Nalaglag ang panga ko sa narinig at mabilis na napa iling. Ano?! Ba't niya bibilhin? Gago! Ang mahal kaya! At paano niya nalaman ang pangalan ko?!

"Wag na!" Pinigilan ko siya ng pupunta na sana sa counter. Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa papulsuhan niya at tumingin sa akin. Namula ako sa hiya at nag-iwas ng tingin bago siya binitawan.

Tumalikod ito sa akin at naglakad na papuntang counter habang nakasunod sa kaniya ang dalawang bata na hirap sa pagdadala ng mga shopping bags. Napabuntong hininga nalang ako sa katigasan ng ulo, ayaw talaga paawat ang isang iyon. Umupo nalang ako sa bench at hinintay siya.

Di nagtagal ay bumalik na ito at siya na ulit ang nagdala ng mga shopping bags dahil mukhang pagod na ang dalawang bata.

Binigay niya sa akin ang dalawang shopping bags kaya tinanggap ko ito at tinignan ang laman. Yung mga librong binili niya.

"Thank you." Pagpasalamat ko dito at ngumiti sa kaniya ng bumaling ito sa akin. Namula ang mukha nito at maya maya'y ngumiti rin.

"You look better when you smile." Nag-init ang mukha ko kaya tumalikod na ako sa kaniya at nagsimulang maglakad upang di niya makita ang pamumula ng mukha ko. Siguro'y kasing pula na ng kamatis ang mukha ko!

Narinig ko pa itong tumawa na hindi ko nalang pinansin.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ito. It is a text from dad.

Papa:
We have just arrived home.

Nilingon ko si Nick na hawak rin ang phone niya. "We're going home now." Pagpaalam ko sa kaniya at kinuha ko naman ang shopping bags na naglalaman ng mga laruan ni Aion.

"Kami rin, nag text na si Dad."

Aion and Nemo said goodbye to each other before we parted ways. Dumiretso na kami ni Aion sa parking lot at saktong naabutan namin and driver ni Papa na nakasandal sa kotse naghihintay sa amin. Dali dali itong lumapit ng makita kami at kinuha ang mga shopping bags na dala ko, nilagay sa likod.

After a few minutes we arrived at the mansion. Bumaba na ko sa sasakyan at binuhat si Aion dahil halatang pagod ito. Pagpasok namin sa loob ay agad na dumiretso sa living room. Naabutan namin si Tita Irish at Papa na nag-uusap. Agad namang nagpababa si Aion at patakbong lupamit sa kanila at yumakap. Lumapit din ako sa kanila and kiss their cheeks.

"Prepare yourself, Ria. We have a visitors later." Dad said kaya kumunot ang noo ko ngunit tumango pa rin. Sino naman kaya?

Pagpasok sa kwarto ay inilapag ko muna sa kama ang shopping bags na naglalaman ng mga libro pagkatapos ay pumunta sa banyo para shower, nang matapos na ay pumanta na kaagad ako sa walk in closet para mamili ng susuotin. I chose to wear the casual midi dress, it's a floral halter sleeveless. I also wore my 2.5 inches sandals bago lumapit sa vanity mirror to put make up on my face, hinayaan ko nalang na nakalugay ang mahaba kong buhok.

Nang matapos na, I sprayed perfume before standing up, tinignan ko pa ang kabuoan ko sa salamin. I looked at the time, 6:30 before I went down.

Nasa kalgitnaan pa ako ng hagdan ng makarinig ako ng mga nagtatawanan, dinahan dahan ko lang ang paglalakad dahil baka matapilok pa ako at gumulong pababa sa hagdan. Nakakahiya naman sa mga bisita ano?

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 22, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Mr. NeighborDove le storie prendono vita. Scoprilo ora