CHAPTER ONE

43 18 0
                                    

Chapter One: New neighbor?

                  ***

Asteria's Point of View

It's summer at plano ko sanang umuwi sa probinsya namin, but I changed my mind. For sure ma i-istress lang ako doon dahil paniguradong magdadala na naman ng lalaki si Mama sa bahay.

My mother was 15 when she gave birth to me and my father was 17. Oo maagang nanganak si Mama.

Anak si papa sa isang mayamang pamilya. Tuwing bakasyon ay pumupunta sina Papa noon sa probinsya. Kaarawan ng kaibigan ni mama kaya nagkaroon ng inoman, nagkataon na dumating si Papa, na siyang pinsan pala ng kaibigan ni mama.

Nalasing silang dalawa at may nangyari sa kanila, kaya ako nabuhay sa mundong to.

At paano ako napunta dito?

Dahil sa Tita ko, pinsan ni Papa, si Tita Allison. I was 14 years old noong nalaman niyang anak ako ng pinsan niya ay kinuha niya ako kay Mama. Hindi naman daw kasi ako maa-alagaan ni Mama doon.

Dinala niya ako kay Papa at doon ko nalamang may pamilya na pala siya. May kapatid din akong lalaki, 5 years old. Mabait naman ang asawa ni Papa kaso nahihiya ako kaya sinabi ko kay Tita Allison na sa kanila nalang ako o kaya ay umuwi nalang sa probinsya. Kaso ay hindi siya pumayag at ganoon din si Papa kaya eto ako ngayon, binigay ni Papa sa akin ang Apartment niya at ipinag-aral ako.

A 15 year old girl being an independent woman.

I sighed bago hinain ang niluto kong bacon at egg. Nagsimula na akong kumain at pagkatapos ay naghugas ng pinggan.

I check the time, 1:50. Pumunta ako sa kwarto at pumasok sa walked in closet para magbihis, plano kong lumabas ngayon para gumalang mag-isa.

I was wearing Twist Front Crop Top and High Waist Bootcut Jeans, a pair of Lace up sneakers. I also wear my sunglasses, it was a Gold Gray, metal frame small square. I pick a simple white underarm bag, one-shoulder niche baguette bag for my final look.

Ngumiti at nag pose muna ako sa salamin bago lumabas. Tinatamad akong maghagdan kaya nag elevator nalang ako. Sasarado na sana nang may kamay na pumugil dito at pumasok ang lalaki. Ngayon ko lang siya nakita kaya paniguradong bago lang siya dito. Siguroy mga kasing edad ko lang ito. New neighbor?

He's wearing Linen Shorts, below-the-knee styles, pair well with round-neck t-shirts and a sneakers. May nakasabit pang headphone sa leeg niya. Ang gwapo, shet!

Naramdaman niya yatang nakatitig ako sa kaniya kaya lumingon ito sa akin at napa taas ang kilay.

"O-oum." Bwesit bakit ako nauutal! Nakakahiya ka Ria! Saktong tumunog ang elevator.

"Yes? If you're asking to get my number, I'm sorry to hurt your feelings because I won't give it to you" Seryosong ani niya bago lumabas ng elevator.Napatulala ako habang sinusundan siya ng tingin. Ano?! Ang yabang niya! Ang kapal ng mukha! Binabawi ko na pala ang sinasabi kong gwapo siya! Anong silbi ng mukha niya kung ganyan ugali niya.

Paglabas ko ng building ay nakita ko pa siyang sumakay sa isang motor bago humarurot palayo.
 


Mr. NeighborWhere stories live. Discover now