CHAPTER TWO

32 18 0
                                    

Chapter Two: Entering RPW

***


Asteria's Point of View

Tanghali na ako nagising dahil nga ay napuyat ako. Fresh pa rin sa utak ko ang nangyari kagabi. Mainit pa rin ang ulo ko dahil sa nangyari.

Tumayo na ako at kinuha ang towel ko para maligo. Pupunta ako sa mansion nina Papa dahil walang magbabantay sa kapatid ko, our baby boy, Aion. May business trip si Papa sa U.S at kasama si Tita Irish, asawa ni Papa. Doon din ako matutulog ng ilang araw dahil nga matatagalan sila doon.

Di na ako nag abalang mag impake dahil may mga damit naman ako doon.

20 minutes din ang itinagal ko at dumiretso sa walked in closet. I wore a white oversized t-shirt, tucked into a korean khaki short with a belt on it and a sneakers.

I picked my Chanel leather chain bag at kinuha ang phone, wallet, my apartment keys and put it inside, ready to go. Susunduin ako ng ni Papa.

Nang ma receive ko ang message niya ay dali dali kong nilock ang apartment at pumasok na sa elevator at pinindot ang 1st floor button. Mabuti nalang talaga at hindi ko na nakasabay sa elevator ang mokong kundi lagot talaga sa akin ang anes niya.

Nang tumunog ang elevator ay tumakbo ako palabas dahil baka naiinip na si Papa, paano ba naman kasi ay nasa 14th floor ang apartment ko.

Natanaw ko na agad siya, nakasandal ito sa kotse niya at naka shades pa kaya he got everyone's attention, napapatingin sa kaniya. Sa gwapo ba naman ng Papa ko noh. Lumapit na ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya bago siya niyakap ng mahigpit.

"What took you so long anak?" Kalmado niyang tanong at piinagbuksan pa ako nito ng pinto sa passenger seat.

"Pa, baka nakakalimutan mong nasa 14th floor yung apartment ko po ano." Tumawa pa ako habang kinakabit ang seatbelt.

Nag kwe-kuwentuhan at nagtatawanan lang kami sa loob ng kotse while we're on our way to the mansion.

Same vibes talaga kami ni Papa, and the good thing is sa kaniya ako nagmana. His appearance and attitude. Hindi rin halatang may anak na siya. 32 turning 33 pa lang kasi siya at 28 siya noong nagpakasal sila ni Tita Irish.

Nang makarating na kami sa mansion ay tinanggal ko na ang seatbelt at bumaba, ganoon din si Papa. Pinagbuksan kami ng pinto sa isa sa mga maid nila Papa, naabutan namin si Tita Irish at baby Aion sa living area. Lumapit si Papa, humalik ito sa noo ni Aion at kay Tita bago naupo sa tabi nito

"Ateeee, imissyouuuuu po." Dali daling tumakbo ito sa akin at yumakap ng mahigpit kayay niyakap ko ito pabalik dahil sa tagal naming nagkita.

Hinalikan ko ito sa pisngi bago ito tumakbo kay Papa at naupo sa kandungan nito,sumunod ako at nagmano kay Tita.

"Thankyou Ria ha, dahil pumayag kang bantayan muna si Baby Aion ng ilang araw." Pasasalamat nito.

"Wala po yun Tita, wala rin naman po akong ginagawa sa apartment kundi ang magkulong, nami-miss ko rin po si baby Aion at nang makapag bonding din po kaming magkapatid." Ngumiti ito sa akin at hinaplos ang buhok ko kaya napapikit ako. Nang ibinaling ko ang tingin kay Papa ay nakangiti ito habang nakatingin sa amin.

Nang mag lunch na ay sabay sabay kaming kumain, nagku-kwentuhan, asaran, at tawanan na parang isang pamilya. Nang matapos na kaming kumain ay aalis na sila.

Mr. NeighborWhere stories live. Discover now