CHAPTER FOUR

11 5 0
                                    


***


Chapter four: Ria

***

Asteria's Point of View


"Come on, let's play!"

Natauhan lang ako ng marinig ang tinig ni Aion. Tumakbo ang dalawa papunta trampoline at nagtatalon. Napa baling ang atensiyon ko sa lalaking nasa harap ko ng tumikhim ito. He's smiling from ear to ear! Nakakainis ang mukha niya, hmp!

Tumalikod ako sa kaniya at naupo sa may bench at pinanood ang dalawang batang naglalaro at nagtatawanan. Hinayaan ko nalang si Aion dahil minsan lang ito magkaroon ng kaibigan. Wala din naman itong kalaro sa bahay.

Naramdaman kung umupo sa tabi ko ang lalaking hinayupak kaya napalingon ako dito. Tinaasan ko ito ng kilay kaya lalo itong napangisi.

"What now?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya.

"Di mo sinabi sa aking may anak kana pala." Ngumiti ito ng nakakaloko at parang nang-aasar. Nag-init ang ulo ko sa narinig at inabot ang buhok niya at hinila ito. Kung makapang asar akala mo close kami!

"Did someone told you how annoying you are!"  I hissed at natatawa nitong hinawakan ang kamay ko sinusubukang tanggalin ang pagkakahawak ko sa buhok niya. "I'm just kidding, okay."

Binitawan ko rin ito at napa irap nalang. Di ko na ulit ito pinansin at tinignan nalang ulit sina Aion. "Is he your brother?" napalingon ako ng magsalita ulit ito. Tumango lang ako. "He's a nice kid, I can say na napalaki talaga ng siya maayos. I saw how he helped my nephew earlier." He smiled genuine while looking at Aion and his nephew, playing.

Napatitig ako sa mukha niya. Palagi itong nakangiti, like he's always joking around. But eyes can't lie, I can see it in his eyes the genuineness while saying that.

"Name?" I ask.

"My name is Nick." He answered while smiling.

Napa-irap ako "Your nephew's name, asshole." I am not interested in his name, duh.

Tumawa ito bago ako sinagot "Nemo."

Ilang minutong katahimikan ang namayani ng lumapit sa amin ang dalawa. "Tito, I want to eat with him po, gusto ko pong bumawi for what he did to me earlier." Napakurap kurap ako sa narinig at nilingon si Aion na nakatingin sa akin ng may malawak na ngiti. Wala sa sariling napalingon naman ako kay Nick, nanghihingi permiso kung pwede ba.

"Please ate, say yes! Say yes!" Hinawakan nito ang laylayan ng damit ko. Nag puppy eyes pa. Lunch time na din naman na.

"O-okay." Nauutal na pagpayag ko. Nagtatalon naman ang dalawang bata at tumakbo na palabas. Nakasunod naman kami sa kanila dahil baka mawala pa sa paningin namin.

Pumasok ang dalawa sa KFC at naupo sa may bakanteng table. "I'll pay, don't worry." Tumango nalang ako at umiwas ng tingin dahil nakatitig ito sa akin. Shet ka! Anong tingin yan ha?!

Tumayo na ito para mag order. Doon ko lang ito sinundan ng tingin.

"Ate do you like him?" Gulat akong napalingon kay Aion na nasa tabi kp ng magtanong ito, nakaturo ito kay Nick. Nakangiti naman ng malapad si Nemo na nasa harap niya na parang kinikilig. Ang babata pa ha! San ba nila natutunan yan.

Mr. NeighborWhere stories live. Discover now