CHAPTER 1 (Standee) ⚠️⚠️

141 14 4
                                    

MATTHEW CYRIEL ESCUDERO P.O.V



"Sir, ano po bang bibilhin natin?"

Napalingon ako sa assistant kong si Franco.

Oo nga naman ano nga ba ang bibilhin ko?

Kanina pa kasi kami naglilibot dito sa Mall, pero wala pa akong napipili i mean hindi ko talaga alam ang bibilhin ko. Nalibot na namin ang Shoes store, clothes store pero wala pa kaming nabibili or napipili.



Hindi ko alam kung bakit ko yinaya dito si Franco na mag Mall kami after ng Meeting ko sa isang kompanya ng Ate ko.



Lumuwas kami ng Maynila, para lang sa meeting ko kay Ate. Na pwede niya namang itawag sakin ang tungkol doon. Pasalamat na lang si Ate dahil hindi ako tamad tulad niya.


"Para kanino po ba sir ang bibilhin niyo?"-tanong ng isang saleslady? Para kanino nga ba?


Medyo napangiwi pa ako ng marealize ko na nandito pala kami sa isang Make up station. What the?!



"Franco, bakit hindi mo sinabi na nandito tayo?"-tinignan ko pa si Franco at medyo inungusan ito.


"Nakasunod lang po ako sa inyo Sir, wala naman po kayong sinabi na---"-sinamaan ko ito ng tingin bago pa niya tapusin ang sasabihin niya. At napayuko na lamang ito at tinakpan pa ang bibig.


"Ah sir, para kanino po ba sir---"


"Para sa ate ko---"-napatigil ako sa pagsasalita ng mapatingin sa isang Standee nasa gilid. Babaeng standee na may hawak na Make up na parang pinopromite niya.



Napatingin ako sa mga make ups na naroroon siya rin ang nakacover sa mga ito.



Teka? She looks like-- umhh. I can't remember! Ah baka nakita ko siya talaga sa ibang poster na naririto sa Mall.



"How about this miss? How much is it?"-tanong ko at tinutukoy ang babaeng standee.


"Hindi po namin siya benebenta---"


"I can pay, how much you want!"




"But Sir---"



"No butss, Franco pay for this."-utos ko kay Franco at saka ako lumabas ng Make up station.




*Parking Lot.


Ang tagal naman ng Franco na yun? Kanina pa ako nag aantay sa kaniya dito sa parking lot. Nakatayo ako sa may unahan ng kotse ko, hindi naman ako makapasok sa loob dahil si Franco ang may hawak ng susi ng sasakyan.



"Manong, pakipark ng maayos ang kotse ko."


Muntik pa akong magulat ng may kung anong linagay sa kamay ko si Franco.

"Bakit ang tagal mo?"-napatigil ako ng makita na isa itong babae at hindi si Franco. "What the!"



"2367 ang plate number ng kotse ko."-sabi ng babae na parang ngumunguya pa ng buble gum at nakashades pa ito. "Alam kong maganda ako Manong, pero wag ka naman bastos kung gusto mo pang tumagal sa trabaho mo!"-mataray nitong saad at tiyaka ito naglakad paalis na nakataas noo.


"Hoy miss! Hindi ako----"



"Blah blah! Pare pareho lang kayo mga maniyak!"-sabi pa niya habang naglalakad palayo.


"Kapal ng mukha ng babaeng yon!"-inis akong naglakad para mahanap ang kotse niya. Nakapark ito sa labas ng parking area, hayss.


Pasalamat ka babae ka! At ako kailangan ko magserbisyo sa mga tao kung sakaling may kailangan sila. Pero hindi ko naman siya kababayan, pero sayang naman kung macarnapp itong sasakyan niya.


Ng makasakay sa kotse niya ay minaneho ko na ito papasok sa basement or parking lot ng Mall. Pinark ko ito malapit sasakyan namin. After kong ma park ito, naglakad ako patungo sa Guardhouse para ibigay ang susi ng walang hiya na babaeng yun!


Nagdala pa ng sasakyan kung tamad naman magpark.


"Sir, saan po kayo galing."-bungad sakin ni Franco ng makabalik ako sa may kotse namin. Tinignan ko lang siya ng masama, kaya hindi na siya nagtanong pa. At pinagbuksan na lang ako ng pinto ng sasakyan sa backseat. Agad akong sumakay dahil nangangalay na talaga ang paa ko, kanina pa. Napasandal pa ako sa upuan at napahinga ng malalim.



"Let's go home!"-walang emosiyong utos ko kay Franco ng makasakay na ito sa Driver seat. Kaya agad niya itong pinaandar paalis.



Sa Bulacan pa kami uuwi, dahil yun nag Hometown ko. Sa Bulacan na rin ako lumaki, nag aral at nakapagtapos kasama ang lola ko.



Ang hangad ko lang naman ay mapabuti ang aking bayan, kaya inaalagaan ko sila ng maayos. Maraming nagtitiwala sa kakayahan ko, kaya hindi ko pwede sirain or sayangin ang tiwalang binigay nila sakin.



"Sir, nasa compartment po pala yung pinabili niyo sakin."-sabi ni Franco habang nagmamaneho at tumingin pa sa rearview mirror.

Teka, ano bang pinabili ko? Haysss! Medyo napahilamos pa ako sa mukha ko ng maalala ang sinasabi niyang pinabili ko.



"Bakit Sir, may problema po ba?"-tanong pa nito na parang nag alala. Umiling lang ako. "Sir, tumawag pala sakin si Mayor kanina, gusto ka daw niya makausap pagkauwi natin ng bulacan."-sabi nito. Tumango tango lang ako.


Kaya tumahimik na si Franco. Minsan lang ako makipag usap sa mga tao, unless may mga meetings ako at events na pupuntahan at naiimbita ako lagi ng mga kababayan ko.

Pero hindi ko makakalimutan ang ginawa ng babaeng yun kanina sa parking Lot, kung hindi lang mamahalin ang sasakyan niya hinayaan ko na yun sa labas ng Mall.


Nakakainis tuwing maalala ko ang babaeng yun na mukhang hindi tinuruan ng magandang asal ng magulang niya.



Nang makabalik kami ng Bulacan, pinadiretso ko na ito sa bahay ng mga Villanueva. Bahay ni Mayor Alfredo Villanueva, wala na itong asawa . Matagal ng namayapa, may dalawang anak ata siya. Hindi naman kasi kami masiyadong close eh. Lalo na't marami akong trabaho at gawain na dapat pagtuunan ng pansin at hindi ang buhay ng iba.


Pinatuloy ng guard ang sasakyan namin at pinagbuksan pa ako ng pinto.


"Nasa loob po si Mayor, hinihintay na po kayo."-saad pa nito at sinamahan pa kami nito papasok ng mansiyon. Si Mayor Alfredo na siguro ang pinakamayaman sa lugar na ito, magkaib naman kasi kami ng bayan. Pero malapit lang ang bahay ko sa lugar nila.




"Salamat at pinagbigyan mo ako Hijo."-ngiting ngiti na turan niya ng makapasok kami at tumayo pa mula sa pagkakaupo para salubungin kami.


After naming mag usap ni Mayor Villanueva ay umuwi na kami sa bahay.



"Ilagay mo na lang diyan."-utos ko kay Franco na dala dala nito ang pinabili ko sa kaniya galing pang Maynila. Linapag niya ito sa kama ko at saka lumabas ng kwarto.

FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now