CHAPTER 7 ⚠️WARNING⚠️

52 6 0
                                    



Kinabukasan...


Haisstttt! Bwesit na silaw ng araw na ito! Pilit ko naman binubuka ang mata ko, kahit sobra pa ang antok dahil sa istorbong nakakasilaw na araw.

"Bangon na Mahal na Prinsesa."-rinig kong boses ni Marga.


"Haiisttt! Shibal! Ang aga aga oh!"-reklamo ko at nagtalukbong mg kumot.

"Kapag hindi ka pa bumangon diyan, ipapakalat ko ang video mo tungkol sa ginawa mo kagabi habang lasing na lasing ka!"-pagbabanta niya pa. What the!

Napabalikwas naman ako mula sa pagkakahiga na wala sa oras.

"Teka, anong video?!"-medyo gulat at nagtatakang tanong kay Bakla na kinangisi niya.


"Secret!"-he just chuckled. Hayssttt! Bwesit kang bakla ka!

"Ano nga kasi yon?!"-pangungulit ko rito at bumaba pa ng kama at linapitan siya pero lumayo ito. At tumakbo palabas ng kwarto ko.


Ay talaga namang! Ano bang ginawa ko kagabi? Napapaisip naman ako ng husto, kung ano ba talaga ang ginawa ko kagabi.

Pero teka, si Austin ang kasama ko kagabi mag bar. Pano ako nakauwi dito sa bahay? Hinatid niya ba ako rito? Hinatid niya ako rito na lasing na lasing? Tapos nagwawala ba ako kagabi? Or kaya umiyak sa harap ni Dad? Or kaya? Hayssttt!


Napasalampak naman ako sa kama, kung meron man akong ginawa na hindi maganda kagabi nung inuwi ako ni Austin. Naku! Baka sesermunan naman ako ng matandang yon!



Napasabunot naman ako sa sariling buhok ko ng may biglang naalala.

*FLashback

"Hoy! Matandang hukluban!"-sabi ko habang dinuduro si Dad na nasa front door at ako inaalalayan ng lalaking kasama ko. "Alam mo bang tinanggihan ako ng Governor na yon?! Huh!"-sabi ko at biglang naluha. "Hindi ako maganda sa paningin niya, kaya tinanggihan niya ang kasal na gusto mo Dad! Huhuhu!"-sabi ko pa at humagulhol at napasalampak sa may damuhan sa labas ng front door. "I'm not enough ba? Kailan ba ako magiging enough? Kailan ba?"*sniffing.


"Tayo na, then kailangan mo ng magpahinga."-sabi ng lalaking nasa tabi ko. Hinila ko naman ang sumbrero niya at nakita ang anghel niyang mukha.


"Eh ikaw? Tatanggihan mo rin ba ako? Virgin pa naman ako ah! Fresh na fresh pa ako oh! Huhuhu! Maganda naman ako at sexy, aayawan mo rin ba ako? Huh?"-medyo pasigaw na turan ko sa kaniya. He just chuckled.




Yinakap ko namam siya at sumandal sa balikat niya habang naiiyak. Feeling ko komportable ako, tuwing nakayakap sa kaniya.





*end of flashback



Teka? Sino yung lalaki kagabi? Si Austin? Haysss, potanginang buhay ito! Lagot na talaga ako kay Dad.




"Sandra! Bumaba kana at mag almusal na."-rinig kong malakas na boses ni Mama Meghan. Haysss. Pumasok na lang muna akk sa banyo, saka nag hilamos at nagmomog.


Pagkatapos ay bumaba na at dumiretso sa Dinning table, nakaupo na roon si Dad at parang patapos na mag almusal, dahil paubos na ang pagkain na nasa pinggan niya. Habang si
Mama Meghan at Marga ay parang kaksimula lang.

Pagkaupo ko naman sa tabi ni Marga ay siyang pagtayo ni Dad.

"May 15 days ka, para ayusin ang problema mo. Kung hindi, mapipilitan akong ihatid ka sa states, whether you like it or not."-seryosong turan ni Dad at saka ito naglakad palabas mula sa Dinning area.



FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now