CHAPTER 4 ⚠️WARNING⚠️

88 12 2
                                    



Huminto ang sasakyan sa isang Garden Restaurant na halatang pang VIP or mayaman lang. Ang ganda ng ambiance sa resto na ito.


Nauna ng naglakad si Mr. Polo shirt at naupo pa ito, habang kami ay sinalubong ng isang staff. Tinuro nito ang vacant table  para paupuin kami.


"Wait, dito ka maupo."-si Mr. Polo na hindi ko alam ang name. Huh? Nakatingin kasi siya sa phone niya. So sino ang kausap niya? Yung staff ba na babae? Pinapaupo niya sa may table niya. Iba din ang assistant ni Gov ah.




"Ah maam, sa table daw po kayo ni sir maupo."-sabi nung staff at nakatingin sa akin. What? Ako pala. Tsk! At bakit naman?


Naupo naman ako sa may tapat niya habang nakairap dito, nakita niya ang pag irap ko dahil bahagya itong sumulyap pero balik ulit ang attention sa phone.


Inabutan ako ng menu ng staff at ganun din sina marga na nakaupo sa kabilang table. Bakit kailangan magkakahiwalay pa ng table? Ang arte naman ng lalaking ito! Ayaw niya ba makasama sa table ang bff ko?! Tsk!


"Teka nga, gusto ko makausap si Gov. Pero parang wala naman siya dito ah!"-sabi ko at linibot pa aag paningin sa loob ng resto. Puro lang naman customer ang naririto.



"Sige, sabihin mo na ang gusto mong sabihin."-sabi niya at binaba ang phone nito na nilapag sa mesa. At umayos pa ng pagkakaupo. Napairap naman ako, baka ipagkalat niya pa ang sasbihin ko para kay Gov eh.



"Sige."-i cross my legs at sumandal sa upuan at tinaasan ng kilay ang kaharap ko bago nagsalita. "I'm not going to marry him and--"


"And?"-humahalukipkip na sabat niya. Kaya mas lalo ako napairap sa sabat sabat na lalaking ito. "Sa tingin mo, gusto rin ng governor ang pakasalan ang tulad mo?"-turan niya na walang emosiyon.


Aba! Sinasabi ba niya na panget ako? Walang hiya pala ang lalaking ito eh!



"Eh di mas mabuti kung ganun! Ayokong makasal sa lalaking hindi ko naman mahal or gusto man lang. Tapos butete pa at wala man lang dating. Tsk."-sabi ko habang naka smirk. Ewan ko ba pero para siyang tanga at tumingin sa may baba niya at hinawakan ang tiyan niya.



"Okay, ituloy mo lang ang mga gusto mong sabihin habang kumakain tayo."-sabi niya ng dumating na ang mga pagkain.

Teka, wala pa akong ino order eh! Linapag sa mesa ang napakaraming pagkain.


"Mag order kana lang kung gusto mo pa ng pagkain or kung ayaw mo ng mga paborito kong pagkain."-sabi niya at sumubo ito ng pagkain.


Ah, baka suki na siya dito? At hindi na kailangan mag order, kasi alam na ng mga staff niya ang mga gusto niyang kainin. Feeling VIP customer eh.



Habang kumakain kami ay busy naman magtsismisan si Marga at yung isang lalaki na kasama namin. Para silang super close na eh, dahil nagbubulungan pa sila tapos tatawa. Hayss, tapos ito namang kaharap ko ay ubod ng sungit . Na habang sinasabi ko ang mga dapat niyang sabihin kay Gov ay tango lang siya ng tango.



"At tiyaka, ang dami ko ng naging boyfriend baka mapahiya lang siya."‐i said matapos sumubo ng Fried shrimp. He just nodded.


"Sige, kakausapin na lang ni Gov ang dad mo tungkol sa pag urong mo---"


"Waittt! Pwede favor?"-i ask and pout my lips. He looked away, ayaw niya ba sa pagpapacute ko. Tsk! "Wag sanang banggitin ni Gov na nakiusap ako sa inyo. Pwede ba yun?"-lumingon na siya sakin at tumango tango saka sumubo siya ulit ng pagkain.



FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now