CHAPTER 3 (The office of Governor) ⚠️⚠️

99 15 2
                                    



Pagkauwi sa bahay ay hindi na kami nag usap pa ni Dad. Medyo napawi ang inis ko ng makita si mama Meghan at ang bff kong bading na si Marga na nakaupo sa sofa na kung may anong tinitignan.


"Mama!"-tumakbo pa ako para makalapit sa kanila at tumabi rito at yumakap.


"Buti naman safe kang nakauwi dito."-saad ni mama Meghan na halatang nag alala.

"Ako pa ba!"-i said confidentially.

"Pinauwi ko rin sila dito, dahil dito kana titira at magpapatuloy ng pag aaral mo."-rinig kong saad ni Dad. Ayaw ko siyang tignan, ayoko pa rin manirahan dito. Bukod kasi sa Mayor si dad, masiyadong magulo ang mga kalaban niya sa pulitika.



"Pero dad!"-nakairap kong saad at naka cross arms pa.

"Sandra, sumunod kana lang sa Dad mo. Wala na tayong magagawa pa."-mahinang turan sakin ni Mama Meghan. Napalukot na lang ang mukha ko, dahil mas kinakampihan niya pa si Dad.


"Ano ba ang gusto mong kainin, ipagluluto kita."

"Kahit ano na lang po."-sagot na walang gana. Tumayo na ito at nagtungo ng kusina, habang sinundan ito ni Dad patungong kitchen. Tsk!


"Ano bang latest chicka? Ikaw ha, ikakasal kana pala."-saad ni Marga na kinalaki pa ng mata ko.


"What? Ako?"-tanong ko na nakahand gesture pa sa sarili ko. So ano? Plano na talaga ni Dad na ipakasal ako sa matandang Governor na yun? Tapos kaya niya rin pinauwi na dito si Mama Meghan at si Marga, dahil doon. Si Marga ay designer ko na rin, at childhood bff talaga kami. Kaso nga lang nauna siyang grumaduate kaysa sakin. Kasi alam niyo naman! Hmmm.



"Wala ka bang alam? Ako nga magiging Designer mo sa kasal at sa wedding dress mo."-saad pa niya habang ako medyo tulala pa rin dahil iniisip ko kung ikakasal ako sa isang matandang Governor? Kakadiri kaya yun? So gross!



"OMG! nadulas ata ako, bawal siguro ipaalam sayo."-sabi pa niya at umarte pang nagtakip ng bibig.

Ako naman ay napanguso na lang.

"Alam ko na ang tungkol doon, pero bff nakakadiri kaya! Kulubot na yung agovernor na yun! Tapos malapit ng mamatay, ewww!"-sabi ko na sobrang nadidiri pa na parang masusuka habang naiimagine ko ang mga pwedeng mangyari.


"Really? Pero may naisip kana ba na plano, para mapigilan si tito sa gusto niya mangyari?"- tanong nito habang naka cross legs pa. Napasandal namam ako sa sofa habang nakatingala sa Taas na may nakasabit na Chandelier.

"I knew it!"

"Ay kalabaw na maliit ang tete!"

Ano ba namang bakla na ito! Grabe naman ang expression niya tuwing nagugulat. Nakahawak siya sa dibdib niya at parang hinihingal. Ang bastos eh!


"Ano ka ba naman Sandra! Nakakagulat ka!"-sabi pa niya sakin at siniko pa ako nito ng mahina. Enerapan ko lang siya. "Any way, ano ba yung naisip mong plano?"-sabi niya na parang kumislap kislap pa ang mata na parang nahuhulaan niya ang naiisip ko.


Kinabukasan.



Dahil nakaisip ng palusot si Marga para payagan kami ni Dad na lumabas ay siya na ang nagpaalam.

"Saan ba kayo pupunta?"-tanong ni Dad habang nagbabasa ito ng Diyaryo. Yes po, uso pa po kay Dad ang diyaryo sa ngayon. Hindi niya hilig ang social media na yan!

Nakakapit ako sa braso ni Marga at hinihintay siya na sumagot. Nakabihis na kasi kami para sa pupuntahan namin. Dahil ngayong araw namin gagawin ang plano.


FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now