CHAPTER 2 ( Order )⚠️⚠️

99 15 1
                                    



ALESSANDRA MELISSA P.O.V


"Yan ganiyan nga Sandra!"-medyo malakas na boses ng photographer. May photoshoot kasi ako ngayon, actually once a week lang naman ang photoshoot ko sa ibat ibang brand na iniendorse ko.


At bakit ko ito ginagawa? Kasi isang buwan na akong ayaw bigyan ng allowance ng dad ko, dahil matigas daw ulo ko. Malapit niya na ngang bawiin ang kotse ko eh.


At tiyaka, malapit na rin maubos ang pera ko. Mas malaki kasi ang bigay ni Dad na pera, kumpara sa kinikita ko sa mga product na pinopromote ko.


After ng photoshoot ay agad akong pinunasan ng pawis ng manager kong bakla. Manager na parang mama ko na rin, na siya rin ang pinapabantay sakin ni dad. Bantayan ang mga kilos ko at mga kalokohan ko sa buhay.


Pero hindi naman lahat sinasabi niya kay Dad, kasi alam niyang mapapamhamak kami pareho. Iba pa naman magalit si Dad eh, tinalo pa yung nanay ko na dragon.


Dragon na nanay kong nagkabilang lalaki na, yeah may ibang asawa na. Pero wala man lang ginawa si Dad para magkabalikan sila, 5 years ago na nung naghiwalay sila. Kaya nga ako nagrerebelde ng ganito dahil don.



Kaya ilang ulit na akong papalit palit ng course, dahil trip ko lang. Kaya ito 24 years old na ako, 2nd year college pa lang dahil trip ko ang magpalit palit ng course, trip ko rin ang magpalit palit ng lalaki. Malandi ako? Whatever, eh yun ang trip ko eh.



Kaya nga nawalan ako ng allowance mula kay dad simula ng malaman niya na nakailang boyfriend na ako. Dahil sinisira ko daw ang magandang pangalan niya. Hayss, ako pa talaga sinisi niya, siya nga itong hindi man lang pinigilan si Mommy ng umalis sa bahay namin.

Pagkauwi namin sa apartment na tinutuluyan namin ni Mama Meghan ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pero pagkabukas ko ng ref ay nanlaki pa ang mata ko dahil wala na pala kaming naka stock na pagkain at mga drinks. What the!


"Hindi pa ako sinasahuran ng tatay mo."-napalingon pa ako kay Mama Meghan. Sinasadya ba talaga ito ni Dad? Gusto niya kasi na umuwi na ako sa amin, kaya niya siguro kami ginigipit. Ilang buwan nang walang sahod si Mama Meghan.


Pinapainit niya ang ulo ko! Naglakad ako papuntang kwarto at nagmadaling nagbihis. Nagbihis akong Jeans, leather Jacket, nagsuot ng gloves sa kamay at saka sinuot ang boots ko.



"Sandra, saan ka ba pupunta?"-nakapamewang na tanong ni Mama. Simula pagkabata ay siya na ang nag alaga sakin, bestfriend siya ng Daddy ko. Pero dahil nga bakla siya ay kinuha siyang taga alaga sakin, taga ayos ng lahat para sakin. Siya ang pinagkakatiwalaan ni Dad kumpara sakin. Ngayon lang nangyari na hindi siya sinahuran ni Dad.



"Pupuntahan ko si Dad, bibwesit niya ako eh!"-saad ko at hindi mapigilang mainis. Linabas ko ang mamahaling kong helmet na nasa closet ko. Nagrerent na nga lang kami ng Apartment dahil pinaalis niya kami sa Condo unit na binigay niya sakin.



"Pero hindi pwede, baka mapano ka pa."-pag alala pa niyang tanong.


"I can handle, antayin mo ko dito Mama. Huwag mong tatawagan si Dad na pupuntahan ko siya."-bilin ko pa rito.

Gusto pa sana akong pigilan ni Mama, pero wala naman siyang magagawa pa dahil kapag ginusto ko, ginusto ko. Paglabas ng bahay ay agad akong sumakay ng Motor bike ko. Nagrarides din kasi ako kapag naaya ng mga kaibigan ko. Kaya bumili akong Motorbike mula sa sariling sahod at pera ko.


Nang makasakay ay agad ko itong pinaandar paalis. Iniwan kong sobrang nag alala si Mama Meghan. Alam kong mapapahamak siya kapag may nangyari sakin na masama. Pero kaya ko naman ang sarili ko, lalo na't galit ako.


FALLEN INTO YOUR LOOK (ESCUDERO SERIES #4)Where stories live. Discover now