Mariposa

16 2 0
                                    

Kung tatanungin akoKung ano ang gusto ko, Sasabihin ko ay ang maging paru paro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung tatanungin ako
Kung ano ang gusto ko,
Sasabihin ko ay ang maging paru paro.
Na malayang nagliliwaliw sa parang,
Dumadapo sa mga bulaklak at halaman,
Na walang iniinda kundi ang kanilang kalayaan.
Ang kapanatagan at kapayapaan,
Na sana ganun din ako.
Sana maranasan ko
Ang nararanasan ng isang paru paro,
O kaya'y maging isang paru paro na lamang,
Kahit pa panandalian lang.
Dahil nais kung maramdaman
Na kaisa ako ng kapaligiran,
Na minsan matamasa ko ang kalayaan.
Ang makalayo sa mata ng karamihan,
At makawala sa tanikala ng nakaraan.
Kung saan ang tangi lamang na mahalaga
Ay ang paglalakbay at kaligayahan.




AlpasWhere stories live. Discover now