Ang hirap maging tao kung hindi ka maganda

9 2 0
                                    

~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

Ano nga ba ang pamantayan nila para masabing karespe-respeto ka? Dapat ba maganda ka para tingnan ka nila sa mata? Dapat ba matangkad ka para tingalain ka nang iba? O baka naman kailangan pa munang magpapayat para lang masabing mapagkakatiwalaan ka?

Dapat ba may suot ka munang sash? May hawak na titulo? May nakapatong na korona sa ulo para masabing deserving kang lingunin ng ibang tao?

Nakakainsulto! Kung ganun lamang din ang basehan nila para maging taong karespe-respeto, pwes ayaw ko nang maging tao. Nakakapagod din pala ang makipagsabayan sa uso. Nakakapagod hulihin ang mga atensyon niyo. Mapapantayan ko pa kaya ang standards niyo? Hindi ako sigurado kung aabot pa ako sa oras ng palugit niyo, pero kung hindi man at gahulin ako sa oras, sarilinin niyo na lang ang mga pinanghahawakan niyo.

Okay naman na ako kahit sarili ko lang ang meron ako. Aminado naman akong pang-average level lang ang itsura ko. Pero masaya ako sa estado 'kong ito. Hindi ako gaanong kapayatan, hindi gaanong katangkaran, pero at least kaya kong tanggapin kung ano lang yung nakayanan.

Eh ano kung hindi panlaban yung itsura? Sukatan na ba yun ng sarili 'kong halaga? Eh ano kung hindi ko kayo kayang palingunin sa isang tayuan lang? Itatakwil na rin ba ako nang mundo?

Kung oo, tatanggapin ko at gagawa na lamang ako nang sarili kong lugar na ang tangging makakapunta lamang doon ay yung mga taong kagaya 'kong pinagkaitan din ng lugar sa mundo.

AlpasWhere stories live. Discover now