Padayon!

23 2 0
                                    

~*~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

Sa buhay marami tayong mga pagsubok na kailangan harapin at lutasin. Kagaya na lamang ng pagpili ng tamang kurso sa kolehiyo, o ang pagsama sa tamang mga tao upang makasama natin sa pagharap sa mundo. Marami tayong daluyong na kailangan suungin. Mga bagyong dapat harapin. Maging ang pagakyat sa mga pader na hindi natin magagawang tibagin ng magisa lang.

Maaaring maraming mga oportunidad ang dumating at mawala ng hindi natin namamalayan. Mga taong aalis ng biglaan sa kasagsagan ng pagtahak natin sa matarik na daan patungo sa ating mga pangarap na nais marating. O kung minsan pa nga ay naliligaw tayo sa daan na sa unang kita natin ay matuwid, ngunit kapag nasa kalagitnaan na tayo ay saka lang natin mapapansin ang paglihis natin sa nakasanayan. Kagaya na lamang ng pagkaligaw sa kursong sa una ay hindi naman natin talaga gusto ngunit napipilitan tayong kunin dahil sa mga pansariling rason.

Maaari rin tayong madapa sa kalagitnaan ng daan. Mapagod sa gitna ng labanan. Makaramdam ng panlulumo at kabiguan. O kaya naman ay makasagupa ang pinaka mabangis at nakakatakot na nilalang sa daan.

Ngunit magkaganun pa man, tandaan mo na kahit kailan ay hindi ka nagiisa at hinding hindi ka magiisa. Lumingon ka lang sa tabi mo dahil nariyan ang mga kaibigan na handa kang tulungan para muling makatayo sa pagkakalugmok. Handang pahiramin ka nang payong upang maging pananga sa ulan at bagyo. Maging kalasag upang protektahan ka sa magulo at kumplikadong mundo. At higit sa lahat ay handa silang tulungan ka upang mahalin ang daang hindi mo plinanong tahakin sa umpisa.

Kaya ang swerte mo kung kabilang ka sa ganitong grupo. Yung walang halong panlalamang at kaplastikan ang isipan. Mga taong sabihin na nating mga maloloko at pasaway man sa paningin ng ibang tao, ngunit sinasabi ko sayo, handa silang tulungan ka kung saan ka mahina at maging lakas mo para bumangon ulit. Handa silang manatili hindi lang sa tagumpay mo kundi pati na rin sa hirap at mga bagyong maaaring kaharapin niyo sa pagtahak sa daan ng tagumpay pagdating ng bukas.

AlpasWhere stories live. Discover now