~*~
Minsan, sa tuwing nakikita ko kung gaano kapayapa ang dagat
naiisip ko "paano kaya kung ayain kita minsan na magpunta dito? Sasama ka ba?"Higit na kabaliktaran kasi ng dagat ang iyong isipan.
Kung gaanong kapayapa ang mga alon na humahalik sa pampang,
ganoon naman kagulo ang mundo mo.Paano kung ipakilala kita sa kumot ng mga alon?
Matututunan mo rin kayang makita ang mga bagay na nakikita ko sa iyong pagkatao?
Mararamdaman mo kaya kung paano kita pahalagahan?Hindi mo bagay ang umiyak.
Mas lalong hindi mo bagay ang masaktan ng lahat.
Kung maaari ko lamang tawirin ang pagitan,
gagawaran kita ng mahigpit na yakap na sapat upang iparamdam sa'yong kailanman ay hindi ka mag-iisa.Kaya halika, dagat tayo.
Takasan muna natin ang magulo mong mundo.
Dantay mo sa balikat ko ang ulo mo,
at hayaang ako naman ang maging pananggalang mo sa mapang-aping mundo.
YOU ARE READING
Alpas
RandomHalika, sabay tayong lumaya sa reyalidad ng buhay kahit panandalian lamang...