Sino nga ba?

12 2 0
                                    

~*~

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

~*~

Palagi kong nakikita ang katagang "the pain of the eldest child," sa tuwing nags-scroll ako sa social media. Noong una, pinagsasawalang bahala ko lamang siya dahil totoo namang grabe ang paghihirap na pinagdaanan at pinagdadaanan ng mga panganay na anak hindi ba?

Pero habang tumatagal napapaisip din ako, sino nga pa ang tunay na mas nakakaranas ng hirap? Ang mga anak ba na ipinanganak bilang panganay? O yung pangalawang anak na kailangan pantayan yung nagawa ng mga panganay? Pero teka, paano naman yung mga bunso natin na breadwinner ng pamilya?

Nakakatangang isipin diba. Pero kung ako ang tatanungin masasabi kong parepareho silang nakakaranas ng sakit at hirap sa bawat yugto ng buhay na pinagdadaanan nila. Yung ‘panganay’ na kailangang mamuhay sa expectations ng pamilya. Na dapat marunong silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Makipagsapalaran para sa magandang hinaharap nilang pamilya. At ang pinaka malala pa nga kung minsan ay kailangan nilang akuin lahat ng responsibilidad at tumayo bilang pangalawang magulang para sa mga nakababata nilang kapatid.

Hindi naman sa pagsisinungaling o kung ano pa man, pero lahat ng yan ay nakita ko mismo sa ate ko. Pero alam ko na wala pa sa kalingkingan ng nalalaman ko ang totoong kwento sa likod ng matagumpay niyang hinaharap ngayon.

Ngunit paano naman ako? Paano yung mga ipinanganak na ‘pangalawa’ sa magkakapatid hindi ba? Alam niyo ba yung hirap na pinagdadaanan namin? Alam niyo ba yung lahat ng sakit na itinago ko sa pamilya ko para lang masabi na mabuting anak ako? Nakakatawang isipin na isa rin ako sa mga anak na ipinanganak na 'pangalawa' sa pamilya, pero kailangan kong mamuhay sa anino ng panganay namin.

Naalala ko kung paano kaming pinagkukumpara dati ng mga taong nakapaligid samin. Kesyo matalino yung panganay, pero bakit yung pangalawa average lang? Mas maganda siya kaysa sa kanya diba? Tingnan mo si ate mo nageexcel sa ganito, bakit ikaw hindi?

Nakakapagod. Paulit ulit na lang palagi. Hindi ba pumasok sa isip ng mga tao sa paligid ko kung ano ang itinatanim nila sa utak ko? Oo, alam ko namang mas magaling ang panganay namin kaysa sa akin. Na mas matalino siya at maraming alam kaysa sakin na pangalawa lang. Dyan pa lang makikita mo na na kailangan kong mabuhay para malagpasan o kahit mapantayan man lang yung expectations nila. Kailangan kong maging mas magaling at magpakalunod sa pag-aaral para lang manatili sa 'honor o rankings' ng klase para masabing mas may alam ako kaysa sa iba.

Kailangan kong maging anino sa liwanag ng ate ko para patuloy na masundan yung mga yapak niya. Kailangan kong sumunod lagi sa mga nakatatanda kahit pa hindi ko na gusto yung ipinapagawa nila. Kinailangan ko pa ngang umiyak at magmakaawa para sa sarili ko nung mga panahong hindi ko alam kung ano ang isasagot para sa mga school works ko, pero kailangan ko yung matapos ng ako lang kasi wala akong mahihingan ng tulong. At alam niyo yung mas malala? Yun yung naranasan kong ipagtabuyan, pagsarhan ng maraming pinto, mabully, at mapahiya pero kailangan kong tiisin yun para sa ikasasaya ng pamilya namin.

The h*ll with that experience! D*mn those people who keep on putting all the blame on me kahit hindi naman dapat ako ang gumagawa. Pero sa pagdaan ng panahon at sa paulit ulit na nararanasan ko, nasanay na lang rin ako. Kung kaya't hindi na din ako kumukontra sa kung ano yung gusto nila.

At my age, hindi pa din ako pwedeng uminom ng alcoholic drinks. Hindi ako pwedeng umuwi ng late. Hindi pwedeng gumala kung walang kinalaman sa school. Hindi pwedeng gumawa ng kung ano ano dahil mas kailangan kong ipriority ang acads over everything.

Though sanay naman na ako sa lahat ng yan, pero naiisip ko pa lang yung mga kakaharapin pa ng bunso namin ay nalulungkot na ako. Naiisip ko pa lang yung label na 'breadwinner' ng pamilya ay malaking pasanin na para sa kanya.

Ano kayang mararamdaman niya kung nasa tamang edad na siya? Magagalit kaya sakin yung bunso namin dahil sa pagset ng standards para sa mga bagay na mahirap abutin? Ikakagalit niya rin kaya kung mamumulat siya sa reyalidad na kailangan niya ding lagpasan yung mga nagawa ko balang araw?

Nakaka tang*na lang diba! Nakakab*bong isipin ang mga bagay bagay. Pero kahit na ganun ay wala naman na akong magagawa para dyan. Ang tanging magagawa na lang siguro ng mga ipinanganak bilang pangalawa ay putulin ang nakasanayan para sa ikabubuti ng karamihan. Kailangan nilang punan ang mga pagkukulang ng panganay, at akuin ang responsibilidad ng mga bunso para sa ikasasaya ng lahat.





AlpasOù les histoires vivent. Découvrez maintenant