Chapter 1

4.7K 32 1
                                    


KANINA pa paikot-ikot si Blanca sa sala at patingin-tingin sa malaking relo sa ibabaw ng shelf. Naroong hawiin ang kurtina sa freneh window na nakatanaw sa gate.

"Hindi mo kailangang mag-abang sa bintana, Blanca," mula sa likod ay nilapitan ni Mrs. Rowena dela Fuente ang stepdaughter. Kasunod nito ang anak na si Denise. "Maririnig mo naman kung dumarating na si Kier."

"He's almost an hour late, Tita," sagot ng dalaga na naupo sa sofa at nagbuntong- hininga. Hindi iyon ang unang pagkakataong na-late ang boyfriend sa mga lakad nila. Hindi pa nangyaring dumating sa oras na usapan ang binata.

"Baka na-traffic, hija," sagot nito. "Alam mo naman ang boyfriend mo, baka hindi nakaalis ng maaga sa shooting. Marahil ay late ng nakauwi sa unit niya si Kier."

"Marahil nga po," marahang sagot ng dalaga sa nababagabag na tono. Hindi na siya umaasang darating pa ang boyfriend.

Si Kier Romero ay isang sikat na commercial and ramp model. Lahat halos ng produkto na hindi magkakalaban ay ang binata ang kinukuhang modelo. At karamihan ay mga panlalaking produkto. At kung ang ibang mga tao ay naiinis pag pinuputol ang programa sa TV dahil sa commercial, hindi ang mga fans ni Kier Romero.

"Baka naman ibang babae ang dahilan ng pagka-atraso ng boyfriend mo, Blanca," susog ni Denise na naupo sa sofa at pailalim na tiningnan si Blanca.

"Tumigil ka riyan, Denise!" saway ni Rowena sa anak. "Kung wala kang masabing maganda ay huwag kang magsasalita ng pangit," idinugtong nito. Pagkatapos ay binalingan si Blanca. "O, eh, napagpasiyahan na ba ninyo ang petsa ng kasal?"

"Iyon nga sana ang pag-uusapan namin ngayon. Tita." Muli siyang tumayo at wala sa loob na sumulyap sa labas ng bintana. Usapan nila ng kasintahan na lalabas sa gabing ito. They will decide the wedding date over french dinner and candle light.

"Hay, naku, Blanca," si Denise uli na humiga sa sofa at itinaas ang dalawang binti sa pormang mag-i-exercise. "Kung ako sa iyo ay magbibihis na lang ako uli. Malamang na may nakaharang kay Kier at tuluyang nakalimutan ang date ninyo."

Matalim ang sulyap na ibinigay ni Rowena sa anak. "Bakit ka nagsasalita ng ganiyan, Denise? Hindi mo ba narinig ang sinabi lang ni Blanca na ngayong gabi nila dapat na pag-uusapan ang petsa ng kanilang kasal?"

"Nakita na nga ninyo at hanggang ngayon ay wala pa si Kier," patuloy ni Denise. "This is suppose to be an important night pero hayun at hindi natin alam kung nasaan. Ang alam ko, ang tanging dahilan kaya hanggang ngayon ay mag-boyfriend pa iyang dalawa ay dahil pakipot iyang pamangkin ninyo," walang pakundangang wika nito. "Denise!" Si Rowena na hinaluan. na ng galit ang tinig.

"Mahal ako ni Kier at mahal ko rih siya, Denise. At hindi ako naniniwalang ginagawang biro ni Kier ang relasyon namin sa pamamagitan ng pag-aalok ng kasal," sagot ni Blanca sa mahinahong tono. "For one month now, we've been planning our wedding. At marahil ay may hindi maiiwasang sirkumstansiya si Kier kaya wala pa hanggang ngayon," sinulyapan nito ang stepmother na tumango at akmang magsasalita pero inunahan ni Denise.

"Hindi si Kier ang marrying type, Blanca. He offered marriage for one simple reason, his excuse to bed you," banayad na napasinghap si Blanca. Si Rowena ay nagbuka ng bibig para muling sawayin ang anak subalit nagpatuloy ang dalaga.

"Ikaw ang alam kong pinakamatagal na naging girlfriend ni Kier. Why, ang galing mong magpakipot," patuloy nito sa paismid na paraan. "One piece of advice, Blanca, stop playing hard to get. Lalaki ang boyfriend mo, hindi lang basta lalaki. Magandang lalaki at sikat at maraming mga babaeng naghahabol. Kahit sinong higit sa iyo ay makukuha ng boyfriend mo sa isang pitik lang ng kamay."

Humugot ng malalim na paghinga si Blanca upang kontrolin ang sarili at upang hindi makapagsalita ng hindi maganda sa stepsister.

"Hindi akonagpapakipot, Denise, neither playing hard to get. In fact, tulad ng alam mo ay naging mag-boyfriend kami ni Kier just barely two weeks after we met. It is just that I don't go for pre-marital sex."

All-Time Favorite: First Time I Saw YouOn viuen les histories. Descobreix ara