Chapter 3

2.2K 31 3
                                    


"GOOD NIGHT, Blanca," ani Benedict nang nasa kotse na ito matapos siyang maihatid at makausap si Rowena. "Or shall we say, good morning."

"T-thank you, Benedict..."

"Anytime, Ihanda mo ang sarili mo sa pakikipagkita ni Kier sa iyo. At tinitiyak ko rin sa iyong ngayon pa lang ay alam na ng kapatid kong magkasama tayo. He wouldn't like it." Ini-start nito ang ignition ng kotse.

"Hindi magkakalakas ng loob na magpakita sa akin si Kier pagkatapos ng ginawa niya, Benedict."

"Ipupusta kong darating siya, Blanca. I only wished you wouldn't show him that you almost died because of what happened." Hinagod nito ng tingin ang dalaga at nahinto ang mga mata sa gasgas na nasa bisig nito. "Try to hide those when he comes." Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi ka nagbi-biro ano?"

Matabang na ngumiti si Benedict. "I know my brother so well, Blanca. Darating siya at hihingi ngtawad sa kasalanang ginawa."

"You expected me to forgive him?" Tanong niya sa mataas na tinig.

"Nasa iyo ang pagpapasiya. Higit kanino man ay ikaw ang nakakaalam ng tunay mong damdamin."

Hindi sumagot si Blanca. Hindi niya alam ang sasabihin. Naguguluhan siya. Ang pagkatuklas niya sa kataksilan ng kapatid at ni Kier at ang biglang pagsulpot ni Benedict sa buhay niya. Si Benedict na sa buong panahong magkasintahan nila ni Kier ay wala na siyang narinig na magandang katangian para dito. And of course, she couldn't change opinions immediately. Naitanim na ni Kier sa isip niya ang uri ng pagkatao ni Benedict.

Pero sa nakalipas na mga oras ay si Benedict ang tumulong sa kanya. And yet he was cold and contained. So distantly polite. She couldn't believe Denise fell for this man. Oh, well, knowing her stepsister's penchant for rich men. Ganoon pa man, ipinahiwatig ni Kier sa kanya na walang babaeng tumagal kay Benedict.

And she believed him. If he and Denise were seeing each other paanong nagawa ni Denise ang ginawa lang nito?
"HINDI ako makapaniwalang magkasama kayo ni Benedict, Blanca," salubong sa kanya ni Denise sa galit na tono pagkapasok niya ng bahay.

"Pagkatapos ng ginawa ninyo ni Kier? Ano ang karapatan mong kausapin ako ng ganiyan?" Sagot niya sa malamig na tono. Hangga't magagawa niya'y hindi niya gustong ipakita dito ang matinding sama ng loob.

Umilap ang mga mata ni Denise at sumulyap sa hagdan. Hindi nito gustong marinig ni Rowena ang pinag-uusapan nila.

"Leave Benedict alone, Blanca," galit na utos ni Denise. "Hindi ko alam kung paano kayong nagkasama at kung paano kang nasa unit kagabi. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Benedict na nagpunta kayo roon. Hindi pupunta si Benedict sa bahay ni Kier at lalong hindi niya tatawagan ang kasintahan ng kapatid para ilabas!" Mariing wika nito.

Sarkastikong ngumiti si Blanca. "Meaning, ikaw lang ang pumapatol sa boyfriend ng may boyfriend."

Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Denise. "Did you go to Benedict's house to seek comfort? Sinabi mo ba sa kanya ang nakita mo?"

Naningkit ang mga mata ni Blanca. "I won't even dignify your questions by answering them. Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin!" Galit niyang sinabi at humakbang patungo sa hagdan.

"At paano kayo ni Kier ngayon?" Pahabol ni Denise nang nasa gitna na siya ng hagdan.

"He's all yours," aniya sa pagitan ng pag-iigting ng mga bagang. At bago pa muling may sabihin si Denise ay mabilis na pumanhik ng hagdan. Ini-lock ang pinto ng silid at ibinagsak ang sarili sa kama at saka tahimik na umiyak nang umiyak.

NAHINTO sa pagbaba ng hagdan si Blanca kinabukasan nang makarinig ng mga tinig sa ibaba.

"Pagkatapos ng nangyari sa atin, Kier, magpapakasal pa rin kayo ni Blanca?" Hindi makapaniwalang sinabi ni Denise.

All-Time Favorite: First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now