Chapter 11

2.5K 28 1
                                    


"I'M SORRY," napahiyang sagot ni Denise. "I made him fall for me kahit magboyfriend na kayo," nagkibit ng mga balikat ang dalaga. "Tulad din ng mga ginawa ko sa iyo noong nasa college tayo. But Kier wouldn't break-up your relationship at kung hindi ko lang alam na walang pag-ibig sa iyo si Kier ay baka nagalit na ako nang husto dito. Imagine, he was bedding me and then take you to dinner and shows.

"Then I tried to seduce Benedict para pagselosin si Kier. Pero alam niyang hindi interesado sa akin si Benedict. And Kier only wanted you because he was challenged by you."

Naguluhan si Blanca. "Pero bakit tinulungan mo siya para lang magawan ako ng masama?"

"I hated you remember? Iniisip ko na kung mapapahamak ka at hindi naman mapakasalan ni Kier ay masisira ko ang magandang pagtingin sa iyo ni Mommy," bahagyang napangiwi si Denise sa sinabi. "Kier won't marry you, Blanca. He only talked marriage nang malaman niyang nagpunta si Benedict sa bahay," nagsalubong ang mga kilay ni Blanca roon. "Isinama ka ng Mommy noon. Ako ang dinatnan ni Benedict at hinanap ka niya. I told Kier about it. The next day, he offered to marry you."

Lalo ng naguluhan si Blanca. "Ano ang motibo ni Kier?"
"I don't know. He wouldn't tell me except that he hated Benedict. At hindi ko rin alam kung bakit sa palagay ko'y you come between them. Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo?"

Umiling siya. Duda siya kung magsasalita si Benedict. Naputol ang usapan ng dalawa nang tumunog ang telepono. Sinagot ni Denise iyon. Makalipas ang ilang sandali'y ibinalik nito ang telepono sa receiver.

"Tumawag ang isang contact ko," wika nito na binuksan ang bag at kinuha ang compact powder at nagpolbo. "You know the house in Novaliches? Iyon bang pinuntahan na ninyo ng Mommy three months ago?" Tumango siya. "Kliyente ko ang bibili. Magkikita kami doon mamayang alas singko-y-media."

"Alas-kuwatro pa lang," tumingin sa relo niya si Blanca.

"Yes. Pero baka ma-traffic patungong Novaliches. Alam mo naman ang daan doon. Mauna man ako ng kalahating oras ay okay lang kaysa mauna ang customer," ibinalik sa bag ang pressed powder at nag-lipstick. "See you tomorrow," wika ni Denise at akmang lalabas nang muling lumingon. Alanganing tinitigan ang kapatid. "C-Could we start-again?"

Blanca's face softened at tumango. Umaliwalas ang mukha ni Denise at lumabas na. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Blanca. Parang may batong naalis sa dibdib niya. At least, magkasundo na silang magkapatid. Sana'y noon pa sila nagkahingahan ng sama ng loob.

"WELL, well, well, look who's here!"

"Kier?"

"Hello, Blanca," nakangising wika nito na itinukod ang mga braso sa mesa. "How are you, Mrs. Benedict Romero?"

"Bakit ka narito, Kier?" Malamig niyang sagot na hindi pinansin ang tanong nito. Iniligpit ang mga gamit.

"May usapan kami ni Denise na susunduin ko siya rito ng alas-singko en punto, Blanca. And I'm ten minutes late sa usapan namin," nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi nasabi ni Denise iyon. Dahil siguro nagmamadaling umalis.

"Wala si Denise, Kier," inabot niya ang isang maliit na papel at isinulat ang address at sketch ng subdivision kung saan naroon ang kapatid at inabot sa binata. "Nariyan siya. Aabutan mo pa iyon dahil five-thirty ang usapan nila ng kliyente at natitiyak kong magtatagal sila doon."

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. Pagkatapos ay tumango-tango. "Yeah, hindi mahirap hanapin. Nasa entrada naman pala. What about you, hindi ka pa ba uuwi?" Nag-alanganing sumagot si Blanca "C'mon, I'll drop you at your doorstep."

"Magta-taxi na lang ako, Kier..."

"C'mon, Blanca, ano'ng klaseng brother-in-law ako kung hindi man lang kita maihatid," nang akma siyang tatanggi ay muling nagsalita si Kier. "Kalimutan na natin ang nakaraan, Blanca. Hinihingi ko ng tawad ang mga kasalanan ko sa iyo. And I'm happy now with Denise." Nakita niya ang sinseridad sa mukha nito. Tumayo at dinampot ang bag.

All-Time Favorite: First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now