Chapter 6

2.1K 38 4
                                    


PAGKATAPOS maipakita kay Blanca ang magiging silid niya ay umalis si Benedict. Ang buong maghapon ng dalaga ay ginugol niya sa paglilibot sa mansion ng binata. Sa ilang beses niyang pagsama kay Rowena sa pag-aahente nito ay hindi na rin naman mabilang ang magagandang bahay na napasok at nakita niya na. Pero hindi niya maiwasang hindi malula sa bahay ng lalaki.

Bawat kasangkapan ay nagbabadya ng karangyaan. Ang garden na karugtong ng swimming pool ay hindi biro ang halaga kung ang pag-uusapan ay ang landscaping. At maliban sa mag-asawang Jose at Neneng ay may dalawa pang katulong na babae.

Bakit umalis si Kier sa bahay na ito? Talaga bang hindi nito makasundo si Benedict?

Nasa loob siya ng library nang mapansin niya ang isang picture frame sa shelf. Wala sa loob niyang dinampot. Si Kier at sa wari ay bata pa at kaakbay ang isang magandang dalagita na marahil ay kinse anos ang edad. Classmate o childhood sweetheart?

Bahagya pa siyangnagulatnangmula sa likodniya'y magsalita si Neneng. "Gusto mo na bang maghapunan, Blanca?"

"M-maaga pa naman..."

"Malapit na ang alas-otcho. Kung si Sir Benedict ang hinihintay mo ay baka gabihin iyon." Wala marahil malisya ang sinabi ni Neneng pero pinamulahan ng mukha si Blanca.

"Hindi ko hinihintay si Benedict," aniya. Humakbang palabas sa dining room. "Gaano na katagal na hindi nakatira rito si Kier, Neneng?"

"Simula noong mamatay ang Papa nila. Unang namatay si Ma'am Filepa tapos ay si Sir Rosauro." Kaswal na sagot ng katulong.

Hinila niya ang silya sa dining table at naupo. Pagkatapos ay tumingala sa katulong bago itinihaya ang dinner plate,

"Talaga bang mahirap makasundo si Benedict?" Hindi niya gustong mag-usisa sa katulong pero gusto niyang makaalam kahit paano sa pagkatao nito.

Boyfriend niya sa Kier sa loob ng limang buwan at sa buong panahong iyon ay hindi niya kinakitaan ng masamang pag-uugali ang binata maliban na nga lang nitong huli.

At ngayon ay narito siya sa bahay mismo ng kapatid ng boyfriend. Ni hindi niya matiyak kung totoo ngang hindi siya pupuntahan at gagawan ng masama ni Kier dito. At si Benedict, basta na lang din ba niyang pagtitiwalaan ito?

Inisip niyang hindi na sasagutin ni Neneng ang tanong niya sa tagal nitong sumagot. Matagal muna siyang tinitigan bago nagsalita.

"Binatilyo pa lamang si Benedict ay narito na kaming mag-asawa, Blanca. Pero wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan naming umalis na mag-asawa dito," sinalinan nito ng tubig ang baso niya. Indirectly ay sinagot nito ang tanong niya.

"Kung may kailangan ka'y nasa kusina ako," magalang nitong sinabi bago lumabas sa kusina.

NASA silid na niya si Blanca nang dumating si Benedict. Kasalukuyan siyang nagba- brush ng buhok nang kumatok ito. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

"Ano iyan?" Gulat niyang tanong sa dala nitong plastic bag. "Mga gamit mo."

"Mga gamit ko! Ano'ng ibig mong sabihing mga gamit ko?"

"Dumaan ako sa inyo. Inutusan ko ang katulong na maglagay sa plastic bag ng ilang mga gamit mo para ngayon at bukas." Hinagod siya nitong tingin. Suot pa rin niya ang T-shirt at blue jeans. "At sa nakikita ko'y kailangan mo ang mga iyan."

"T-thank you, Benedict," marahang usal niya na kinuha mula sa binata ang plastic bag at pumasok sa loob. Kanina pa niya iniisip kung matutulog siyang suot ang maong at T-shirt o gamitin na lang ang panloob. Pagkatapos ay mabilis na nilingon ang lalaki na nasa pintuan lang at nakamasid. "Sino ang tao sa amin?"

All-Time Favorite: First Time I Saw YouWhere stories live. Discover now