Chapter 17: Mad?

1 0 0
                                    

L.A.'s POV



Pagkatapos naming kumain ng dinner with Adei and his friends ay nagkaya-yaan na mag-inom daw sila. Na agad-agad namang tinanguan ng magkakaibigan.

Gin ang inorder nila. I thought magkaiba sila n'ong Vodka pero magkaiba lang pala ng pangalan pero parehong mapait ang lasa. Lahat ba ng alak ay mapait? Parang mas mapait pa ang alak kaysa sa ampalaya eh. Ewan ko ba kay Adei at mas gustong-gusto nila ng alak kaysa sa ampalaya eh pareho lang naman silang mapait.

Sa amplaya hindi ka malalasing. Sa alak? You can do stupid things dahil sa kalasingan.

Nakaka-ilang bote na sila Adei pero base sa kanila ay parang tubig lang ang iniinom nila.

Anong lalamunan ba ang mayroon sila?

Kunti-kunti nga lang ang binibigay sa akin ni Adei eh. Kung puno man iyong baso ay iniinom ni Adei ang kalahati at ako naman sa kalahati. Ayaw pa ng mga kaibigan niya na ganoon ang set up pero pinag-pilitan ni Adei na ako ang magda-drive pauwi kaya hindi ako puwede malasing.

Pero duh! Kahit kunti-kunti lang ang iniinom ko ay parang umiikot na agad ang mga mata ko.

Sa tuwing umiinom ako no'ng Gin ay nakatingin pa sa akin si Adei. Tapos matatawa bigla dahil sa facial expression kong napa-paitan.

At dahil gabi na, kanina ay inayos na ng mga staff iyong dance floor. Tapos awhile ago ah nagpa-tugtog na ng mga party song kaya nagsi-tayuan ang mga tao at kaagad nag-tungo sa gitna upang sumayaw. Gusto ko na rin sanang sumayaw dahil gusto na ng katawang lupa ako ang sumayaw. Huling sayaw ko pa ay iyong nasa Maynila pa ako. And that was a month ago.

Pero ito na nga, gusto kong tumayo na pero itong katawan ko ay sume-segway pa. Narararamdaman ko pang nakalutang ako. Idagdag mo pa itong mata ko na kahit hindi ko paikutin ang eyeball ko ay kusang umiikot.

Lasing ba ang tawag dito?

Maya-maya ay nararamdaman ko na talaga na tipong lalabas na talaga ang ihi ko. Kaya walang ano-ano ay tumayo ako kahit medyo hilo na ako. Kaya ko pa naman sigurong maglakad patungong CR nang mag-isa. Ayaw ko nang istorbohin pa si Adei na busy makipag-tawanan sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung lasing na ba siya o sadyang happy lang siya kaya ang lakas ng tawa niya. Para kasi sa akin ay walang bahid sa mukha at galaw niya ang pagkalasing niya. Mukhang wala ngang epekto iyong alak sa kaniya eh. At ako lang iyong medyo hilo na. Sa kanilang lima ay ako lang itong nahihilo. Maski iyong babae na nasa harap ko na malungkot kanina ay masigla nang nakikipag-usap kay Adei. Lyra's her name right? Sa tuwing nakikipag-usap pa siya kay Adei ay may kasama pang hampas. Sabay tawa ni Adei.

Hindi ba nasasaktan si Adei doon?

But overall, hindi talaga sila mga hilo at lasing.

Mali yatang circle of friends ang nasamahan ko?

Nang tumayo ako ay nakita kong lumingon sa akin si Adei kaya napatayo siya at idinikit ang mukha niya sa akin upang kausapin ako. Maingay na kasi dito sa loob kaya kahit magkatabi pa kayo ng kausap mo ay hindi pa rin kayo magkaka-rinigan. Dapat talaga ay mag-dikit ang mga mukha niyo para marinig niyo ang sasabihin ng bawat isa.

"Where are you going?", rinig kong tanong niya.

"CR lang." Sagot ko naman.

"Samahan na kita. Lasing ka pa naman na." Rinig ko mula sa kaniya kaya natawa ako.

"Lasing ka diyan? Hindi ah." Sagot ko sabay tawa.

"Anong hindi? Tingnan mo yang mukha mo, ang pula."

"Don't you know the word blush on?"

"Are you blushing because of me?", sabay tawa niya na tipong nang-aasar.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now