Chapter 33: Party's Over

0 0 0
                                    

L.A.'s POV



Baby, I don't care if you got her in your heart
All I really care is you wake up in my arms
One last time
I need to be the one who takes you home

Masaya kaming sumasabay sa music dito sa loob ng bar habang may hawak-hawak na shot glass. Hindi ko alam kung anong tawag sa alak na ito basta kakulay niya ang nestea. Hindi ko na alam kung ilang glass na ang nainom naming tatlo basta ang alam ko ay kanina pa kami umiinom habang sumasayaw. Hindi pa naman ako nalalasing kahit naka-ilang shot na kami. Si Jonah at Wanda naman ay parang tubig lang ang alak. Mga hindi pa rin sila lasing. Siguro ay kaunti lang ang alcohol ng alak na iniinom namin o sadyang hataw lang talaga ang pagsayaw naming tatlo kaya nawawalan ng epekto ang alak.

"Infairness sa'yo ha! Hindi ka pa nalalasing!", Sigaw ni Jonah sa akin. Hindi naman siya galit. Sumisigaw lang talaga siya dahil ang lakas ng music dito sa loob. Bar nga diba? Hindi mo ba expect na malakas ang music sa bar?

"Siguro ay lasinggera itong si LA hindi lang natin alam!", sigaw naman ni Wanda. Natawa na lang ako dahil maski aki ay tinatanong ko rin ang sarili ko kung bakit.

"Hindi naman..." Sagot ko at bigla na lamang rumehistro ang mukha ni Adei sa aking isipan.

Kung kanina ay walang rason para hindi ko siya maalala, ngayon ay may maisasagot na ako. Si Adei kasi iyong tao na nagturo sa akin na umino. Siya abg nagturo sa akin uminom ng alak kaya siguro ay ganito na lang ako ngayon. Parang hindi nalalasing. Should I thank him for doing that? Dahil dito, nakakasabay na ako sa trip nila Wanda at Jonah.

Mayba I can call him? Kamustahin ko siya? Eh after that aning puwede kung sabihin? Na namimiss ko siya? Eh bakit ko naman sasabihin iyon sa kaniya? Oo namimiss ko siya pero required ba na sabihin ko pa iyon sa kaniya? Diba hindi?

At saka ano itong pinagsasabi ko? Epekto ba ito ng alak? Psh. Wrong timing naman ang pag-epekto ng alak. Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. Tss.

Napailing tuloy ako ng wala sa oras.

"Oh? Iiling-iling ka diyan?", nagtatakang tanong ni Jonah.

"Wala. May naalala lang."

"Si Noel? Naku hayaan mo ang lalaking 'yon!"

"Hindi no! Sumayaw na nga lang tayo!", at nagpatuloy kami sa pagsayaw. Sumayaw kami sa dance floor hanggang sa mapagod kaming tatlo. Nagtungo kami sa bar counter at naupo doon.

"Kuya tatlong shot nga ng Jose Cuervo." Sabi ni Wanda.

"3 shots of Jose Cuervo coming right up." Sabi ng mestisong bartender sa amin at kumuha na ng alak. Nakita ko pa na parang pinapalipad niya ang boteng may lamang alak. Ako pa ang kinakabahan dahil baka mahulog ang bote ng alak tapos ibabawas iyon sa suweldo niya. Pero parang ako lang yata ang kinakabahan dahil iyong lalaking bartender ay chill lang. Hindi man lang siya kinabahan ng kahit kaunti? Anong klase ng puso ang mayroon siya? O baka naman matagal na siya sa larangang paghahagis ng bote kaya chill lang siya sa pagpapalipad sa harapan namin.

"Ang galing mo naman kuyang Bartender." Napatingin ako kay Wanda dahil base pa lang sa boses niya ay para bang manghang-mangha siya sa ginawa ng bartender. Pumalakpak pa siya na akala mo bata.

Siguro ay nakakaramdam na ako ng pagkalasing dahil parang nakikita kong in love si Wanda sa bartender sa harap namin. Parang nakakakita ako ng hugis pusong mga mata kay Wanda. Don't tell me in love siya doon sa bartender na yon? In love agad?

I just rolled my eyes and took a shot of Jose Cuervo.

"Siyempre dapat magpakitang gilas sa magagandang manonood." Napapikit na lang ako. Nafi-feel ko kasi na parang ang hangin nitong bartender na ito.

"Does that mean maganda kami?", aba't nagtatanong pa siya ng obvious? Hindi ko tuloy alam kung lasing na ba itong si Wanda o nangti-trip.

Of course magaganda kami. Except kay Jonah, kung hindi lang siya tagilid, ay ang guwapo niya. Pero dahil nga tagilid siya ay maganda na siya.

"Oo naman. What's your name by the way?", tanong muli ng bartender.

Don't tell him, Wanda. Guwapo ang lalaking ito kaya isa siyang manloloko. Look at that Noel. Sa sobrang good looking niya ay mas lakas siya ng loob magloko. Hindi dapat magpaloko itong si Wanda sa bartender na nasa harapan namin ngayon. Ayokong maranasan ni Wanda ang sakit dahil niloko siya ng lalaking mahal niya.

Before Wanda can utter a word I spoke.

"Isang shot pa nga ng Jose Cuervo." Malakas kong sabi kaya napatingin silang tatlo sa akin. Pero poker face ko lang silang tiningnan lalo na doon sa bartender. Tss. Pakialam ko ba sa inis niya? He doesn't deserve to know Wanda's name.

This time at hindi na pinalipad ang bote ng bartender. Pansin ko pa nga ay mukha siyang nagmamadali para makausap niya na ulit si Wanda. As if I would let him.

Inilapag niya ang shot glass sa harap ko kaya kinuha ko iyon at nilagok agad.

"Broken ba ang kaibigan niyo?", rinig ko pang tanong ng bartender kila Wanda.

"Oo eh." Rinig kong sagit ni Jonah.

"So ano nga bang pangalan mo?", tanong na naman ng bartender kaya dali-dali kong inilapag ang baso sabay sabing...

"Another shot please."

Saka ko nakitang naguguluhan si Wanda pero pinagkibit-balikat ko lang siya. Si bartender naman ay walang choice kundi ang sumunod. Aba dapat lang! Trabaho niya ito kaya dapat lang na gawin niya ang trabaho niya, hindi 'yong lalandi siya.

Binabaliwala ko lang ang sakit ng alak at pagkahili pero wala akong pakialam. Para kay Wanda ay magpapakalasing ako.

Kinuha ko agad ang bask na may lamang alak at iinumin ko na sana pero may biglang humawak sa kamay ko. May pumigil sa akin para inumin ang alak. Nang tingnan ko kung sino iyon ay isang galit na mukha ang nakita ko.

"Party's over, Aria." Rinig kong sabi niya na nagpasama ng tingin ko sa kaniya.



Sunday's the next update!

🌹 TheGirlLovesRed 🌹

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now