Chapter 34: Anger

0 0 0
                                    

L.A.'s POV


I know I should've fought it, at least I'm bein' honest, hey
But stay with me a minute, I swear I'll make it worth it, babe
'Cause I don't wanna be without you (Oh)

"What the fuck are you doing here?!", sigaw ng lalaking nasa tabi ko ngayon sabay agaw ng baso ko at padabog na inilapag iyon sa counter. "Hindi ka bagay sa lugar na ito Aria! Kailan ka pa natutong magpunta sa lugar na ito?!", kunot noo ko naman siyang tiningnan.

How can he say such things to me? Ano namang pakialam niya kung nagpupunta na ako sa lugar na ganito? Hindi niya ba inaasahan na pupunta ako rito? At ano ang ine-expect niya? Na nagmu-mukmok ako? Na magmu-mukmok lang ako sa bahay? Na tipong mula umaga hanggang gabi ay iiyak lang ako? Hindi kakain? Psh. Anong tingin niya sa akin? Mahina? Nagkakamali siya.

Oo mahal ko siya pero hindi ko siya iiyakan. Oo iniyakan ko siya noong nasa probinsya pa ako at iyon na ang huli. Wala ng kasunod iyon. Sapat nanang rason na niloko niya ako para hindi siya iyakan. He's not worth my tears so I won't cry because of him anymore. I want him to see that I'm okay after the break up. That I'm happy with life. That I'm happy enjoying my life without him. At ngayong nasa harapan ko na siya ay dapat kong ipakita at ipamukha sa kaniya na okay ako. Na okay na ako. Na masaya ako sa naging desisyon nang makipag-break ako sa kaniya. Na wala lang sa akin ang ginawang pangloloko niya.

Pero ngayong nandito siya sa aking harapan ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ngayong nakita ko siya rito sa aking harapan sa unang pagkakataon pagtapos ng pakikipag-hiwalay ko sa kaniya ay talaga nga namang nakakabaliw. Hindi ko maintindihan itong naramdaman ko para kay Noel. Dahil nang makita ko ang mukha niya kanina hanggang ngayin at pakiramdam ko ay gusto siyang yakapin ng katawan ko. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit ngayon. Tila ba nawala ang pagkagalit ko sa kaniya. Tila ba nawala ang lungkot at sakit nang makita ko siya ngayon. Tila ba nawala sa aking isipan ang ginawa niyang pagloloko sa akin. Nawala ang galit, lungkot at sakit nang makita ko siya.

Napalitan iyon ng pagmamahal. Para bang bumalik ang pagmamahal ko sa kaniya. Bumalik ang pagmamahal ko sa kaniya na akala ko ay wala na. Na akala ko at napalitan na ng pagkamuhi sa kaniya. Pero nagkamali nga yata ako.

Oo hindi ganoon kadali mawala ang pagmamahal ko sa kaniya pero hindi ba dapat ay galit na galit ako sa kaniya? Pero bakit nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya? Tss.

Masyado na ba akong maraming nainom na alak at nakakapag-salita na ako ng kung ano-ano? Nakakapag-salita na ako ng mga kasinungalingan?

"Ano bang pakialam mo?!", galit kong tanong sa kaniya dahil ano nga bang pakialam niya sa akin kung nandito ako sa lugar na ito?

"Don't talk to me like that, Aria!", galit na sigaw naman niya sa akin. Ano naman bang ikinakagalit niya sa akin? Tss. Pakialamero.

"And why?!", sabay tawa ko. "Tama bang nangingialam ka sa buhay ko?!", sigaw ko sa kaniya na nagpagulat sa kaniya. Don't tell me nagulat siya sa pagiging galit ko sa kaniya. Hindi niya na kailangan pang magtanong kung bakit ako galit na galit sa kaniya. Hindi niya na kailangan pang magtanong kung bakit ako galit na galit sa kaniya ngayon. He should be the one to know why I am mad at him.

"Sir, excuse me po pero tama si Ma'am. Mali ho na nangingialam ka sa-"

"I'm his boyfriend!", putol ni Noel sa sinabi ng bartender. Na nagpabalik sa aking katinuan.

Kanina kasi ay nang makita ko ang pagmumukha ni Noel ay para bang kami na lang ang tao rito sa paligid. Kaming dalawa na lang ang tao. Na tipong hindi ko na napansin ang ibang tao rito sa bar. Maski iyong malakas na tugtog dito sa loob ng bar ay hindi ko na naririnig. Nawalan na ako ng pakialam sa mga tao dito sa loob ng bar. Maski iyong panlalandi ng bartender kay Wanda ay nawalan na ako ng pakialam dahil na kay Noel ang buong atensyon ko.

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now