Chapter 32: Can't Love Back

0 0 0
                                    

L.A.'s POV



"So how's your vacation naman?", tanong ni Jonah sabay higop niya ng kaniyang iced coffee.

"Okay lang." Casual kong sagot at kumuha ng blueberry cheesecake sa aking platito at sinubo iyon.

"Okay lang? Wala ng iba?", makahulugang tanong ni Wanda. Isama mo pa iyong ngiti na nakikita ko sa kaniya. Ngiti na sinasabi niyang may alam siya. That she knows everything. She knows what was happening to me while I was staying in the province.

"What's with that face, Wanda?", nakataas pa ang isang kilay ni Jonah.

"Hay. Itanong mo na lang kay LA." sabay roll eyes niya at inubos ang kaniyang iced coffee.

Napatingin naman sa akin si Jonah. Pinipilit niyang maging singkit ang mata niya eh hindi naman talaga. Iyong sinusuri niya ako sa pamamagitan ng tingin? Iyong sinasabi ng mata niya na magsabi ako ng totoo kundi mayayari ako sa kaniya. Mga ganoon? As if naman na matatakot ako sa mga tinging iyon ni Jonah. Eh kung magtitigan kaya kami? Sino kaya ang unang bibitaw?

Pero makalipas ang ilang minuto ay nagsusukatan pa rin kami ng tingin. Sumali n ngabrin sa titigan session namin si Wanda. Parang nasa hot seat na ako sa mga oras na ito. Hindi nga lang kay Tito Boy kundi Wanda and Jonah's talk show. Mga ganoong level. Eh kung nasa hotseat pala ako ngayon, dapat na ba akong kabahan?

"So... Where do I start?", tanong ko sabay buntong-hininga at sumandal sa aking upuan.

"From the very start!", tila mga excited na sagot at Wanda.

Humigop muna ako sa aking inumin saka nagsimulang magkuwento.

Maybe, I'll start my story sa pagkakita ko kay Noel at iyong isang babae na naghahalikan sa library dito sa loob ng university. Mga hayop talaga sila! Sa lahat ng lugar na maghahalikan na lang sila, sa library pa. Eh puwede namang sa gym? Sa field? Sa classroom? Or dito naman sa cafeteria. Mga walang hiya talaga eh.

Sunod ko namang ikinuwento ang pagkakasabay namin ni Adei sa bus patungo sa probinsya kung nasaan ang rest house namin. Ang pagkakausap namin sa bus, ang pagpalitan ng name namin sa messenger hanggang sa ako na ang bumaba sa bus. Hanggang sa magkita kaming muli sa celebration ni Mommy at Tita Rachel. Hanggang sa unti-unti na kaming maging super close ni Adei. Na tipong ang lakas na ng loob kong umiyak sa harap niya. Gumala kami sa kung saan-saan ni Adei. At hanggang sa mapagtanto ko na iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. At nang aminin niya sa akin na gusto niya ako.

Tapos idagdag mo pa iyong pagkabilis-bilis ng tibok ng puso ko. I mean normal lang naman sa tao ang tumibok ang puso. Pero bakit pagdating sa kaniya tumi-triple ang bilis? At iyong mga paro-paro na nagiging elepante na sabay-sabay naglulundagan  na nararamdaman ko sa aking tiyan na nararamdaman ko kay Noel noon ay parang nararamdaman ko kay Adei ngayon.

But at  the end of the day I always think that maybe I can't reciprocate the feelings towards Adei. Parang hindi ko siya kayang mahalin pabalik dahil alam ko sa loob-loob ko ay mahal ko pa rin si Noel. Niloko man niya ako, nagalit man ako sa kaniya, hindi ko pa rin maitatanggi na hindi ko na siya mahal. Dahil alam ko sa aking sarili na kahit anong kagaguhang gawin ni Noel, patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Kung humingi nga ng tawad si Noel ay alam ko sa sarili ko na patatawarin ko pa rin siya.

Isa pa, ayokong mahalin si Adei. Hindi dahil sa ayaw ko talaga, kundi alam ko sa aking sarili na masasaktan ko lang si Adei. Ayaw ko siyang saktan gaya ng ginawa ni Noel sa akin. Ayokonh maramdaman ni Adei ang pinaramdam na sakit sa akin ni Noel. Mabuting tao at kaibigan si Adei kaya hindi niya deserve ang masaktan. Relationship meants to be broken. Ayokonh pagdating ng araw ay maging kami at mag-break lang din. Kung relasyon ang mawawala sa amin, huwag naman sanang pati ang friendship namin. Hindi pa man sobrang tagal ng friendship namin. Gusto ko pa ring i-treasure iyon.

Idagdag mo pa na ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin si Adei. Ayokong lokohin ang sarili ko dahil hindi lang ako ang masasaktaj, kundi pati si Adei.

But seriously, I just can't love him back.

"Ay si Ateng, ayaw pa kay Adei." Sabay irap sa akin ni Jonah.

"Siguro ay mahal mo pa rin si Noel 'no?", napatingin ako kay Wanda na medyo malungkot ang mukha dahil sa itinanong niya sa akin.

Wala akong naisagot kundi buntong-hininga lang. Alam kong naiintindihan nila ang nararamdaman ko at sagot ko.

"Mahal pa ni Ateng si Noel." Pang-aasar ni Jonah.

"We know that, LA. It's just two months since you broke up, ikaw pa ang nakipag-break. Doon pa lang ay ang tapang mo na. Nagawa mong i-let go ang mahal mo. I really admire you for doing that."

"Wala naman kaming negative reaction sa sagot mo, LA. Kung saan ka masaya ay doon kami. Kasi at the end of the day, ikaw lang naman ang masasaktan. Kapag umiyak ka, inom na lang tayo sa bar. Libre mo ah." Saka siya hinampas sa balikat ni Wanda.

"Akala ko pa naman nakakiyak yang sasabihin mo."

"Ang gaganda kaya natin. Hindi natin deserve umiyak 'no."

Humarap sa akin si Wanda.

"I can't say anything to you pero baka sa kakatingin mo sa maling tao, hindi mo na napansin ang tamang tao para sa'yo." Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong tama siya sa kaniyang tinuran.

Hindi ko alam kung sino sa kanilanh dalawa ang tamang tao at maling tao para sa akin.



Hi guys! Sorry sa sabaw na update. Wala kasi akong masyadong tulog kagabi kasi sobrang init HAHAHA

Try ko mag-update bukas. See you!

🌹TheGirlLovesRed 🌹

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now