CHAPTER 19

7.2K 106 2
                                    




"If you remain in me and my words remain in you, ask whatever you wish, and it will be done for you.."


Naging malungkot ang buong simbahan ng Paradis pati na ang monasteryo ng lisanin ni Father Zachary ang simbahan. Biglaan, 'yon ang nangyari dahil nagpaalam na lamang ito na aalis na isang araw bago ang flight nito pabalik ng Israel. Hindi din naman nagsabi ang ibang pari o ang mother superior kung ano ba ang dahilan ng pag-alis na 'yon ng pari. Kaya parang naging pala-isipan pa sa mga nasa monasteryo kung ano at bakit ba ito umalis. 


"Sayang naman si Father Zachary isa pa naman siya sa paborito ko na nagbibigay ng homily." Sabi ng madreng si Sister Elminora, isa ito sa pinaka matandang madre na naroon sa monasteryo ng Paradis. 


"Kaya nga po Sister, pero baka sa Israel na po kase siya magpapatuloy ng pagka-pari niya." Sabi naman ni Sister Susan na naroon. 


Nakikinig lang naman kami ng iba pang madre na narito sa kusina, oras na kase ng tanghalian at kakain na nga kami. Parang hindi pa din maka-move on ang ibang mga madre na narito dahil sa pag-alis na 'yon ni Father Zachary. 


"Oh baka naman inalis si Father dahil may mabigat na kasalanang nagawa." Sabi naman ni Sister Heidi na hindi halos nalalayo ang edad kay Sister Elminora. 


Doon naman ako naging curious lalo na ng marinig ko ang salitang kasalanan. "A-Anong kasalanan po?" Magalang kong tanong. 




"Alam niyo na pagkakaroon ng relasyon na numero unogn bawal sa mga katulad natin." Kibit balikat na sabi ni Sister Heidi. 


"Hindi naman po siguro magagawa 'yon ni Father Zachary Sister." Sabi naman ni Sister Carmen. 


"Sa tingin ko lang naman 'yon saka hindi naman 'yon malabong mangyari no, aba noon nga si Father Alvarado bigla na lang din umalis dito sa simbahan tapos 'yon pala may nabuntis ng isang babae na madalas din ditong nagsisimba."  Kuwento pa ni Sister Heidi. 


Napasinghap naman ang mga madreng naroon dahil pinag-babawal talaga sa kanila ang pagpasok sa isang relasyon pati na din ang mga pari ay gano'n din. Ngayon lang nila narinig ang tungkol sa paring si Father Alavarado kaya naman halos ng mga madreng naroon ay talagang na-curious din. 


"Hindi naman po masama siguro ang umibig o may magustuhan ang isang pari, tao lang din naman po sila kaya siguro nangyari ang mga ganyan." Sabi naman ng isa sa kaedad ni Sister Adeline na si Sister Alma. 


"Nandoon na tayo pero oras kase na pinasok mo ang pag-serbisyo mo sa Diyos bilang pari o madre man ay alam naman na natin ang mga hindi na dapat pang gawin." Parang biglang bawi ni Sister Heidi sa mga sinabi, oo nga pala at karamihan ng mga kasama niyang madre dito ngayon sa monasteryo ay bago kaya hindi nila alam ang tungkol sa tinutukoy niyang si Father Alvarado. "Oh siya sige na at kumain na tayo ng tanghalian at baka makita pa tayo dito ni Mother Superior."


Lalo lang tuloy na-curious ang mga madreng naroon dahil parang nabitin sila sa kuwento ni Sister Heidi sa kanila at isa na nga doon si Sister Adeline. Pero ang isipin na hindi lang pala siya ang makasalanan dito sa loob ng simbahan ay parang nagpasaya sa kanya. 




    "Feliz ano novo Father Simon.." Bati ko ng makita ko siyang mag-isa na narito sa loob ng simbahan, ilang araw na lang at bagong taon na at 'yon naman ang pinag-hahandaan namin dito. 


"Sa Sabado pa ang pasko Sister Adeline.." Ani ni Father Simon habang naglalakad at nakalagay ang kanyang mga kamay sa likuran. Katatapos lang kaninang umaga ng isang kasal na dinaos dito sa simbahan kaya tinitingnan niya kung ayos na ba at nalinis na ang mga dapat alisin na palamuti. 


"Still new years are coming." Lumingon-lingon pa ako sa paligid dahil baka may ibang tao na narito. Pero wala naman akong nakita, karamihan din kase ng mga Pilipinang madre na narito sa monasteryo ay umuwi sa kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Iniimbitahan pa nga sana ako ni Sister Carmen isa sa Pilipinang madre na medyo ka-close ko pero hindi ako sumama. Pinayagan sila ni Mother Superior na umalis ng ilang araw pero pagkatapos ng bagong taon ay kailangan din nilang bumalik dito. 


"Tatlong araw pa Sister Adeline." Sabi pa ulit ng pari, masaya ang pagdiriwang nila ng pasko dito sa simbahan. Puno ang simbahan ng mga deboto at lalong madami din talaga ang nagsimba noong simbang gabi. Naniniwala kase ang mga Pilipino na kapag nakumpleto mo ang misa sa simbang gabi ay puwede kang humiling ng kahit ano sa huling misa. Kahit madami ang nagsiuwian na mga empleyado, madre maging pari na nagtatrabaho dito sa kani-kanilang mga pamilya ay meroon pa din namang mga natira. At isa na nga siya doon, wala naman kase siyang kamag-anak dito sa Pilipinas kaya saan naman siya pupunta.


"Ang sarap sanang mamasyal ngayon kaso wala naman akong kasama." Sabi ko ng maupo kami, there's a lot of tourist attraction nearby but I don't want to go out alone. Natatakot kase akong maligaw kahit pa sabihin na approachable naman ang karamihan ng mga Pilipino ay iba pa din 'yong may kasama kang mamasyal o lumabas. 


Napatingin naman si Father Simon sa madreng katabi, they are talking to each other normally if there's a people around them. Pero iba kapag silang dalawa na lang gaya ngayon kaya naman hinawakan niya ang kamay nito habang magkatabi sila. 


"Father!" Nahila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya dahil nasa loob nga kami ng simbahan pero hinawakan naman niya 'yon ulit. 


"Ngayon parang natatakot ka pero pinasok mo naman ako sa loob ng confession booth." The priest smirked to her while holding her hands. Why she felt scared when he held her hand? If they had already sex inside of the confession booth?


Para naman akong napahiya sa sinabi niyang 'yon, tama siya bakit ba natakot ako ng hawakan niya ang kamay ko? Eh samantalang nag-sex nga kami sa loob ng confession booth na nandito din mismo sa loob ng simbahan at ialng hakbang ang layo mula sa amin dito. 


"Let's go somewhere tomorrow Adeline, pero sa bayan tayong dalawa magkita dahil dadalhin ko ang sasakyan ko." Sabi ng pari habang nakatingin sa harap ng simbahan, hindi lahat nakabukas ang ilaw dito ngayon pero kitang-kita naman ang imahe ni kristo na nakapako sa krus sa pinaka-gitna.  


"W-What you mean? Aalis tayo?" Ako naman ang parang naguluhan sa sinabi niyang 'yon. 


"Let's go out and go somewhere else and forget for awhile that we are a priest and a nun." Nakangising sabi ni Father Simon sa madre. 





#maribelatentastories

Sister Adeline (R-18 STORY)Where stories live. Discover now