Chapter 15

11.1K 337 29
                                    

I'd like to dedicate this chapter to my best friend/classmate, SELENA JORDAN DEL ROSARIO (Ayaw nya kasing sabihin yung profile name nya sa WP kaya hindi ko sya matag. xD). Dahil tinulungan nya akong mag-isip ng idea sa chapter na 'to dahil nawriter's block. Seriously, nawriter's block talaga ako so please, dear stalkers tulungan nyo po akong mainspire ulit para makasulat po ako ng mga magagandang updates. :) Thank you and pakibasa na rin po ang next na AN ko pagkatapos nito. ^^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natalie's POV


Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang malaman namin na namatay na si Sir Marc at Trina.



Pagkatapos niya ako saktan nung araw na 'yon ay nagulat na lamang ako sa pinost ni Peter ang president ng section namin.



Sabi niya ay namatay na daw si Trina kahapon at ang mas nakakabigla pa ay brutal itong pinatay.



Pinost niya rin ang picture nito na sa unang tingin mo pa lang dito ay sigurado akong masusuka mo lahat ng kinain mo kahit pa ang laway mo at ipapalanganin mo na sana ay hindi mo na lang ito tinignan nung una pa lang.



Putol ang dalawang kamay nito at ang mahabang buhok nito ay parang ginupit lang basta-basta.Nakahubad rin ito at puno ng bugbog, hiwa at dugo ang kanyang katawan. Parang linagyan ng asido ang kalahating mukha niya dahil mukhang naagnas ito. Putok rin ang labi nito. Wala rin ang kaliwang mata nito at ang pinakamalala pa ay parang itong kinatay na baboy o mukha itong manananggal dahil putol ang kalahating katawan nito.



Dahil sa insidenteng 'yon ay nagsimula na ang mga pulis na magimbestiga.



Habang nagiimbestiga sila ay may nahanap silang letter sa loob ng locker ni Trina.



Hindi daw kaaya-aya ang nakasulat rito ngunit wala ring nakakaalam kung sinong nagsulat dahil walang nakasulat kung kanino ito galing.



Magiisang linggo na rin ang nakalipas simula nang medyo tumahimik ang buhay ko dahil pagkatapos nilang magimbestiga ay pumasok na kami ulit.



Kinabahan ako nung pumasok na si Zelus ngunit nakahinga rin ako ng maluwag dahil tahimik lang itong nakaupo sa upuan at walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha na para bang walang taong nakapaligid rito.



Maayos at mabilis na natapos ang araw na 'to dahil simula nang mamatay sila sir marc at trina ay medyo tumahimik at nagbalik sa normal ang buhay ng mga estudyante dito. Wala kang maririnig na chismis na para bang hindi man nangyari ang mga trahedyang kaganapan no'n.



"Goodbye Natalie!" paalam ni Xandra, ang aking matalik na kaibigan.

Obsessive StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon