Obsessive Stalker

39.1K 740 24
                                    

"Goodbye Natalie!" paalam ni Xandra, ang aking matalik na kaibigan.

"Goodbye Xands!" paalam ko rin.

Nang makaalis na siya ay umupo na lang ako sa bench ng waiting shed sa school namin.

"O hija, first time kang malate umuwi ah." sabi ni manong guard.

"Oo nga po eh. Balak ko nga po sanang magcommute na lang para makauwi ako kaagad."

"Maganda rin na magcommute ka na lang pero hija, lagi mong tatandaan na wag kang aalis ng mag-isa. Delikado pa naman ngayong mga araw na 'to." paalala ni manong.

"Opo manong." magalang kong sagot.

"O siya! Maiwan muna kita ha. Sandali lang ako." paalam ni manong atsaka umalis na.

Ako na lang ang mag-isa ngayon dito. Medyo dumidilim na rin ang paligid dahil malapit nang magala-sais ng gabi. Tahimik rin dito dahil wala naman masyadong dumadaang mga sasakyan.

Habang nagbabasa ako ng story sa phone ko ay biglang humangin ng malakas at doon na rin nagsimulang tumaas ang aking mga balahibo.

Pakiramdam ko ay parang may nagmamasid sa akin.

Lumingon ako sa likod, kaliwa at kanan pero wala naman akong nakikitang tao kaya hinayaan ko na lang.

Itutuloy ko na sana ang aking pagbabasa nang biglang dumating si manong na may dalang sulat.

"Hija, may nagpapabigay na sulat sayo." sabi ni manong sabay abot sa akin ng sulat.

"Kanino po galing?" tanong ko habang binubuksan ang sobre kung saan nakalagay ang sulat.

"Hindi ko rin alam, hija. Binigay lang sa akin 'yan ng isang batang lalake. Tatanungin ko sana kung kanino galing ang sulat o kung sino ang nagpapabigay pero nawala kaagad sa paningin ko yung bata." paliwanag ni manong.

"Ano 'yon? Nawala na lang na parang bula?" natatawa kong tanong.

"Siguro nga hija. Hala! Baka naman multo 'yon?" natatarantang tanong ni manong.

Natawa ako sa sinabi niya ngunit kaagad rin nawala ang aking ngiti sa labi at napalitan ng kaba na may halong takot ang aking nararamdaman nang mabasa ko ang sulat.

Beware, someone's watching you.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello dear readers! Another story ko po. :) Sa susunod na lang po ang mga chapters nya dahil inaayos ko pa po ang plot and characters nya.

Magcomment po kayo kung gusto niyo po ang flow ng story. :) Thank you ;)

P.S. Please read my other story entitled "Only Rose". Just click my profile and you will find it in my works. And also, don't forget to read my one shot stories that are now compiled in one book. :)

Vote.Comment.Be a Fan.Please Share :))

Obsessive StalkerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang