Chapter 16

10.9K 357 33
                                    

Sa mga hindi pa po nakabasa ng chapter 16, pasensya na po. Hindi ko rin po alam kung bakit biglang nawala yung laman ng chapter 16 baka po siguro dinelete ni wattpad. T.T

Hindi ko po masisigurado sa inyo na kapareho po nito ang last na chapter 16 dahil kinopya ko lang po ang nakasulat sa notebook ko at medyo may dinagdagan po ako na wala sa doon. Pasensya na po talaga pero hindi naman po nalalayo ang main idea ng chapter na 'to sa last na chapter 16. Enjoy reading! :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkabasa ko sa sulat ay nakita ko ang itim na ferrari ng kakambal ko na papunta dito kaya dali-dali kong linagay ang sulat sa loob ng bag.



Huminto ang sasakyan niya sa harap ko kaya kaagad kong binuksan ang pintuan nito.



Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakangiti sa akin.



"How's school today, babe?" tanong niya.



Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil gustong-gusto kong ikwento ang tungkol sa sulat ngunit may kalahating parte sa akin na wag sabihin 'yon sa kanya.



I don't know why but I just can't tell him about the letter that I recently received.



"Okay lang. Ganun pa rin, wala mang pinagbago." sagot ko at ngumiti ng pilit sa kanya na sana ay hindi niya nahalata.



"Where do you want us to go, babe? Wala naman akong gagawin ngayon kaya pwede tayong magdate." nakangiti niyang sinabi habang nakatingin pa rin sa daan.



Gustuhin ko mang sabihin sa kanya na umuwi na lang kami ay hindi ko rin magawa dahil baka mahalata niya na may problema ako.



"I'm hungry. I wanna eat pizza." nakanguso kong sinabi.



Natawa siya sa ginawa ko bago siya muling nagsalita.



"Fine. If my babe wants to eat pizza, then I'll bring her to yellow cab. Okay na ba 'yon sayo?" nakangiti niyang tanong.



Tumango na lamang ako bilang pagsagot.



Maya-maya lang ay nakarating na kami sa Yellow Cab.



Lumabas na kaming dalawa ng kakambal ko sa sasakyan niya at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng fast food.

Obsessive StalkerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ