Chapter 28

7.1K 235 70
                                    

"How's school?" Tanong ng kakambal ko habang nagmamaneho ito.

"I-It's okay." Nauutal kong sagot sa kaniya na ikinatingin niya sa akin.

"May problema ka ba?" Tanong nito sa akin na ikinalamig ng mga kamay ko.

Oo. Marami akong problema at hindi ko alam kung bakit nararanasan ko 'yon ngayon. Gustong-gusto ko nang sabihin sayo pero parang may pumipigil sa akin na gawin 'yon.

Imbes na sabihin ang mga 'yon sa kaniya ay mas pinili ko na lamang na umiling at lumingon sa may bintana ng sasakyan.

"Where do you want to eat?"

"Sa bahay na lang. Gusto kong makasabay sila mama at papa na kumain."

"Oo nga pala. Nakalimutan ko palang sabihin sayo na umalis sila kanina para puntahan yung kumpanya natin sa America. Bigla daw kasing nagkaroon ng problema." Sambit niya na ikinatingin ko kaagad sa kaniya.

"What? Are you serious?" Gulat kong tanong sa kaniya na ikinatango niya.

"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin kanina?! Edi sana umuwi ako kaagad!" Sigaw ko sa kaniya na ikinatingin niya ng seryoso sa akin.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napaurong sa aking inuupuan dahil sa klaseng tingin na ipinapakita niya sa akin. Para bang may gagawin siyang masama sa akin kung patuloy ko pa rin siyang sisigawan.

"Don't shout at me." Mariin niyang saad sa akin at bumaling ulit ito sa daan.

Napakagat na lang ako sa ibaba ng aking labi dahil nararamdaman kong kaba.

"Stop biting your lips." Walang emosyon niyang sinabi habang nakatingin pa rin ito sa harap. Inalis ko naman ang pagkakagat ko sa aking labi at muling tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Mahaba-habang katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa tumunog ang kantang versace ni bruno mars.

'Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in'  

Napakunot-noo ako sa kantang pinapatugtog niya. Humarap ako sa kaniya at nagsalita.

"Hoy, palitan mo nga yung kanta." Utos ko sa kaniya ngunit parang wala man siyang narinig.

Kinuha ko ang phone niya at akmang bubuksan ko ito nang bigla siyang nagsalita.

"Wag mong papalitan." Sambit niya subalit katulad ng ginawa niya kanina ay tila bang wala rin akong narinig sa kaniyang sinabi at tuluyang binuksan ang kaniyang phone.  

Pinause ko muna ang kanta at akmang papalitan ko na ito nang bigla niyang hinablot sa akin ang phone niya na ikinagulat ko ngunit mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Bigla niyang itinigil ang sasakyan na muntik ko nang ikinasubsob at marahas na hinawakan ang aking baba paharap sa kaniya.

"Kapag sinabi kong wag mong papalitan, wag mong papalitan. Hmm?" Malambing niyang sambit sa akin habang marahan na hinahaplos ang aking pisngi.

Isang tango lamang ang naisagot ko sa kaniya bago ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin baba.

Muli akong lumingon sa bintana at nanahimik na lamang. Tumugtog ulit ang kanta at nagpatuloy na ulit siyang nagmaneho.

'Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now'  

Nang umabot na sa chorus ang kanta ay narinig ko siyang sumabay dito na ikinakilabot ko. Hindi ako nangilabot dahil sa tono ng boses niya kundi dahil sa paraan ng pagkanta niya dito na para bang nang aakit siya.

Obsessive StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon