Chapter 35

6.5K 179 25
                                    

Natalie's POV

Limang araw na kaming nandito ni Kuya sa bahay. Ay mali. Ako lang pala ang limang araw nang nandito sa bahay dahil paminsan-minsan ay umaalis siya para asikasuhin ang kumpanya namin na nandito sa Pilipinas. Kahit na bata pa ang kakambal ko ay matagal na siyang sinanay ng parents namin sa paghahandle ng kumpanya kaya kahit wala sina Mama at Papa ay naasahan naman nila si Kuya sa pag-aasikaso ng kumpanya dito kahit na nag-aaral pa rin siya. Hindi na rin nakakapagtaka lalo na't accelerated siya sa akin. Pero siyempre hanggang ngayon ay may gumagabay pa rin sa mga ginagawa niya sa kumpanya namin.

Sa tuwing umaalis siya ay sinisigurado niyang nakakandado ang lahat ng mga pinto at bintana sa bahay. Ang rason niya kaya niya ginagawa 'yon ay dahil ayaw niyang dumating ang taong nanggugulo sa akin habang wala siya. Tinanong niya ako kung gusto kong sumama sa kaniya ngunit umayaw ako dahil na rin siguro sa mga nangyayari sa akin sa labas sa tuwing mag-isa lang ako at natatakot ako na mangyari 'yon ulit lalo na't hindi ako pwedeng palaging bumuntot sa kakambal ko dahil may ginagawa rin ito.

Nagawan niya na rin ng paraan ang pag-aabsent ko sa school since limang araw na rin akong hindi pumapasok. Hindi pa alam nila Mama at Papa ang kalagayan ko ngayon at sa tingin ko ay walang balak si Kuya na sabihin 'yon sa kanila.

Simula rin ng matapos ang araw na sinubukan kong maglaslas ay todo bantay at alalay sa akin ang kakambal ko na para bang baldado ako. Lahat ng mga kilos ko ay alam niya kahit sa pagligo ko ay nakabantay rin siya ngunit nasa labas naman siya ng banyo. Hindi niya pinapasara ang pinto sa tuwing maliligo ako dahil baka ulitin ko nanaman ang ginawa kong paglaslas. May maliit na siwang rin dapat ito subalit nasisiguro ko naman na hindi ito naninilip. Oo at kapatid ko siya ngunit sa ngayon ay wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi ang sarili ko lamang.

Ilang beses na rin akong sinusubukang kontakin ni Xands pero ang kakambal ko ang sumasagot sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi niya sa kaniya dahil madalas ay ang kakambal ko lang ang mag-isang nakikipag-usap kay Xands.

Tahimik akong nanunuod ng the ring sa TV nang bigla itong mawalan ng signal. Nangilabot ako dahil 'yon ang nagiging signal ni the ring kapag lalabas na siya mula sa TV.

Shit! Hindi siya totoo diba?! Fuck! Ano 'to?!

Gusto kong tumayo para patayin yung TV pero natatakot ako dahil baka bigla niya na lang akong hilain papasok sa TV.

Kaagad kong kinuha ang teddy bear ko na si Austie at mabilis na tinakpan ang mukha ko.

Mariin akong napapikit at humihiling na lamang na sana'y bumalik na sa dati ang signal ng TV para malipat ko na kaagad ang channel.

Napadilat ako nang marinig kong wala na ang maingay na tunog ng TV.

Wag mong sabihing lumabas na siya sa TV at nasa harapan ko na siya ngayon?

Oh shit.

Napalunok ako ng malalim at handa na sanang tanggapin ang paghawak niya sa akin nang may marinig akong ungol. Hindi ungol ng nasasarapan kundi ungol ng nahihirapan at nasasaktan.

Unti-unti kong inalis si Austie sa tapat ng mukha ko upang tignan kung ano ang nasa TV.

Napasinghap na lamang ako nang makita ko si Sir Marc na puno na ng pasa sa katawan at dugo.

Nanginginig ang kamay kong napatakip sa aking bibig.

Ano 'to? Bakit bigla itong lumitaw? B-bakit nandyan si Sir Marc? Y-yan ba ang nangyari sa kaniya? Sino ang d-demonyong gumawa nito sa kaniya?!

Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha nang mapanood ko kung paano ito umiyak, magmakaawa at kung paano siya pinutulan ng mga iba't-ibang parte sa kaniyang katawan lalo na ang kaniyang ari.

Obsessive StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon