Kabanata 08

43 6 0
                                    


Eris/Maeve

Wednesday lunch. Umupo ako sa pinakacorner ng Food Rendezvous at tahimik na kumakain ng paborito kong kare kare. Napaisip ako sa proposal ni Aine kahapon nung bumisita sya sa bahay.

Sa aming magkakagrupo, si Aine talaga yung magaling dumiskarte. Laki sya sa hirap, hindi tulad namin na bata pa lang ay may gintong kutsara na sa mga bibig. Nagkakilala lang kami during high school dahil isa syang scholar ng bayan at dun na rin nabuo yung girl band namin.

Gusto nya magpatayo ng entertainment company para sa mga katulad namin na may talent. Hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa larangang ng filming at pag-arte. Sa totoo lang, maganda yung ideya nya. Magagamit rin namin yung influence namin para maging successful sa binabalak namin. All we need is investment which I'm willing to give kapag buo na ang mga plano. Aanhin ko yung pera ko kung hindi ko to gagamitin para sa ganitong mga bagay. You need to sprout something in order to grow further.

Napatigil ako sa pag iisip nang may pumasok na babae sa cafeteria kasama ang kapatid ko at yung gwapong bakla. Napangiti ako nung naalala ko yung mga kalokohan nya nung gabing nalasing sya.

Ang kulit kulit nya kaya ang sarap nya asarin nung tinawagan ko sya. Napikon tuloy! Hahahah! Hindi pa sya makapaniwala na hinalikan nya ako.

Kahit smack lang yun, kiss pa rin tawag dun. Totoo na sya ang first kiss ko. Although marami sakin lumalandi, mapalalaki at mapababae man, wala pa rin nakauna sakin dahil hindi naman ako basta nagpapahalik ng ganun ganun na lang. Kahit may dugong foreigner ako, dalagang pilipina ako, yeah! Di tulad ni Tori na ang gaslaw gaslaw. Kung sino sino ang pinapatulan. Kaya binabantayan talaga sya ni Sage kasi baka daw madawit pa kami sa mga issues nya.

Hinagod ko sa tingin ang mataray na si Letisha habang nakapila na sya. Nakaskirt sya na khaki tapos nakacrop top na white at kita ko kung gano sya kasexy sa curves nya. Nakalugay din ang mahaba nyang buhok na hanggang bewang nya. Parang ang sarap tuloy hawakan yun. Ay, sabunutan pala. Hahaha! Laughtrip!

Naramdaman nya ata na may nakatingin sa kanya kaya nagtagpo ang aming mga mata. Kumunot ang noo nya at mataray na inikot ang mga mata nya bago tumalikod na.

Palihim ako na natawa sa itsura nya. Hindi nya talaga napansin na si Eris at ako ay iisa. Galing talaga ni Madam Wammy na personal stylist ko. Medyo hirap pa ako magcontact lense pero effective naman yung disguise ko. Wala talagang nakakahalata na ako si Eris ng Muse Siren. Mukha ba naman akong bruha. Hahahaha!

Isa pa, as a singer, I can easily change my voice and accent. The perks of vocal lessons and speech therapist. And nag-train talaga ako pati yung mannerism. I desperately needed this to survive in this school.

San kaya kami magdadate this weekend?

Ngiting ngiti ako habang kumakain pero sumimangot ako ng may malagkit na tubig na bumuhos sa ulo ko.

"Oh sorry, my hand slipped. Okay lang, basura ka naman," tawang tawa kutya ni Trixy. Nagsitawanan din yung mga ugly minions nya pati na rin yung mga taong nakapaligid sa akin. They've been bullying me for a few days now but all I've been doing is ignoring them.

Nakita ko si Zee na papalapit na sa amin pero tinignan ko sya ng makahulugan, causing her to stop. Halata yung galit sa mga mata nya. Ako rin naman, nagpupuyos din sa galit pero kaya ko magkontrol di tulad nya na bugnutin.

Tumayo ako at hinarap ang bratinela na si Trixy. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa na kinaawang ng bibig nya. Maganda nga sya pero ang panget ng ugali nya. Wala rin! Ekis din sya.

Nagsmirk na lang ako sa kanya at tiningnan sya na para bang isa lang syang dumi sa kuko. Then hinablot ko ang gamit ko at nilagpasan sila ng para bang walang pake. Gusto ko sya patulan pero alam ko na makikigulo rin si Zia. So ako na lang ang umalis. As much as I could, I don't want to be the center of attention.

Clause Twenty-Three | GxGWhere stories live. Discover now