Kabanata 33

35 4 0
                                    


Letisha

I really can't believe this!

Pagkatapos nya akong halikan?! Tapos makikita ko syang kahalikan yung masamang damo na yun?!

Maaga akong pumasok para gawin yung mga task ko as a student council president para maaga din ako makauwi mamaya para dalawin yung girlfriend ko sa condo nya kahit makita ko lang sya kahit saglit.

Pero hindi ko inaasahan na makita kong naghahalikan sa ilalim ng puno sina Maeve at Trixy na akala mong walang makakakita sa kanila. At dahil sa pagkadismaya ay hindi ko nakayanan at umalis ako agad-agad.

Ang kalat! Pwede naman nila gawin yun sa private place so bakit duon pa?! Hindi ba sila makapag-antay?! And to think that Maeve also kissed me. Ano bang trip nya?!

"Bakit parang umuusok na naman yung ilong mo dyan?" narinig kong tanong ni Zee.

Kakasimula lang ng lunch break at andito kami sa Food Rendezvous kasama si Paulo. Buti na lang wala yung dalawa kasi tinik lang sila sa mga mata ko kapag magkasama.

Tinignan ko si Zee saglit bago ako nagsalita. "Sa tingin mo posible bang may relasyon yung kapatid mo at si Trixy?"

Kumunot yung noo ng kaibigan ko. "Relasyon? Like mag-jowa?"

Tumango ako. "Oo, kasi napapansin ko lagi silang magkasama at hindi na sila mapaghiwalay."

"Bakit mo naman natanong?" usisa ni Paulo.

Napakamot ako sa batok ko. "Hindi sila bagay kung meron man silang relasyon. And Trixy never had a relationship with a girl before. Boys lahat ng ex nya."

"Exactly, Sha. So I don't think na may relationship sila," pahayag ni Zee. "Pero kung meron man, ano namang masama dun? Single naman silang pareho."

Hindi mapakaniwalang tinapunan ko ng tingin si Zee. "Trixy is bad news. You know that's she's a bitch at baka masaktan lang yung kapatid mo."

Napatawa ng malakas si Zee sa tinuran ko. "You clearly don't know my sister at all," sabi nya bago sya lumapit sakin at bumulong. "Kaya nya magpabagsak ng isang tao sa isang pitik nya lang. She's a monster beneath that thick glasses and innocent face."

Kinabahan ako sa sinabi nya. "W-What do you mean?"

Nagkibit-balikat lang si Zee. "I'm just saying that my sister can handle herself. Remember when I was framed up for keeping a package of marijuana in my locker during our first year here?"

"Yes, naalala ko yun. Yung previous captain ng volleyball team na sobrang ayaw sayo dahil nasasapawan sya kaya gumawa sya ng paraan para mapatalsik ka sa team," pagkumpirma ni Paulo.

"Oo, pero nahuli naman sya sa kalokohan nya, diba? Guess what? My sister threatened her to admit her wrongdoings to the whole campus and after that, nawala na sya na parang bula."

"So si Maeve yung dahilan kung bakit sya napaamin? Pero nasaan na yung ex-captain na yun ngayon?" curious na tanong ni Paulo.

Umiling si Zee bilang sagot. "Hindi ko alam. Tinanong ko si Maeve about that pero ang sabi nya lang ay wag ko na daw alamin. She's really like my Dad with all those shady businesses."

Lalo akong kinabahan sa kwento nya. "Is it true— Totoo ba yung rumors na galing kayo sa pamilya ng mafia sa Germany?"

Nagpabalik-balik ng tingin samin si Zee na hinihintay ang sagot nya. Sinenyasan nya kami na mas lumapit pa sa kanya kaya naman ayun ang ginawa naming dalawa.

"Yes, the rumor is true. Galing kami sa mafia sa Germany. You see this face of mine? My beauty is definitely illegal, right?"

Walang sabi-sabing binatukan sya ni Paulo na kinatawa at ikina-iling ko na lang.

Clause Twenty-Three | GxGWhere stories live. Discover now