Kabanata 31

39 4 0
                                    

Eris/Maeve

Dammit! Bakit ko nagawa yun?! Bakit ako nagpadala sa nakakagunaw na mga titig nya?! Bakit ako nagpatukso sa mga labi nya?!

Things were getting worse already but I made things worser by kissing her as Maeve. I just hoped na hindi yun bigyan ng malalim na kahulugan ni Letisha. It was actually a good sign na tinulak nya ako dahil hindi ko alam ang iisipin ko kung sakaling tumugon sya ng halik.

Gosh! I was clearly competing against my other self, really?!

Frustrated na lumabas ako ng taxi ng tumigil na ito sa pinakamalapit na park ng subdivision na tinitirhan ng girlfriend ko. Nakita ko agad yung Range Rover na gamit ng bodyguards ko sa pagsundo sakin at dali-dali akong pumasok sa back seat.

"Asan na sya?" tanong ko agad kay Manong Anthon at Kuya Fred pagkapasok.

"Nadala na po sya ni Ramon sa old warehouse sa Valenzuela, Boss," sagot ni Kuya Fred.

Tumango ako. "Okay, good. Let's go there quickly."

Isinantabi ko muna ang nangyari samin ni Letisha dahil may dapat pa akong asikasuhin. Kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko patungkol sa mga litrato namin na magkasama. Of course, as Eris.

Hindi ko alam pero may kutob ako na may kinalaman si Hugo behind this. If that bastard Cameron was the spy in the first place, hindi nya basta isisiwalat ang sarili nya. There must be a reason why he had those photos and I think ot wasn't because of his own resources.

Narinig kong tumunog ang phone ko sa bulsa at sinagot ko naman agad yun ng nakitang si Freya ang tumatawag.

"Hey, babe. Where are you? Magsisimula na yung practice natin."

Bumuntong-hininga ako. Sa dami ng nangyari, nakalimutan ko na may band practice pala kami until midnight.

"You can go on without me. May aasikasuhin lang ako ng mabilis," sagot ko.

"Anong without you? Babe, mga unreleased songs yung ipapractice natin ngayon. Hindi natin mapupulido 'to kung wala yung composer and producer which is you. Saan ka ba kasi pupunta?"

Rinig ko yung frustration ni Freya pero tama naman sya. They needed my guidance dahil ako yung gumawa ng songs na ngayon ko lang inilabas for the fans para sa last concert namin.

"Susunod ako, I promise. May mahalaga lang talaga akong gagawin. I have to go, Frey. Don't worry, I'll be there as soon as possible," paliwanag ko bago na ako nagpaalam.

Nang binaba ko na yung phone, itinuon ko ang atensyon ko sa mga bodyguards ko. "Nasundan tayo these past few days, hindi nyo ba napansin?"

"Pero Boss, yung mga tauhan lang ni Big Boss yung sumusunod sa atin nitong nakaraang araw," sagot ni Kuya Fred na ikinatango ko lang.

Kaya naman mabilis ko tinawagan si Dad at sinabi sa kanya ang buong pangyayari at mga kutob ko. There must be a mole in his side and I needed to inform him. Sumang-ayon naman sya at sisiguraduhin nya na mahuhuli kung sino man yun. Nagpadala na rin sya ng mga bagong tauhan para bantayan si Letisha na pinag-pasalamat ko naman.

"Dito na tayo, Boss," paalam ni Manong Anthon habang pumapasok na kami sa gate ng dating warehouse ng company namin na inabandona na.

Nang tumigil ang kotse ay sabay na kami lumabas at pumasok sa warehouse. Medyo madilim na at masukal ang paligid kaya wala masyadong tao na nagdadaan dito pero para makisuguro ay inutusan ko na lang na mag-matyag si Manong Anthon sa labas.

May konting ilaw lang galing sa solar light na nasa kisame kaya naaninag ko agad yung lalaking nagtangka sa girlfriend ko kanina lang. Nakaupo sya sa isang silya, nakagapos ang mga kamay at mga paa at nakapiring din ang kanyang mga mata kaya hindi nya ako makikita.

Clause Twenty-Three | GxGWhere stories live. Discover now