Kabanata 20

72 6 0
                                    


Letisha


"Teka lang, bunso! Sabay na---"

Pinutol ko ang sigaw ni Zee ng hinablot ko sya sa kamay nya and dragged her on the way to the cafeteria. Hindi ko expected yung nangyari sa Dean's office so need ko ng paliwanag nitong babae na nagpupumiglas sa mahigpit kong hawak sa kanya.

"Wait lang, Sha! May klase pa tayo. Where the hell are we going?" sunod-sunod na reklamo ni Zee pero hindi ko sya pinansin.

Nakita ko agad si Paulo na nag-aantay samin sa cafeteria na atat na atat na siguro sa tsismis. Minessage ko sya kanina lang na pumunta dito kahit may klase kami. Obviously, hindi kami pumasok dahil excused naman kami ni Zee sa first class. Pero si Paulo, andito agad para malaman kung ano nangyari samin. So nag-cutting ang baklita.

"Sit!" ma-otoridad kong utos kay Zee at sumunod naman sya at umupo sa tabi ni Paulo.

"Anong nangyari? Bakit ka ganyan sa friend natin, Sha? Ginawa mong aso," nagtatakang turan ni Paulo na ngayon ay hinahaplos ang madrama naming kaibigan.

"Arrfff, arrrfff," tahol pa ni Zee na ikinaikot ng mata ko.

"Magseryoso ka nga, Zee! Totoo ba yung nangyari kanina sa Dean's office?" tanong ko na hindi pa rin makapaniwala.

Umayos naman ng upo si Zee at kunot-noong tumingin sakin. "Gusto mo sampalin kita para malaman mo kung totoo?"

I narrowed my eyes at her. Galit-galitan sya kasi nag-away kami nung Saturday. Alam ko pagkain lang katapat nya pero bakit ko sya bibigyan? Sya nga may atraso sa amin.

"Teka nga, mga sis. Ano ba kasing nangyari?" nagtatakang tanong ni Paulo.

"They're actually sisters, Pau. Maeve and this liar," sagot ko sa kanya para naman updated na rin sa bakla at may kakampi na ako.

"Oh my ghaaad! Paano? Ang layo, bessy. Ang ganda mong babaita tapos ganun yung itsura nya? Kapatid mo sa labas?" walang pakundangan na panlalait ni Paulo.

Parang naging tigre si Zee na tumingin sya kay Pau. "Pede ba!? Wag mo laitin yung bunso ko! Ako lang pede gumawa nun sa kanya. At hindi ko sya kapatid sa labas. We're fraternal twins, for fúck sake!"

Paulo was still in disbelief. Kahit sino ay hindi maniniwala na galing sila sa isang sinasapunan. Hindi ko pa nakikita yung father ni Zee so it was possible na sa kanya nagmana si Maeve.

But that didn't matter anymore.

"Bakit mo inilihim samin 'to Zee? Wala ka bang tiwala samin?" tanong ko at umupo na katapat nilang dalawa.

Kumunot ang noo nya pagkatapos ay nagbuntong-hininga. "Of course, I trust both of you. But Maeve doesn't want to expose her connection with me. Na we're sisters. Believe me, I tried to convince her to let me tell you the truth but she doesn't trust everyone."

May parang tinik na tumusok sa puso ko, knowing Maeve didn't trust us. But so what? It was just normal dahil sa kanya, we were still strangers kahit pa kilalang-kilala na namin si Zee.

"I don't understand, sis! Ano naman kung malaman namin or nang lahat na sisters kayo? Gugunaw ba yung mundo ng nails ko?" tanong ulit ni Pau.

Zee rolled her eyes in annoyance. "Speak for yourself. Nilait mo na nga agad sya at sinabi mo pang kapatid ko sya sa labas tapos tanong ka pa dyan. Mga judgmental! Pano pa kaya kapag nalaman nila lahat? Eh 'di todo lait kayong lahat sa bunso ko!"

Napatahimik kaming dalawa sa sinabi ni Zee. Nakita ko naman na na-guilty si Pau sa mga sinabi nya kanina. I also felt guilty sa pag-iisip na mana si Maeve sa father nila kahit hindi ko pa ito nakikita.

Clause Twenty-Three | GxGWhere stories live. Discover now