Chapter 56

459 22 1
                                    

JAIRUZ woke up in the hospital room surrounded by people wearing whites, headcaps and masks. He identified some of them are doctors and nurses. Talking ang arguing something in controlled tone and voices. While the rest, Yzack, their mother, William and Roelle. And Mikah who was crying.

"Anak," dumukwang ang kanyang ina at hinagkan siya sa noo. Namumungay ang mga mata nito sa pinipigil na luhang hindi nagtagal ay nakalaya rin.

"Jairuz," hinawakan ni Mikah ang kamay niya at masuyong pinipisil. Pero binawi niya iyon at tumingin sa mga doctor na tila hindi pa rin tapos sa pinagtatalunan.

All of them are flipping some papers from the folders they're holding. Nandoon din sina William at Roelle. Tila nakikisali sa diskusyon.

Binaling niya ang tingin kay Yzack na tahimik na nanonood at nakaantabay sa pag-uusap habang nakatayo sa may paanan ng kama niya. Sumulyap sa kanya ang kakambal at lumapit.

"Hey, you're doing okay?" Tinanggal nito ang suot na mask. Iniwang nakabitin sa isang tainga.

"This isn't gonna kill me." He smirked. "What's with the outfits?"

"Oh, this?" Sinipat nito ang sarili. "The doctors asked us to wear these. Mahina ang resistensiya mo. We're just being careful and cautious not to get you into more serious trouble."

"Anak, may sinabi ang mga doctor mo. Malubha na ang hematoma sa ulo mo. Kailangan ka ng operahan agad," balisang pahayag ng kanyang ina na hindi maawat ang pagluha.

Pinukol niya muli ng tingin ang mga doctor na hindi pa rin tapos sa pinag-uusapan. Kailangan niya munang mahanap sina Oshema at Kyruz bago siya magpapa-opera. Baka hindi magtatagumpay ang operasyon, hindi na niya makikita ang kanyang mag-ina. Wala siyang pakialam kung mabubulag siya. Ang mahalaga'y makita niyang muli sina Oshema at Kyruz kahit sa huling pagkakataon man lang. Masabi niya sa dalawa kung gaano niya kamahal ang mga ito habang may natitira pang liwanag sa kanyang mga mata.

He asked Roelle and William to bring Mikah back to the mansion. And he escaped from the hospital while his mother and Yzack went with the doctors outside to talk about the conduct of the operation.

Umuwi siya ng penthouse. May gamot siya doon para sa sakit ng ulo niya. Pwede niyang doblehin ang dosage para makatagal ng ilang oras. Habang sakay ng elevator ay lumalabo na naman ang paningin niya at nahihilo siya. Piniga niya ang sentido at pikit-matang sumandal sa dingding. Para siyang nasa loob ng gumugulong na lata. The whole world is spinning before him. Damn it!

Huwag muna. Not now. Hindi pa niya nahahanap ang kanyang mag-ina. Kunting panahon pa. Kunti na lang.

He almost tumbled down outside the platform after he went out. He instantly grabbed a hold to the nearest wall and slammed himself at the door of his unit.

Bumukas ang pinto at nabuwal siya papunta sa babaeng nagbukas niyon. Si Oshema. Surprised, inspite of his spiraling vision, he tried to held himself up and straight. He can't be this weak and messy in front of his wife.

"Jairuz! God, what are you doing here?" Natatarantang atungal nitong inalalayan siyang pumasok sa loob at pinahiga sa mahabang couch.

Mabilis niyang nahawakan ang kamay ng asawa nang tinangka nitong iwanan siya.

"Kukuha lang ako ng tubig para sa iyo," malambing nitong sabi na nadama ang pag-aalala niya.

"Hindi ako nauuhaw. Dito ka lang. Huwag kang umalis sa tabi ko. Nasaan si Kyruz?" tanong niyang humahaplos ang kamay paakyat sa braso nito.

"Nandoon sa kwarto. Gising iyon. Iniwan ko lang saglit para buksan ang pinto. Akala ko si Alex ang dumating. Susunduin niya kami para pumunta doon sa hospital. Dapat kanina pa ako doon kaya lang naroon si Mikah. Baka ma-stress siya pag nakita ako. Hindi iyon maganda para sa anak ninyo." Agap nitong paliwanag na nakapinta sa mukha ang sensideridad.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon