Chapter 4

3.1K 118 2
                                    

Nagmamadaling tinungo ni Oshema ang gym pagkagaling niya ng faculty office. Nagtext sa kanya si Vanessa, nandoon raw ito at naghihintay sa kanya. Sabay kasi silang uuwi.

Nagtaka siya kung anong mayroon sa gym at halos magsisiksikan ang mga estudyante sa may bukana ng gusali. Ang iba ay mula pa sa ibang colleges.

Tinext niya si Vanessa na nasa labas na siya pero di ito nagreply. Kung tatawag siya malamang di rin nito maririnig dahil sa sobrang ingay.

Agad siyang tumabi nang makitang may mga estudyanteng gustong pumasok sa loob at nagtutulakan. Pero sa paghakbang niya ay di sinasadyang natabig siya ng isa sa mga ito. Na-out of balance siya at matutumba na sana kung walang humapit sa baywang niya mula sa likod para alalayan siya.

Lumingon siya para magpasalamat pero naiwan sa lalamunan niya ang gustong sabihin nang matitigan sa mga mata ang lalaking nakahawak sa kanyang baywang.

"Are you okay, Miss?"

"Joul," mabilis siyang lumayo rito nang madama ang tila kuryenteng gumapang sa kanyang katawan mula sa kamay nito. Tumikhim siya at inayos ang sarili. "Thank you, I'm fine."

"Bakit ka nandito? Manonood ka ng game?" Usisa nito.

"Nandiyan sa loob si Vanessa. May usapan kami na sabay kaming uuwi. Doon siya matutulog ngayon sa staff house. Ikaw, bakit ka nandito? Akala ko ba may trabaho ka?"

Bahagya itong ngumiti. "Sasali muna ako sa practice game."

Doon lang niya napansin ang suot nitong jersey. May tatak iyon ng logo at pangalan ng school sa harapan. MARTIREZ UNIVERSITY PHANTOMS. Napansin nilang nagtulakan na naman ang nasa bukana. Humakbang si Joul papalapit doon.

"What the hell! Stand down,people!" Sigaw nito. Naagaw ang atensiyon ng mga estudyante na naroon at napatingin ang mga ito sa gawi ng lalaki.

"Si Joul!"

Halos matulig siya sa lakas ng tilian ng mga babaeng estudyanteng hindi magkandaugaga sa pagkuha ng picture kay Joul gamit ang cellphone.

Napahalukipkip siya. So, he is popular. Napansin niyang nakatitig sa kanya ang binata. Tinaasan niya ito ng kilay. Anong tinitingin-tingin mo? Gets ko na, sikat ka. Inirapan niya ito.

"Gusto mo bang pumasok? Malamang nasa bench namin si Vanessa." Nagsalita ito.

Saglit siyang nag-isip. Pwede naman niyang itext si Vanessa na mauna na siyang umuwi. Pero tila may nagtulak sa kanya na humakbang para pumasok sa loob ng gym. Sumenyas si Joul at nahawi ang mga estudyante sa may bukana. Binigyan siya ng daan habang nakabuntot sa kanya ang lalaki.

"Sino yan?"

"Girlfriend niya?"

Uminit ang pisngi niya sa mga nauulinigang bulungan.

"Hindi. Kilala ko ang girlfriend niya. Si Vanessa Torres."

Humugot siya ng hininga at taas-noong naglakad. Pagkapasok nila ay agad niyang natanaw si Vanessa na nakaupo sa bench ng Phantoms. Kausap nito ang isa ring estudyanteng babae na katabi nito. Panay ang tawanan ng dalawa. Tumingin siya sa kabilang bench. St. Andrews Blue Wolves. Iyon ang nabasa niya sa tarpaulin na naroon.

"Pwede mong puntahan si Vanessa doon sa bench namin." Sabi ni Joul mula sa likod niya.

"Hindi na. Okay na ako dito. Hahanap na lang ako mamaya ng mauupuan." Hindi siya makapaniwalang practice game lang ito. Punong-puno ng mga estudyante ang buong gym.

"Captain!" Parehas silang napatingin ni Joul sa lalaking papalapit sa kanila. Suot din nito ang jersey ng school. "Kanina ka pa hinahanap ni coach." Sabi nito at sumulyap sa kanya.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon