07

544 19 2
                                    

Chapter 07 
3rd Person's POV 
Kinaumagahan— maagang dumating si Apollo sa university. Mapalalaki 'man o babae napapalingon sa binata. Hindi maalis ang tingin sa binata lalo na at lumapit ito kina Ken at Chloe na kasalukuyang may iniinom na juice. 

Napaubo si Ken matapos makita si Apollo. Napanganga naman si Chloe matapos makita ang binata. 

"Babe! Dumudugo ang ilong mo!" ani ni Ken na agad pinanunasan ang ilong ni Chloe na mukhang nagising na din anv diwa. 

"Gosh! Hindi ko ini-expect na papasok ka talaga na ganyan ang suot mo."

"Para saan pa at lumapit ako sa iyo kung hindi ko naman gagamitin diba?" sagot ni Apollo. Tumikhim si Chloe habang nasa ilong pa din ang panyo. 

"Ano ng sunod?" tanong ni Apollo. Lumingon-lingon si Chloe bago hinawakan si Apollo at Ken. Hinila niya ang dalawang binata papunta sa garden kung saan walang tao. 

"Fast learner ka at nalaman ko din kay Ken na minsan ka ng sumali sa mga t.v show. Magaling ka mag-act diba?"

"And?" nagtataka na tanong ni Apollo. 

"Mag-acting ka na cute, smile then magpaawa ka. Huwag laging pokerface. Then huwag ka din masyadong tigasin maglakad hindi bagay sa porma mo ngayon!" ani ni Chloe matapos i-head to toe si Apollo. Nakasuot kasi ito ng polo na puti then pinatungan iyon ng binata na pink na jacket. Nagsuot din ito ng light gray na jean at pinaresan ng sandals. 

Tinanggal din nito ang hikaw at kwintas niya katulad ng sinabi ni Chloe. Wala na din ang pagka-bad boy look nito at kung hindi lang sa pokerface expression nito hindi malayong mapagkamalan na itong anghel. 

"Kapag maglalakad ka. Normal lang, katulad ng kung paano maglakad si Ken. Kapag sinigawan ka ni Waxy, gamitin mo ang mukha mo kaloka ka. Pakita mo na nasasaktan ka o malungkot, ganon!"

"Hmm, mukhang madali lang. I'll try my best," ani ni Apollo. Napatingin si Ken sa kamay ni Apollo at nakitang may mga cut iyon. 

"Nagluto ka ba?" tanong ni Ken na kinatingin ni Chloe. 

"Ginawan ko ulit ng lunch si Wax," sagot ni Apollo. Napangiwi si Chloe matapos makita na puro sugat ang daliri ni Apollo. Kung hindi lang maputi si Apollo at hindi iyon namumula— hindj iyon makikita. 

"Teka! May band aid ako lagyan mo ang sugat mo," ani ni Chloe bago lumapit kay Ken at hinalungkat ang bag niya. 

"No need, hindi naman masakit."

"No! Magagamit mo iyan para makonsensya si Waxy," ani ni Chloe na humahagikhik. Palihim naman na nag-sorry si Chloe sa isipan dahil sa idea na sa ginagawa niya tinatraydor niya ang kaibigan. Tinulungan niya si Apollo para i-pursuade si Wax.

"Kapag nalaman ito ni Wax siguradong makakalbo ka ng kaibigan mo," ani ni Ken na kinahagikhik ni Chloe. 


Nang makarating si Wax sa classroom niya. Napatigil ito matapos makita na puno ng kalat ang pwesto niya. Napahawak ng mahigpit si Wax sa bag na dala niya matapos makita ang mga iyon. 

Binaba niya ang bag niya sa katabing upuan at sinimulan linisin iyon. Tago naman na nagtatawanan ang mga babae na nasa pinakasulok ng kwarto si Wax matapos makita itong naglilinis. 

Matapos niya linisin iyon naglakad ang binata pero hindi papunta sa trashbin. Napatili ang mga babae ng itapon sa kanila ni Wax ang platic na may mga laman na basura. 

Napatayo doon ang mga lalaking kaklase nila at biglang hinablot so Wax. 

"Anong ginagawa mo na bakla ka! Ha?" may galit na sigaw ng isa sa mga kaklase nila. Girlfriend ng binata ang isa sa mga natapunan ng basura kaya agad ito nagalit. 

"Hindi mo ba nakikita? Binalik ko lang sa kanila ang basura nila," ani ni Wax. Natawa ang mga kaklase nitong nandoon na kabarkada ng lalaking may hawak sa braso niya. 

"Hindi mo ba nakikita na mga babae ang tinapunan mo ng basura!" 

Tinabig ni Wax ang kamay ng lalaki at tiningnan ng masama. 

"Ang mga babaeng sinabi mo ang nauna at hindi ako," sagot ni Wax. Napatigil si Wax nang makita na palihim na natatawa ang mga babae matapos makita ang sama ng tingin sa kanya ng mga kaklaseng lalaki. 

"Dude, hayaan mo na. Huwag ka ng magtaka— bakla iyan pre," makahulugan na sambit ng isa sa mga kaklase niyang lalaki at hinablot ang panga ni Wax. Dahil mas malalaki ang mga ito sa kanya hindi siya makapalag. 

"Ang tapang mo masyado para sa taong may mukhang ganito." 

Simula pagkabata binu-bully na siya dahil sa mukhang meron siya. Aminado siya na panget siya pero mali na laitin siya dahil lang sa mukha na meron siya. 

Sasagot si Wax nang biglang lumipad ang lalaki na may hawak sa panga niya at may bumuhos ng orange juice sa ulo ng lalaking humawak sa braso niya kanina. 

"Ohmygod!"

Hindi nakalagaw si Wax nang may malaking tao ang tumayo sa tabi niya. Nilingon ito ni Wax at doon nakita niya si Apollo. Hawak nito ang plastic bottle na wala ng laman matapos iyon ibuhos sa ulo ng taong kaharap nila. 

"Stop messing up with me, kung ayaw niyong makarating kayo sa ibaba nitong palapag na hindi dumadaan sa hagdan," malamig na sambit ni Apollo. Napaatras naman ang mga kaklase niyang lalaki dahil kung matangkad sila mas malaki at matangkad sa kanila si Apollo. 

"Waxy! Gosh!" ani ni Chloe na agad nilapitan si Wax na mukhang natulala kay Apollo. 

"Great, naitapon ko iyong juice na binili ko para kay Wax," pokerface na sambit ni Apollo. Tiningnan nito ang mga lalaki. 

"Ibili niyo si Wax ngayon ng maiinom," utos ni Apollo. Walang sumunod kaya malakas nito sinipa ang upuan. 

"Move!"

Napatakbo ang lahat palabas matapos gawin iyon ni Apollo. Natawa si Ken dahil doon, iyong iba nadapa pa sa unahan dahil sa mga pagmamadali nito na lumabas. 

"Anong ginagawa mo na naman dito?" tanong ni Wax matapos makabawi. Humarap si Apollo na kinatigil ni Wax lalo na ng makita na parang nahihiya ito. 

Pati sina Chloe at Ken natulala matapos makita ang expression na iyon ni Apollo. 

"I'm sorry, ginawan kita ng lunch box," ani ni Apollo bago inabot iyon. Tumikhim si Wax at bahagyang tinakpan ang bibig. Feeling niya aatakihin siya sa puso dahil doon.

"Sinabi ko ng ayoko ng dadalhan mo ako ng kahin ano diba?" pilit na pinataas ni Wax ang boses. Hindi umimik si Apollo at binaba ang hawak na lunch box. Para naman bata na tumingin si Apollo sa sahig. 

"Sorry," bulong ni Apollo. Napatigil si Wax matapos makita ang mga daliri ni Apollo. Umiwas ng tingin si Wax. Tatalikod ito nang—.

"Akin na iyang lunch box. Umalis kana at huwag ka ng lalabas ulit ng ganyan sa building niyo. Hindi ka ba natatakot na ma-rape?" asik ni Wax bago hinablot ang lunch box na dala ni Apollo. 

Gumuhit naman ang ngiti ni Apollo matapos kuhanin iyon ni Wax na bahagyang kinahawak ni Wax sa dibdib. Sunod-sunod na napamura si Wax dahil doon. Feeling niya mahuhulog ang puso niya dahil sa pagpapa-cute sa kanya ni Apollo. 

Nagtaas naman ng maliit na board si Ken at nakalagay doon ang 10 points. Agad umalis si Apollo katulad ng sinabi ni Wax. Kumuha ng panyo si Wax dahil feeling niya magkakaroon siya ng nose bleed dahil sa ginawa ng binata. 

"Gosh! Paano naging ka-cute ang taong iyon sa loob lang ng dalawanv araw?" bulong ni Wax na hindi pansin ang dalawa na nasa likod niya na palihim na nag-thumbs up.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodWhere stories live. Discover now