38

337 9 0
                                    

Chapter 38 
3rd Person's POV 
Umupo sina Wax at Gaizer sa bench na nasa loob ng green house at nagsimulang magkwento si Gaizer. 

"Sa lima kasi si Apollo at Grim ang mahirap talaga makausap ng maayos. I mean masyado sila layo sa mga tao. Manager nila ako pero nandoon pa din iyong pader, alam mo na. Kapag sa trabaho, trabaho lang talaga, 'ganon ang dalawang iyon."

"Bihira ko lang din makausap si Apollo dahil wala itong ginawa kung hindi mag-stay sa room niya then isang araw. May nakita akong wallet sa hotel kung saan kami temporary na nag-stay, binuksan ko then nakita ko ang picture mo at picture ni Apollo," ani ni Gaizer habang nakahawak sa baba at tiningnan si Wax.

"Nakita ko si Apollo na mukhahg hinahanap ang wallet niya kaya agad ako lumapit tapos ayon tinanong ko kung sino ka," dagdag ni Gaizer bago ngumiti. 

"Kinuwento ko nga niya sa akin and guess what interesting lahat at doon ko unang beses na nakitang dumaldal si Apollo. Pinakita niya pa ang ilan sa picture mo after 'non bumabati na din ng good morning sa akin si Apollo."

"Sinabi niya din sa akin na mabait ka nga din daw pero hindi ko ini-expect na sa sobrang bait mo hinahayaan mong i-bully ka ng wedding planner ng kasal mo," napangiwi si Wax matapos marinig iyon. 

"Wala lang naman sa akin iyon. Isa pa hindi niya naman ako sinasaktan as long as iyon lang ginagawa niya wala akong pakialam. Mahalaga lang naman sa akin ikasal ako kay Apollo," sagot ni Wax. Tumingin ulit si Gaizer sa kumpulan ng mga bulaklak na nasa harapan nila at humalumbaba. 

"Sa bawat tao kasal ang pinakamahalaga, katulad ng pagdating ng taong naka-destiny sa iyo— isang beses lang din iyon mangyayari sa buhay mo," sagot ni Gaizer na kinatingin ni Wax. 

"Ganoon din sa buhay ni Apollo kaya huwag mong isipin na parang birthday celebration mo lang iyon. Mahalaga din ang kasal," natatawa na sagot ni Gaizer bago nilingon si Wax na mukhang napaisip ng malalim sa sinasabi ni Gaizer. 

Maya-maya napatigil si Gaizer nang mapahawak sa braso niya si Wax. 

"Tutulungan mo ako diba? Para sa kasal?" tanong ni Wax. Umupo ng maayos si Gaizer at ngumiti. 

"Oo naman, why not?" tanong ni Gaizer bago hinawakan ang kamay ni Wax. 

"Gagawin ko ang lahat para makatulong sa iyo," ani ni Gaizer na kinakinang nang may ni Wax. 

— 
"Nasaan na si Manager?" tanong ni Keehan nang makalabas sila ng music room. Kahit sa living room wala ang manager nila kaya tiningnan ng mga ito si Grim. Mukhang pasimple din nito hinahanap ang manager kaya siguradong wala itong alam kung bakit biglang nawala ang manager nila. 

Maya-maya napatingin sila sa pinto nang pumasok ang dalawa kasunod ang tatlong butler. 

"Mamaya inform ko iyong shop na iyon. Pa-reserved tayo mahirap pumila doon kapag weekends," ani ni Gaizer na kinatinginan ng lima. Bigla kasing nagkasundo ang dalawa at pareho pang natawa ang mga ito 'nong pumasok ang mga ito sa mansyon. 

"Tapos na pala kayo mag-practice," ani ni Gaizer matapos mapatingin ito sa TK na mukhang nagtataka na magkasama ang dalawa. 

"Kailan pa kayo naging close?" tanong ni Keehan matapos ituro ang dalawa. Parang kahapon lang kasi iniiwasan ni Wax si Gaizer sa hindi malaman na dahilan. 

"Kanina lang!" natatawa na sagot ni Wax bago hinawakan si Gaizer sa braso at hinila ito palapit kina Apollo. 

Hindi naman nag-react si Apollo dahil sa hindi alam na dahilan ng binata hindi siya nakaramdam ng selos kay Gaizer— siguro dahil alam ng binata ang relasyon nito sa isa sa miyembro ng TK. 

"Apollo," ani ni Wax na nakatingala at nakatingin kay Apollo na parang nagtataka. 

"May kailangan ka ba?" tanong ni Apollo bago yumuko at binaba ang sarili para sa binata. 

Sa ginawa na iyon ni Apollo, napatakip ng bibig sina Jaxon na pinipigilan matawa matapos makita ang paggusot ng mukha ni Wax. 

"Nanliliit ka ba sa akin?" tanong ni Wax. Natawa si Gaizer dahil sa reaksyon na iyon ni Wax. 

Hanggang dibdib lang kasi ni Apollo si Wax at dahil magkaharap ang dalawa, magkalapit ang katawan nila— nakatingala si Wax kaya bumaba si Apollo. 

Sumimangot si Wax at namumulang nilahad ang kamay sa harap ni Apollo. 

"Pahiram ng credit card mo," ani ni Wax matapos umiwas ng tingin. 

"Credit card ko?" ulit ni Apollo. Hindi naman makapaniwala na kinuha ni Apollo ang wallet niya at kinuha ang black card at nilagay sa palad ni Wax. 

Napaubo si Wax matapos makita iyon. Nilingon nito si Gaizer na napangiwi matapos makita iyon. 

Iba ang credit card sa black credit card. Wala kasi iyong limit at ilan lang sa buong mundo ang meron 'non. 

"Walang limit iyan. Kahit ano pwede mo bilhin," sagot ni Apollo matapos makita na nasamid si Wax sa sariling laway matapos makita iyon. 

"Kung may gusto ka din bilhin na building or company, pakita mo lang iyan. Hindi mo na kailangan makipag-usap pa," Natatawa na sambit ni Keehan na kinakamot ni Wax sa ulo. 

"Wala naman akong bibilhin na company." Pinakita ni Wax ang hawak kay Gaizer na bahagyang umiling na parang sinasabi na hindi nila pwede dalhin iyan. 

"Ahm, wala ka bang credit card talaga?" tanong ni Wax na may alanganin. Baka kasi bigla na lang sila holdapin dahil doon. 

"Ako may credit card. Iyon na lang gamitin mo tapos pababayaran ko na lang kay Apollo," ani ni Keehan na kinuha ang wallet niya at pinakita kay Wax. 

"May black card ka din diba? Saan ko nakuha iyan?" tanong ni Elliseo bago tinuro ang normal na credit card na hawak ni Keehan. 

"Hindi ako pwede basta na lang gumamit ng black card lalo na kung maliliit lang naman na shop ang balak ko puntahan," sagot ni Keehan. Nagkatinginan sina Gaizer matapos parang bata na pinagkaguluhan ng TK ang credit card. 

"Tulungan mo din ako makakuha ng ganiyan," ani ni Apollo. Napabuga na lang ng hangin si Wax at Gaizer dahil sa pangungulit ng TK kay Keehan dahil sa ordinaryong credit card na ni minsan hindi nakakita ang TK. Ano pa ba ini-expect nila sa mga taong hindi yata nakaramdam ng hirap sa tanang buhay nila.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy Godحيث تعيش القصص. اكتشف الآن