23

385 12 0
                                    

Chapter 23 
3rd Person's POV 
"Kung totoo nga ang sinabi mo Wax. Minamalas talaga si Lance at buti nga sa kanya," natatawa na sambit ni Ken. Bumuga ng hangin si Wax. 

"Nag-aalala lang ako baka ipakulong ni Lance si Grim dahil sa akin," bulong ni Wax na puno ng pag-alala. 

"Na hindi mangyayari at kung ipakulong nga ni Lance si Grim yayariin siya ng buong TK. Tiyaka si Lance naman ang may kasalanan doon."

"Hindi mo kailangan mag-alala prenny okay? Niligtas ka lang ni Grim dahil special ka kay Apollo hihi," ani ni Chloe na kinasimangot ni Wax. Kasalukuyan silang naguusap-usap nang may humila sa buhok ni Wax. 

"Wax!" sigaw ni Chloe. Pilit na lumapit si Chloe pero hinawakan siya ng mga kabarkada ni Syra kaya agad ito sinugod ni Chloe. 

Nataranta si Ken pero pumagitna ito nang sasaktan na ng mga ito si Chloe. 

"Napaka-ipokrita mo!  Paano mo ito nagawa kay Lance! Ha?! Walang hiya ka!"

Hinila ni Syra ang buhok ni Wax na napahiyaw na lang sa sakit sa lakad ng pagkakahila ni Syra bumagsak si Wax at pinagtulungan pa ng ibang babae. 

"Wala akong ginawa kay Lance!" sigaw ni Wax pero walang nakinig sa mga ito. Sinabunutan nila si Wax at kinakalmot na naging dahilan para magkasugat-sugat ang braso ni Wax. 

"Tumabi kayo mga malalanding haliparot!" sigaw ni Chloe at pinaghahampas ng bag niya ang mga babae. Nagkapunit-punit ang uniform nito dahil sa paghila ng ibang babae. 

"Shit! Tumigil na kayo!" sigaw ni Ken na hindi alam ang gagawin dahil kahit ang girlfriend niya hindi niya mapigilan. Ang bilis ng mga pangyayari dahil nakita na lang ni Ken na pinagtutulungan pa ng ibang girls sina Chloe. 

Naiyukom ni Ken ang kamao at mabilis na lumapit kay Chloe. Tinulak nito ang mga babae na humihila sa girlfriend at binalandra sa sahig na kinagulat ni Chloe. 

Nagkagulo na dahil dumating din ang mga varsity player at pinagtulungan si Ken. Naging-riot iyon hanggang sa umiyak si Wax habang sinasabunutan ni Syra na parang baliw na natutuwa pa na kumuha ng gunting. 

Napapikit si Wax nang ingat iyon ni Syra para gupitin ang buhok niya. 

"Tingnan ko ang kung may mukha ka pang ihaharap pagkatapos nito," ani ni Syra na may ngisi sa labi. 

Gugupitin nitoa ng buhok ni Wax nang may humablot sa braso niya na kinatigil ng lahat. Napahiyaw ang ilan sa varsity team matapos may mga taong humila sa kanila at hinambalos sa sahig. 

Pinagsisipa ito nina Keehan at halos basagin ang mukha. Pinagtulungan ito nang apat na miyembro ng TK, tipo na hindi ang mga ito nakaporma matapos makita ang apat. 

"A-Apollo," ani ni Syra. Sobrang dilim ng mukha ni Apollo na naging dahilan para mapaatras pa ang ilang babae. 

Halos nayanig ang mundo ni Syra nang malakas siyang sinampal ni Apollo na naging dahilan sumalampak sa sahig ang babae. 

Tatakbo ang ilang girls nang sugurin sila ni Chloe. Pinaghahampas ng dalaga ng hawak niyang bag ang mga babae at lahat ng papalag sinisipa ni Keehan at pinagbabantaan ni Jaxon. 

"Fuck!" mura ni Ken habang sapo ang pisngi at hawak ang dumudugong labi. 

"Ayos ka lang dude?" tanong ni Elliseo. Inabot ni Elliseo ang kamay na agad tinanggap ni Ken. Hinila niya patayo ang binata na kasalukuyang puro sugat at pasa. 

"Wax," ani ni Apollo bago lumuhod sa gilid ni Wax. Wala itong malay kaya agad ito binuhat ni Apollo para dalhin sa clinic. 

Pero bago pa ito umalis nilingon nito ang TK. Wala itong emosyon an tiningnan sina Grim. 

"Wala kayong paalisin sa mga iyan. Babalik ako," malamig na sambit ni Apollo na kinalunok nina Keehan.

"Bakit ba hindi pa din ako nasasanay sa expression na iyon ni Apollo. Last na nakita ko siyang 'ganon may sinabit siyang tao sa building ng nakabaliktad," ani ni Keehan na kinatingin ni Ken.

— 
Walang nagawa ang mga teacher ng makita nila na pinatayo ng TK sa paligid ng flag pole ang buong varsity team na bumugbog kay Ken na tanging boxer lang ang suot. Kasama nito ang mga babae na pinagtulungan sina Wax at Chloe na tanging bra at panty lang ang suot. Tuwang-tuwa din na ginupitan ni Chloe ng buhok ang mga babae kasama ang buong team. 

Nakabantay naman ang apat sa Tk na parang nga hari na nakaupo sa ilalim ng mga puno na hindi malayo sa flag pole. Kinukuhanan pa ito ng litrato ni Keehan at kinalat sa buong campus bilang babala. 

Mangiyak-ngiyak naman ang girls kung paano nila tatakpan ang sarili habang pinagtatawanan sila ng mga estudyante doon. Maya-maya dumating si Apollo. Natahimik ang lahat at nagtakbuhan ang mga estudyante na nakiki-isyuso kanina lang. 

Dumating din si Chloe at Ken na nagamot na din ang mga sugat. Nakasuot na din ng bagong uniform si Chloe pero kita pa din ang panggagalaiti nito matapos mapatingin sa grupo nina Syra na nanginginig sa takot matapos makita si Apollo. 

"Kumukulo pa din talaga ang dugo ko kapag nakikita sila," ani ni Syra na may galit sa mukha. Salubong din ang kilay ni Ken dahil kahit malaki sa respeto niya sa babae matapos makita ang mga sugat at injury na natamo ni Wax gusto niyang balian ng mga buto ang mga babaeng kaharap niya. 

"Apollo, anong sunod?" tanong ni Keehan matapos lumapit ang apat kina Apollo na nakatayo sa gitna ng field. 

"Si Wax ang may kasalanan lahat ng ito! Pinabugbog niya si Lance!" sigaw ni Syra na puno na pagpa-paawa habang yakap ang katawan. Nag-pokerface si Grim Vergara na kinatawa ni Keehan. 

"Kung gaano kinalaki ng dibdib mo iyon naman kinaliit ng utak mo. Sa tingin mo magagawa iyon ng katulad ni Wax? Tinanong mo ba sa boyfriend mo kung sino ang gumawa?" natatawa na tanong ni Keehan Alvarez habang may hawak na phone at kinukuhanan sila ng video. 

Naibuga naman ni Elliseo ang iniinom na tubig matapos marinig iyon kay Keehan. Hindi naman nagpakita ng kahit anong emosyon si Apollo at nilingon si Chloe na nakasimangot. Para kasi sa dalaga kulang pa ang mga 'yan sa ginawa nila sa bestfriend niya. 

"Gusto gumala, Chloe?" tanong ni Apollo na kinatingin ng dalawa. 

"Gumala?" ulit ni Chloe. Maya-maya may dumating na estudyante at may hawak na madaming tali. Kuminang nag mata ni Chloe matapos makita iyon. 

"A-Anong g-gagawin niyo?" tanong ni Syra matapos makita ang dalawang mahabang tali. 

"Umikot kayong dalawa sa buong campus. Kasama ang mga estudyante na iyan. Huwag kayong babalik dito nang hindi naiikot ang buong university," utos ni Apollo na kinaliwanag ng mukha ni Chloe. Halos mawalan naman ng dugo sa mukha lahat ng tao sa field matapos marinig iyon. Siguradong lahat pagtatawanan sila. 

"Leader! Leader! Sasama kami! Kukuha ako ng madaming picture," ani ni Keehan na nakataas ang kamay. Tumaas din ng kamay si Jaxon na napangisi na lang din habang may hawak na phone. Nailing na lang si Elliseo dahil sa ginagawa ni Apollo. 

Parehong mukha ng university ang varsity team at peer club at siguradong dahil doon wala ng ihaharap pa ang mga ito sa mga estudyante ng university. 

Dalawa lang ang mapagpipilian ng mga estudyante ngayon na nasa spotlight. Mag-drop out or maging laughing stock ng mga estudyante.

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodWhere stories live. Discover now