28

380 10 0
                                    

Chapter 28 
3rd Person's POV 
Kasalukuyang naglalaro sina Keehan at Jaxon ng mga gamesa sa isa sa mga booth ng first year nang biglang tumunog ang phone nila na kinatingin ng dalawa. 

Sandaling binitawan ni Keehan ang dart na hawak at tiningnan ang phone niya. Nagjatinginan sila ni Jaxon bago lakad takbo na umalis sa tent. Nasalubong din nila si Elliseo na nakangiwi na tinatahak ang daan pabalik ng classroom nila. 

"Bakit biglang nag-text si Vergara? Anong emergency?" tanong ni Jaxon kay Elliseo na kinangiw ng binata. 

"Nakita mo na nasa labas tayong tatlo diba? Paano ko malalaman," sarcastic na sagot ni Elliseo. Umakyat sila sa hagdan at nang makarating sila sa classroom nila. 

Nandoon sina Apollo at Grim. Nasa magkabilang sulok ng kwarto— durog-durog ang upuan at nagkalat ang mga gamit. 

"Holyshit! Anong nangyari?" tanong ni Elliseo na hindi makapaniwalang nakatingin kina Apollo at Grim. 

"Anong nangyari?" may pag-aalala na tanong ni Keehan habang nakatingin sa dalawa. Dumudugo ang kamao ni Apollo. Napaupo ang binata sa sahig na nasa pinakasulok ng kwarto at sinabunutan ang buhok. 

"I'm sorry," bulong ni Apollo. Sinara ni Elliseo ang pinto pagkatapos nila pumasok. Tiningnan ni Elliseo si Grim na kasalukuyang dumudugo ang gilid ng labi. 

"Nag-away ba kayong dalawa?" tanong ni Jaxon na kinagitgit ni Grim. 

"Sinabi ko sa kanya na i-give up ang banda," sagot ni Grim na kinalaki ng mata nina Keehan. 

"What! Anong i-give up! Nasisira na ba ang ulo niyo?" asik ni Elliseo dahilan para pigilan siya ni Keehan. 

"Anong ginagawa mo Kee—"

"Pakinggan muna natin sila. Grupo tayo dito ayusin natin ito," kalmadong sambit ni Keehan. Tiningnan ni Keehan si Apollo. 

"Apollo, anong problema? Wala pa tayo sa plano natin. Anong nangyari?" tanong ni Keehan habang nakatingin sa leader. 

"Mas mabuting kami ang kauspin mo, Grimore. Walang masasabi sa iyong matino si Vergara kapag sa kanya mo binase ang desisyon mo lalo na kapag about na ito sa banda," sabat ni Jaxon na may pagkadisgusto sa mukha. 

"Hindi ito about sa banda, about ito kay Wax. Kaya kong baguhin lahat, fashion style ko, kaya ko din maging perfect boyfriend sa kanys in future pero hindi ko kayang mamili between Wax at sa banda," ani ni Apollo na kinatigil nina Keehan. 

"What do you mean? Pinapipili ka ba ni Wax?" hindi makapaniwala na tanong ni Elliseo. 

Tumitig si Apollo sa sahig bago nagsalita. Niyukom nito ang kamao habang nakayuko. 

Sinabi lahat ni Apollo ang usapan nila ni Wax at pag-alis ang pagtalikod sa kanya ni Wax. 

"Gago! Hindi ka niya pinapipili! Tinatanong ka niya!" bulyaw ni Keehan kalaunan na kinatingin sa kanya ng lahat. Napasapo si Keehan sa noo. 

"Sinabi niya sa iyo ang maaring mangyari in future at hinihintay ka niya mag-decide kasi ikaw ang nasa spotlight hindi siya."

"Parang wala kang idea sa patakaran ng entertainment industry. Hindi mo ba naisip ang madaming possibility sa magiging relationship niyong dalawa?"

"Wala sa kanyang mawawala kung sakali nga na may makaalam tungkol sa pagiging head over heels mo sa kanya pero sa iyo madami. Masaming possibility at tinatanong niya kung handa ka din ba sa mga iyon since naninindigan ka na gusto mo siya."

"Kailangan ko pa ba i-translate bawat sentence na sinabi ni Wax para maintindihan mo leader?" ani ni Keehan na nakangiwi. 

"Ibig sabihin hindi niya ako pinapipili?" bulong ni Apollo na napatingin kay Keehan. 

"Hindi siya nakikinig noh. Hindi niya nakuha ang point ni Keehan," bulong ni Jaxon kay Elliseo na kasalukuyang gusot ang mukha.

"Not really, pero handa ka ba sa malaking possibility na mawala sa iyo ang lahat kung hindi ka pipili between kay Wax at sa grupo? Wala pa tayo sa pinakagitna ng career natin, leader marami pang maaring mangyari— handa ka ba sa lahat."

Umiwas ng tingin si Apollo at nanahimik. Bumuga ng hangin sina Jaxon at Elliseo. Sinimulan nilang linisin ang classroom at itabi lahat ng kalat. 

"Paano kung sumugal ako? Isakripisyo ko ang career ko at buong grupo para kay Wax."

Napatingin sina Grim matapos marinig iyon kay Apollo. 

"Masyado kang makasarili, Apollo. Kapag nabalewala lahat ng pinaghirapan natin dahil sa iyo handa ka ba magpabugbog sa amin hanggang sa ma-hospital ka?" sarcastic na sambit ni Elliseo na kinatawa ni Keehan. 

"Leader, gawin mo ang makakapagpasaya sa iyo," ani ni Keehan na kinatingin ni Apollo. 

"Binuo mo ang banda dahil iyon ang nakakapagpasaya sa ating lima diba? Dito natin nararamdaman na malaya tayo pero kung ito din naman ang rason kung bakit natin hindi magawa ang mga gusto natin. Nasaan ang saya at freedom?"

"Gawin mo ang tama leader, para kay Wax at sa grupo."


"Hindi pumasok si Wax?" ani ni Apollo na kinangiwi ni Chloe. 

"Two days na. Bigla na lang kayong nawala ni Wax ano bang nangyari sa inyo after ng event," tanong ni Chloe na may pag-aalala. 

"Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong ni Apollo at hindi nito pinansin ang sinabi ni Chloe. 

"Nakausap ko siya kahapon. Sabi niya umuwi siya hindi ko alam kung saan. Hindi niya din sinabi ang address," ani ni Chloe. Matapos marinig iyon mabilis na umalis si Apollo. Tinawag siya ni Chloe pero hindi na lumingon pa ang binata at agad bumaba ng hagdan. 

"Wax," bulong ni Apollo na may pag-aalala sa mukha. 


"Anong ginagawa mo dito!" asik ng ginang matapos makita si Wax sa labas ng pintuan. Walang salita na pumasok si Wax. 

"Bahay ko pa din naman ito? Bawal na ba ako pumunta?" malamig na sambit ni Wax. Napatingin lahat ng katulong na nandoon. Ang iba naman ay maiyak-iyak matapos makita ang binata. 

"Young master, ako na magdadala nito sa itaas," puno ng saya na ani ng isa sa mga katulong na matagal na din na naninilbihan sa mga Frevas at isa sa mga nagpalaki kay Wax.

"Ikaw sino may sabing bumalik ka na dito! Nag-aaral ka pa diba!" bulyaw ng ginang na kinalingon ni Wax. Maya-maya may bumaba pa na lalaki galing sa hagdan at may kaakbay na sexy na babae. 

Napatigil ito matapos makita si Wax. Napangisi ang binata matapos makita ang pinsan nito na si Leo. 

"Pinag-aral niyo sa states si Leo gamit ang pera ng pamilya ko tapos makikita ko siya dito na may nakalingkis na babae?" Nilingon ni Wax ang tiyahin niya ar tinaasan ng kilay. 

"Sa anong klaseng school niyo pinagtapos ang anak niyo tita?" Naggitgit ang binatang si Leo matapos marinig iyon. Dali-dali itong bumaba at hinablot ang kwelyo ni Wax. 

"Anong pinagmamalaki mo taba? Hindi ba dapat magpasalamat ka dahil simula ng maulila ka daddy at mommy ko na ang humawak ng kompanya niyo para hindi malugi."

"Magpasalamat? Sinasabi niyo bang may utang na loob ako sa inyo pagkatapos niyo magpakasawa sa pera ng mga magulang ko at paalisin ako sa sarili kong pamamahay?" asik ni Wax bago tinulak si Leo palayo at tiningnan ng masama. 

"Gusto ko ng magpahinga. Mananatili lang ako ng apat na araw dito then AALIS na ako," may diin na sambit ni Wax bago nilampasan si Leo at umakyat ng hagdan. 

Territorial Kings: Tamed By The Sexy GodWhere stories live. Discover now