Chapter 26

529 15 1
                                    

CHAPTER 26

ALYESHIA P.O.V.

Tahimik lang akong nakaupo sa harapan ng reyna at ng hari. Kasama ko rin naman si Veighn at Kenjie na bigla nalang sumulpot kanina.

Napakagat labi nalang ako.

"It's good to see you that you are here already. Mabuti naman at pumayag si Vicent at Kyllorie na humiwalay ka sa kanila, ija" he said pertaining to the Duke and Duchess Formentero. I just gave him a small smile. Hindi kaya sila pumayag, napilitan lang kase kasama ko po ang anak niyo!

"Opo. Alam naman po kase nilang ligtas ako sa puder niyo, mahal na hari"

Tumango lang ang hari at di na nagsalita pa tungkol sa akin. Sakto namang tumingin sa akin ang reyna.

"Did you already eat breakfast?" mahinahong tanong nito. Tumango nalang ako.

"Really? mabuti naman. Kung hindi talaga, naku matatamaan yang si Veighn sakin!" nahihiyang pahayag ng reyna at tumawa pa ng mahina. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko sa narinig.

"Nakatulog ka ba ng maayos? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naaayos iyong mga guest room namin dito eh, so where did you sleep, Forrie" muling tanong ng reyna sabay ngiti nang 'alam kong sa kwarto ka ng anak ko natulog, hihi'

Dahil sa tanong ng reyna ay napaismid ako. Tumingin din ako sa Male lead ng may pagaalangan kung sasabihin ko yung totoo pero ang walangya, hindi yata nakaramdam. Ano naman ang sasabihin ko!??

Hindi naman ako tiningnan ng male lead kaya napalunok ako ng laway bago magsalita.

"Yes po. A-ahh....sa kwarto po ako ni Young master Veighn pinatulog, mahal na reyna" napangiwi ako sa aking sinabi. Akala ko ay magagalit ito pero isang tagumpay na ngiti ang bumalandra sa kanyang muka.

"Drop the formalities, Forrie. Just call me tita Zaimien" mahinahong saad nito. "S-sge po, tita."





MALAKAS akong napabuntong hininga habang nakatanaw sa balkonahe ng palasyo.  Maganda naman ang tanawin at nakakahinga naman ako ng maluwag pero hindi parin ako makapaniwala kung nasasaan akong lugar ngayon.

Thinking how my life run now, i can simply say that it was so fucking damn stressing. Yes, given na yung ako raw ang may ari nang katawan na ito pero talaga bang need ko pang madamay? okay na ang buhay ko eh. Kung hindi lang kasi sana ako natulog sa klase ni Ma'am Glaiza edi sana kasama ko pa rin ngayon sina Mira, Mama, Papa, even Tito and Tita. Oo nga't hindi nila ako tunay na pamilya pero. . . . .gusto ko lang namang maging kompleto eh....kahit yun nalang sana. Hindi naman sa nagsisisi ako pero parang ganon na nga..

Tss, nasanay kalang naman kasi sa pagmamahal at atensyon na natatanggap mo sa kanila Ashleigh!.

"What are you doing here?"

Napalingon ako kay Veighn na bigla na namang sumulpot sa tabi. Iniwas ko rin naman ang ang aking tingin dito at ibinalik sa tinitingnan kong tanawin.  Puro naglalakihang puno at mga bulaklak na sobrang titingkad nang kulay, hays sana bulaklak nalang ako!

"Nagpapahangin lang po Young Master" i softly said and form my lips a smile.I didn't seen his reaction naman kaya patuloy ko lang pinapalibot ang tingin ko sa garden.

"How about you. . .Why are you here too, young master?" pagbabalik ko naman ng tanong sa kanya, napansin ko kasing hindi na ito umimik kaya inagapan ko ng magsalita, mahirap na at baka maging awkward na naman ang sitwasyon namin.

"Likewise." maikling sabi. Napatango nalang ako, walang maisip na tanong.

We silently look at the view of the garden. Paminsan minsan ko rin naman itong sinisilip, napansin ko nga ring may hawak pa siyang wine.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now