Chapter 28: The Red Book

1.5K 72 6
                                    

[Chapter 28]

Kinaumagahan ay kaagad siyang nagluto ng agahan ng hari at dating reyna. Matapos ay mabilis siyang lumabas ng palasyo.

Hindi na siya napigilan pa ng apat dahil sa dilim ng kaniyang aura at sa nakakatakot na ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi maipinta at mababakas rito ang matinding galit at pagtitimpi. Mugto rin ang kaniyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak.

Pagkarating niya sa bahay ni Azrael ay mabilis siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya roon si Mikael at ang triplets. Nais niyang yakapin ang mga ito. Ngunit mas nagsusumiklab ang galit sa kaniyang loob at ang kagustuhan na makita at makausap si Lino.

"Azr—"

"Pa, ituro mo kung nasaan si Lino," saad niya suot ang kaniyang galit na ekspresyon sa mukha.

Hindi na natapos pa ni Mikael ang kaniyang sasabihin. Ang triplets ay napapalunok na nagpapalitan ng tingin. Hindi nila maintindihan kung bakit ganito ang pinsan.

Noong nakaraan ay napaka-ayos pa naman nito. Ano ang nangyari? Tila pinagbagsakan ito ng langit. Ngayon nalang nga ito nagpakita sa kanila tapos ito pa ang bubungad sa kanila.

"A-Azrael, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Mikael at kaagad siyang nilapitan saka hinaplos ang kaniyang ulo.

"Kailangan kong makausap si Lino," sagot niya. Hindi niya gustong sabihin dito ang problema. Iniisip niya palang ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman nito ang kababuyang ginawa ni Haring Julio kay Azrael ay hindi na niya kinakaya. Maaari itong makapatay o sumugod nang walang plano.

"Anak..." Malungkot na saad ni Mikael. Nag-aalala siya. Lalo pa't ngayon niya lamang nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha ng kaniyang anak. Mugto rin ang mga mata nito. "Anak, ano ang ginawa sa iyo ni Lino?"

Napaiwas ng tingin si Sarina. Hindi pa ito ang oras para malaman nito ang lahat. Bukod pa roon ay wala rin naman siyang lakas para ipaliwanag dito ang lahat. "M-Magpapaliwanag ako sa susunod, Pa."

Napabuga na lamang ng hangin si Mikael saka napalingon sa tatlong Sandoval na tahimik na nakatingin lamang sa kanilang mag-ama. Tinanguan niya ang mga ito nang makita ang pag-aalala sa mga mukha nito.

"N-Naroon si Lino s-sa ating kwadra," saad ni Mikael at marahang iginaya si Sarina patungo sa kwadra ng mga kabayo. Mabilis ding sumunod ang tatlong Sandoval. Hindi mapakali ang mga ito.

Pagkarating nila sa kulungan ng mga kabayo ay nadatnan nila ang dalawang ginoong napapahikab na nagpapakain ng mga kabayo. Si Isko, at ang isa... ang lalaking hinahanap ni Sarina.

Si Lino.

Mabilis siyang naglakad palapit sa dalawa dahilan upang makuha niya ang atensyon ng mga ito. Hindi nakasunod si Mikael at ang triplets dahil natatakot ang mga ito sa aura na inilalabas ni Sarina. Tila natuod na sila sa kanilang kinatatayuan at hindi na magawang gumalaw pa.

Samantalang bigla namang nagkakulay at sumigla ang mukha ni Isko nang makita ang binibining kaniyang naging kaibigan. Akmang babatiin niya ito ng magandang umaga ngunit kaagad ding umatras ang kaniyang dila nang makita ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha nito lalo na ang nanlilisik nitong mga mata na nakatingin sa kaniyang kasama.

Patuloy lamang sa paglalakad si Sarina hanggang sa tumigil siya sa harap ng lalaking ngayon ay namumutlang nakatitig sa kaniya. Matangkad ito kaya kinakailangan niya pa itong tingalain. Bumubukas ang labi nito na tila may gusto sabihin ngunit hindi magawa.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Sarina. Masyadong natatabunan ng galit ang kaniyang isipan at puso para makapag-isip pa ng maayos.

Sarado na ang isip niya at tanging puot at pagkaawa lamang ang tumatakbo roon.

The Royal Chef (Silangan Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now